CHAPTER 22 | TRUTH

17.3K 320 9
                                    

Chapter 22

DAYS passes by, sinabi sakin ni Lucious na nagconduct sya ng DNA test nila ni Lukas without Shannon knowing. Kapag daw kasi sinabi nya kay Shannon na magpapa DNA sila may posibilidad na bayaran ni Shannon ang doctor para dayain ito.

Alam ni Lucious na mali ang ginawa nya dahil nanay pa rin si Shannon at karapatan nyang malaman pero kung ganon din lang naman ang ugali nya mabuti na din ang ginawa ni Lucious.

Ngayong araw lalabas ang resulta ng DNA test nila ni Lukas. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Ayos lang sakin kung anak nya talaga si Lukas, gusto ko ding alagaan si Lukas dahil sa nakikita ko takot na takot ito sa mommy nya. Nandito ako ngayon sa kwarto namin ni Lucious nakaupo sa kama, hinihintay ko sya dahil kinuha nga nya ang DNA test result nila ni Lukas. Gusto nya kasi na sabay namin malaman ang totoo.

Marahang bumukas ang pinto ng kwarto namin at pumasok sya, si Lucious.

" Hey." He said then he kiss me on my cheeks. Tinaas nya ang kanang kamay at pinakita ang brown envelope.

" You ready?" Tanong ko sakanya. Tumango lang ito at tumabi sakin.

" No matter what the result is, always remember that I love you." I sincerely said. Ngumiti naman sya at hinalikan ako sa labi.

" I love you morethan anyone knows." Sagot nya at dahan dahang binuksan ang envelope.

Negative

" It's negative." I said. Tinignan naman nya ako.

" What's your plan?" Tanong ko.

" I'll talk to Shannon. This got to end here. Hindi na tama ang ginagawa nya." Sagot nya.

Sabay kaming bumaba ng kwarto, naabutan namin si Shannon sa sala sakto wala si Lukas dahil nasa school sila ng mga bata. Ngumiti naman sya nang makita si Lucious at inirapan naman ako nang makita nya ako.

" Shannon, explain this in five minutes, kapag hindi mo nai- paliwanag yan ipapakaladkad kita palabas ng bahay namin." Walang prenong sabi ni Lucious sakanya sabay abot nung DNA test result nila ni Lukas.

" Ano to?" Tanong ni Shannon. Hindi naman sya sinagot ni Lucious at hinayaan syang mabuksan ang envelope. Gulat na gulat sya nang mabasa ang laman nito. Tinignan nya si Lucious nang nag aalala.

" This is fake! anak mo si Lukas." Sabi nito habang hindi alam ang gagawin.

" Alam na kong hindi ko anak si Lukas dahil una palang wala naman talagang nangyare satin." Lucious said.

" Hindi totoo yan. Anak mo si Lukas. Lucious ano ba, ano nalang ang mararamdaman ni Lukas kapag nalaman nyang pinagduduhan mong anak mo sya?" She can't defend herself, now she's pulling the string emotionally.

" Hindi ko sya pinagdududahan, Shannon dahil sigurado akong hindi sya akin. There's the DNA test already ano pa bang idadahilan mo?" Lucious said dangerously.

" Stop it already, Shannon you're being too much. Bakit hindi ka sa tatay ni Lukas magpaka baliw?" This is the first time na magsalita ako buhat kanina.

" Kasalanan mo tong babae ka." Now now now, sya ang may kagagawan tapos isisisi nya sakin?

" Ayos ka lang ba? ikaw may gawa nyan tapos sakin mo isisisi. Sana ayos ka lang." Sagot ko sakanya sabay irap. Mga tao nga naman sariling kagagawan ipapasa sa iba.

" Kung hindi ka bumalik kasal na sana kami ni Lucious. Dapat hindi ka na bumalik malandi ka akin si Lucious."

" Una palang wala ng sayo, Shannon. Una palang akin na si Lucious. Akin, hindi sayo hindi sa iba kundi sakin lang. Gets mo?" Naiirita na ako sakanya dahil siguro sa pregnancy harmones ko.

" Umalis ka na, Shannon." Sabi ni Lucious sakanya. Mabuti pa nga.

" Hindi, akin ka lang Lucious please." Desperadang sabi nya. Bilang babae hindi ko gustong nakakakita ng babaeng nag mamakaawa lalo na sa lalake. A man should treasure his woman but Lucious already has me as his woman. Kailangan tanggapin ni Shannon na hindi sila pwede ni Lucious. Kailangan nyang makita ang halaga nya bilang babae. Masyado na nyang binababa ang dignidad nya.

" Shannon, maybe you should try loving Lukas' father. Hindi ko alam kung paano mo naitago si Lukas pero sana naman bigyan mo ang bata ng buong pamilya. Deserve nyong dalawa ang sumaya, Shannon." Sabi ko sakanya. I want them both to be happy. Shannon is too blinded by her love for Lucious. Na dumating sa puntong pinaniniwala nalang nya ang sarili nya na mahal nya si Lucious. Minsan hindi naman talaga yon ang nararamdaman nating mga tao pakiramdam mo yun yung nararamdaman mo kasi yun yung iniisip mo.

" Shannon, I'm a married man and I already have three kids and another incoming one. Masaya na ako sa pamilya ko, sana ikaw din maging masaya ka kay Lukas at sa daddy nito. Baka mahal ka din non hindi mo lang alam." Lucious said kaya napatingin ako dito. Ngumiti naman ito sakin. Shannon was about to answer ng may pumasok na lalaki sa bahay namin. Nakita kong nagulat pa si Shannon sa nakita.

" Shannon, let's get married and be happy with Lukas." Walang pakundangang sabi ng lalaking kapapasok lang.

" Levisky, what are you doing here?" Gulat paring tanong ni Shannon.

" I just recently found out na may anak tayo. Kinausap ako ng parents mo at sinabi nila sakin ang tungkol kay Lukas. Naaawa na sila sayo, sa mga ginagawa mo. Naaawa na din sila kay Lucious dahil hindi nila magawang maging masayang pamilya dahil nagiging pang gulo ka." Paliwanag ng lalaking tinawag na Levisky ni Shannon.

" Hindi totoo yan, hindi mo anak si Lukas." Tanggi ni Shannon. Shannon hanggang kailan ka magiging matigas?

" Shan, tama na. Maawa ka naman sa anak natin. Naiipit na sya sa ginagawa mo. Dapat nga galit ako dahil hindi mo sinabi saking may anak pala tayo." Levisky said. Maririnig mo sa boses nito ang pangungulila sa anak.

" Mahal ko si Lucious." Naiiyak na sagot ni Shannon.

" No Shannon you're not inlove with me. Yan lang yung pinasok mo sa utak mo kaya akala mo mahal mo ako kahit ang totoo hindi naman." Sagot ni Lucious sa sinabi nya. Akala nya mahal nya si Lucious dahil yun lagi ang sinasabi nya.

" Shannon, I'm ready to be with you and Lukas. Just please stop this already." Pag mamakaawa ni Levisky.

" Mahal mo naman ang anak mo diba, Shannon? isipin mo naman ang mararamdaman nito sa ginagawa mo." Sabi ko sakanya.

" Uwi na kayo sakin, Shan. I'm your true home not Lucious. Lucious already has his own 'home' and you're home is not with him but with me and Lukas, Shan." Levisky said with a sad tone.

" I'm sorry, I'm really sorry, Lev." Umiiyak na sabi ni Shannon habang yakap yakap ni Levisky.

" It's okay, Shan. Let's go home." Levisky said. Bumitaw naman si Shannon sa pagkakayakap.

" I'm very sorry to what I've done. Sa mga kasalanan ko noon hanggang ngayon sana mapatawad nyo ako." Humarap ito samin saka yumuko. Napangiti naman ako dahil sa wakas ay magiging masaya na sya. Sa wakas magiging payapa na din kami.

" It's okay, Shannon. Now go and be happy with your family." I sincerely said. Nginitian ko ito kaya ngumiti na din ito.

" Thank you, Aeofi thank you so much." Huling sinabi nya bago sila umalis ni Levisky.

" Finally, Shannon will be happy with her family and we will be happy with our family too." Nakangiting sabi ni Lucious. Ngumiti din ako dito.

Yumuko ito para halikan ang tyan ko.
" We're excited to see you little fella." Napangiti ako dahil sa sinabi nya. Excited na din ako at ang mga bata na makita ang kapatid nila. 2 months palang ang tyan ko kaya wala pa akong baby bump. 2 months palang sya pero excited na kaming lahat na makita sya.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Hello, enjoy reading and keep safe always everyone《>○<》

The Billionaire's Hidden Babies ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon