CHAPTER 20 | LIVING IN ONE ROOF

13.2K 295 1
                                    

Chapter 20

KINABUKASAN ay sabay kaming bumaba ni Lucious galing sa kwarto namin para mag breakfast. Sama sama kami ngayon dito sa dinning area kaya nagtatakang nakatingin sina Uzumaki kay Lukas. Hindi na kasi sila nagkakilala kahapon.

" Who's he?" Kunot noong tanong ni Uzumaki habang nakatingin kay Lukas.

" I'm Lukas." Pakilala ni Lukas sabay ngisi. Did I just saw him smirk? what for?

" Why are you in our house this early?" si Killua naman ang nag- tanong kay Lukas.

" Couse we live here." Sabat ni Shannon sa usapan nila. Tumingin naman ito sakin sabay ngisi kaya hindi ko nalang pinansin dahil nag mumukha syang tuko.

" You live here?" Takang tanong ni Levi sabay tingin samin ng daddy nya.

" Yes, because Lukas is also your father's son." Mapag malaking sagot ni Shannon kay Levi. Tumingin si Levi saakin pagkatapos ay kay Lucious. Kanina pa ako hindi nagsasalita dahil wala ako sa mood.

" Is that true?" Madiing tanong ng panganay ko. Hindi naman makasagot si Lucious kaya naunahan sya ni Shannon.

" Yes, and soon will be a happy family. You three, your daddy, Lukas and me." Sinamaan naman sya ng tingin ng tatlo dahil sa sinabi nya samantalang si Lucious ay sinaway lang sya. Ano bang akala nya? na hahayaan ko syang sirain ang pamilya ko? asa sya.

" Nawalan na ako ng gana." Uzumaki said sabay tayo sa upuan at dare daretsong umalis ng dinning area. Sumunod naman sakanya si Killu at Levi. Napatingin din sakin si Lucious dahil tumayo na din ako, nawalan na din ako ng gana.

Iniwan ko silang tatlo sa dinning area saka sumunod sa mga anak ko. Nag expect ako na susunod si Lucious pero hindi.

Naabutan kong nanonood ng tv ang triplets sa kwarto nila kaya naman tinabihan ko sila.

" Is there a problem?" Malambing na tanong ko sakanila. My babies are very special to me. They are my treasures and their father of course kahit na ganito ang mga nangyayare.

" Ma, bakit may anak sa iba si daddy?" Tanong ni Uzumaki. Hindi pa ako nakakasagot nang dugtungan sya ng kapatid nya.

" Kaya po ba umalis ka po noon kasi niloko ka po ni daddy?" Tanong ni Killua.

" Kaya po ba nasa New York tayo nang matagal kasi ayaw mo pong malaman namin na may anak na si daddy dito?" Si Levi naman ang huling nag tananong.

" No, mga anak ngayon lang din nalaman ng daddy nyo ang tungkol kay Lukas. Saka hindi pa sigurado ang daddy nyo kung kapatid nyo ba talaga si Lukas. Pag lumaki kayo i- eexplain ni mommy sainyo okay?" Tumango naman sila sa sinabi ko at yumakap sakin. Niyakap ko din sila nang mahigpit. Sobrang pasasalamat ko at binigyan ako ng mga anak na katulad nila.

Habang magkakayakap kami ay pumasok si Lucious at nakiyakap din saamin.

" Sorry, Love, Babies. Daddy will fix this, just please trust me." Bulong nya samin habang yakap kami. Tumango naman ako ganon din ang mga bata.

Nagpaalam na si Lucious dahil may trabaho pa sya, sya na din ang mag- hahatid sa mga bata sa school kaya sabay sabay silang umalis. Humalik pa sila saakin bago tuluyang makaalis.

Ang pinoproblema ko ay si Shannon. Dahil kanina ay umalis ito isasama sana ako ni Lucious sa trabaho nya para hindi kami magkasama ni Shannon sa bahay pero umalis ito kanina kaya ang buong akala namin ay gabi pa ito uuwi kaya naman nag pa iwan na ako sa bahay kay Lucious pero nagulat ako nang pagkaalis nila Lucious saka nama ito bumalik kasama si Lukas. Si Lukas ay hindi pa daw nag aaral sabi ni Shannon ay pag aaralin nalang daw nya ito kapag 5 years old na ito.

Nandito ako ngayon sa sala habang nanonood ng tv si Shannon naman ay nasa kwarto nya yata. Napansin kong umupo si Lukas sa isa sa mga couch saka nanood ng pinapanood ko. Nanonood kasi ako ng Tom and Jerry dahil natripan kong panoorin.

