Chapter 15
NGAYONG araw plano kong sopresahin si Lucious sa trabaho nya. Pinagluto ko sya ng lunch at balak ko syang sabayang kumain. Habang ang mga bata naman ay dadalawin ang lola nila after ng klase nila.
Sobrang saya ko dahil maraming magagandang bagay ang nangyayare. After ko sagutin si Lucious ay mas lalong dumoble ang effort nya saamin ng mga bata.
Pag dating ko sa opisina ni Lucious ay sumakay na ako ng elevator. Naabutan ko pa ang bago nyang secretary na bumati naman saakin. Pag katapos kasi noong eksena namin ni pusit o yung dati nyang secretary ay tinggal na nya talaga ito sa trabaho.
" Magandang araw po, Ma'am. Sosorpresahin nyo po si sir?" Bati saakin ng scretary nya. Kaya naman ngumiti ako dito bago tumango.
I was about to open the door of Lucious' office ng marinig ko syang may kausap sa cellphone. Malakas ang boses nya na parang galit kaya hindi ko maiwasang makinig sa pinag uusapan nila.
" What?! akala ko ba next month pa ang kasal namin ni Shannon? bakit naging 2 weeks from now?" Narinig kong sabi nya sa kausap. Nanlambot ang tuhod ko sa narinig. Akala ko ba sya na ang bahala sa kasal nila? akala ko ba hindi nya hahayaang matuloy ito?
" Of course not! hindi ko hahayaang mangyare yon. Darating ako sa kasal namin." Hindi ko kinaya ang narinig na sinabi nya kaya pabalang kong binuksan ang pinto ng office nya. Wala akong balak umalis at magpaka layo dahil lang sa narinig.
" Love." Gulat na sabi nya ng makita ako. Agad nyang pinatay at binaba ang cellphone nya bago lumapit saakin.
" Mind explaining what I just heard?" Malamig na sagot ko sakanya. Gustong marinig ang sasabihin nya dahil ayoko nang maulit ang nangyare noon dahil lang sa hindi ako nakinig sakanya. Baka sakaling maintindihan ko pa sya.
" It's not what you think, I promise." Nagmamakaawa ang mga tingin nya pero hindi ko ito pinagtuonan ng pansin.
" I don't need that kind of answer. Start explaining before my emotions takes over me." Nagtitimping sagot ko sakanya. Kakasagot ko lang sakanya nung isang araw tapos ganito ang mangyayare?
" Ayaw manila nila mommy na may pamilya na ako. Pinipilit pa rin nila akong magpakasal kay Shannon. Kapag daw hindi ako sumipot ay tatanggalin nila lahat ng shares nila sa company ko." He explained.
" Bakit hindi mo sinabi saakin?"
" We just recently got into each other's arms again. Ayaw ko namang masira ulit ang relasyon natin na kakaumpisa lang ulit. Ayaw ko ding ma stress ka pa kaya hindi ko nalang sinabi." I get his point pero karapatan ko pa rin malaman yon.
" What's your plan? are we going to break up?" Ayaw kong makipag hiwalay sakanya, mas gugustuhin ko pang sya ang makipag hiwalay para alam ko sa sarili ko na ayaw na nya saakin.
" No, of course not! we will not break up. Aayusin ko ang problemang ito. Hindi ko kakayanin kung mawawala kayo ng mga bata saakin." Umiiling iling na sagot nya. Hinawakan nya ang kamay ko saka pinisil, giving me assurance.
" Then what? hahayaan mong mag pull out ng shares ang parents mo?"
" No, marry me para maniwala silang may pamilya na ako. I know this is sudden but this is the only way para hindi na nila ipilit na ikasal ako kay Shannon. Let's get married in Civil then I'll marry you in church kapag ayos na ang lahat." He said. Kasal? handa na ba kami para sa bagay na iyon?
" Wala na bang ibang paraan?" Tanong ko.
" Ayaw mo ba?" Hindi naman sa ayaw ko, masyado lang mabilis dahil kasasagot ko lang sakanya nung isang araw tapos ngayon ikakasal na kami?
" Let's get married." Maybe it is the only way para hindi na sya habulin ni Shannon. It is also a way para matawag ng buo ang pamilya namin. Ngumiti naman sya dahil sa sinabi ko. Wala syang sinayang na oras at hinila ako agad palabas ng opisina nya.
Things went too fast. Kasal na kami. Attorney lang ang nagkasal saamin. Ang sabi nya ay pakakasalan nya ulit ako sa simbahan kapag naayos na ang lahat. Ayos lang din naman saakin as long as kasal na kami.
" Anong balak mo? ipadadala mo ba sa parents mo ang wedding certificate natin para lang malaman nilang kasal ka na?" I asked habang pa uwi kami.
" No, hindi sila maniniwala. Iisipin nilang peke ang wedding certificate natin. Matigas ang ulo ng parents ko, hindi sila nakiking o naniniwala saakin." Sagot nya. " I have a plan but I need your help, Love." dagdag nya pa.
" What is it?"
" Darating ako sa kasal kuno namin ni Shannon, then at the middle of the wedding ay darating kayo ng mga anak natin para talagang maniwala na ang parents ko na may anak at asawa na ako." Is he out of his mind?
" Hindi ba mapapahiya si Shannon non? that's too much." I said.
" No it's not. Kahit ipakita ko ang picture nyo ng mga bata ay hindi parin naniniwala ang parents ko na pamilya ko kayo. Ang iniisip nila ay nakuha ko lang sa kung saan ang picture kaya mas mabuti naring sa personal nila makita at sa mismong kasal kuno namin ni Shannon." Mahabang paliwanag nya. So ano ito ba yung engrandeng eksena namin? kung saan mag aaway ang kabit at original? nevermind sa mga movie lang nangyayare yon.
" Are you sure?" paninigurado ko. Hindi ko kasi alam kung tama ba ang plano nya. Yes, it is for us pero paano naman si Shannon? nakakahiya yon. Ako ang nahihiya para sakanya.
" Yes, If you're thinking about Shannon please don't. Just this once maging makasarili ka naman para sa pamilya natin." Is it okay? is it okay na maging makasarili kahit isang beses lang para sa kaligayahan ng pamilya ko? para sa ikabubuti ng pamilya ko? maybe it is.
" Hindi ko naman sya hahayaang saktan ka o ang mga bata, Love. I eexplain lang natin sakanila na hindi na pwede ang kasal na gusto nila dahil pag mamay ari mo na ako." Dagdag nya pa. Maybe he is right. Minsan kailangan din nating isipin ang makakabuti para sa sarili o sa pamilya natin. Hindi habang buhay tayo ang umiitindi minsan kaylangan din nila tayong maintindihan.
Pag ka uwi namin ay sinalubong kami ng mga bata. Kauuwi lang din nila galing kina Mommy.
" Hi Babies, how's your day?" malambing na tanong ko sakanila.
" It's great mommy, nag enjoy kami kina lola." Ang anak kong si Uzumaki ang sumagot. Tumango naman sina Killua at Levi sa sinabi ng nakatatandang kapatid.
" Guess what babies." Pakikisali ni Lucious sa usapan namin ng mga bata.
" What?" Sabay sabay na tanong ng tatlo. Ang cute nilang tignan dahil nakakunot pa ang noo nila.
" Your mom and I just got married." He said with full of happiness. Napatingin naman saakin ang tatlo na halatang nag tatampo.
" When? bakit wala kami doon?" Killua said while pouting.
" Kanina lang babies, don't worry it is just a civil wedding kapag kinasal ulit kami ng mommy nyo sa simbahan kasama na kayo." Sagot ni Lucious sa anak. Talaga lang ha.
NAPAG usapan namin ni Lucious na i- eexplain namin sa mga bata ang plano sa kasal kuno nila ni Shannon. Naiintindihan naman ito ng mga bata at sumang ayon sa plano ng ama nila.
Hindi na ako nagtataka dahil manang mana sila sa tatay nila.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Hidden Babies ( COMPLETED)
RomanceSeeing the man you love with another woman in bed is painful. I should have listen to his explanation. Hindi sana nasayang ang limang taong wala sya sa tabi ng mga anak namin kung nakinig lang ako. Lucious D'Angelo Ferrer the man that she love, th...