" Gusto mo?" Alok ko sakanya nung kinakain kong Stick-O.

" Bibigyan nyo po ako?" Masayang tanong nya. Natawa naman ako ng konti nalang ay kuminang ang mata nya sa sobrang saya.

" Oo naman." Nakangiting sagot ko sakanya, inabot ko sakanya yung Stick- O pero nagulat ako ng biglang nag bago ang mood nya at nalungkot.

" May problema ba?" Malumanay na tanong ko sakanya.

" Kasi po sabi ni Mommy huwag daw po kita kausapin dapat daw po inisin kita." Sagot nito na ikinagulat ko. For pete's sake ano anong tinuturo ni Shannon sa anak nya. Pati 4 years old na bata idadamay nya pa sa kalokohan nya.

" Hayaan mo ang mommy mo. Ito kuha ka na." Sinunod naman nya ako at kumuha na sya ng Stick-O. Masaya lang kaming nanonood ng bumaba si Shannon.

" Talaga naman. So ano to balak mo din agawin ang anak namin?" Bintang na sabi nya. Hello nanonood lang kami inaagaw agad?

" Nanonood lang kami, Shannon huwag kang OA." Bagot na sagot ko sakanya.

" Nanonood? ang sabihin mo gusto mong mapalapit sayo ang anak namin ni Lucious para makuha ang loob nya tapos sisiraan mo ako sakanya." Sagot nya. Ang lawak naman ng imagination nya.

" Hindi ko ugaling ugaliin ang ugali mo huwag kang mag alala. Sayong sayo ang ugaling iyan." Sarcastic na sagot ko sakanya. Wala nanamang patutunguhan tong usapan namin.

" Anong sinabi mo?" Akma ako nitong lalapitan nang pumagitna si Lukas.

" Mommy, huwag mo na pong awayin si tita mabait naman po sya." Sabi ni Lukas sa mommy nya. Mukhang hindi nagustuhan ni Shannon ang sinagot ni Lukas.

" Ikaw bata ka, hindi ba sinabi ko sayo huwag mong kakausapin ang babaeng to? ang tigas tigas ng ulo mo." Sigaw ni Shannon kay Lukas habang hawak ito sa braso ng mahigpit.

" Shannon, nasasaktan ang bata." Sabi ko kay Shannon. Naawa ako kay Lukas dahil bakas sa mukha nya na nasasaktan sya sa hawak ni Shannon.

" Huwag kang makielam dito." Duro sakin ni Shannon.

" Shannon, God nasasaktan mo na ang anak mo." Galit na sabi ko sakanya.

" Wala kang karapatang pigilan ako. Ako ang nanay kaya kahit anong gawin ko sakanya ay wala kang paki elam." Sagot nya.

Hinila nya paakyat sa kwarto si Lukas at wala namang nagawa ang bata dahil sa higpit ng hawak nya dito. Agad kong pinasundan kay Manang sina Shannon para ipakuha si Lukas pero ang sabi ni manang ay nakalock ang pinto at kagabi daw ay kinuha sakanya ni Shannon ang spare key kaya hindi nya mabuksan ang pinto.

Natakot ako sa pwedeng gawin ni Shannon kay Lukas kaya agad kong tinawagan si Lucious para pauwiin sana sya dahil sigurado akong susundin sya ni Shannon.

" Hello, Love?" Sagot ni Lucious sa kabilang linya.

" Love, pwede ka na bang umuwi?" Tanong ko sakanya.

" Kapapasok ko lang. Miss mo na ba ako, Love?" Nakakalokong tanong nya.

" Si Shannon kasi hinila sa kwarto si Lukas halatang nasasaktan si Lukas sa pagkakahawak ni Shannon. Nag aalala lang ako baka anong gawin sakanya ni Shannon." Paliwanag ko sakanya. Narinig ko namang pina- cancel nya ang mga appointment nya ngayong araw sa kabilang linya.

" I'm coming home, Love. Wait me there. I love you." Hindi na nya ako hinintay na makasagot at binabaan ng linya.

Hindi ko alam kung paano tratuhin ni Shannon si Lukas kaya nag aalala talaga ako para sa bata. Hindi lahat ng nanay pareho nang pagpapalaki sa mga anak. May mga nanay na kayang saktan ang mga anak kaya nag aalala ako para kay Lukas. Huwag naman sana syang saktan ni Shannon.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

The Billionaire's Hidden Babies ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon