CHAPTER 19 | LUKAS

13.5K 284 5
                                    

Chapter 19

HINDI namin inaasahan na babalik si Shannon na may kasamang batang lalake na nasa years old ang edad.

Gulat na gulat kami ni Lucious. Hindi ko inaasahan to. Tinignan ko si Lucious na nakatingin din pala saakin.

" Lucious meet Lukas, our son." Naka- ngising pakilala ni Shannon sakanilang dalawa. Hindi naman nag sasalita si Lucious habang ang batang tinawag na Lukas ni Shannon ay lumapit kay Lucious.

" Papa!" Masayang niyakap ng bata si Lucious habang si Lucious naman ay hindi gumagalaw sa tinatayuan nya. Nakayakap lang sa mga binti nya ang bata.

" Anong plano mo samin ng anak mo, Lucious?" Mapang hamon na tanong ni Shannon. Tinignan naman sya ni Lucious ng seryoso.

" How did this happened?" Naguguluhang tanong nya.

" Natural ginawa natin yung bagay na yon." Ngising sagot ni Shannon.

Napatingin naman saakin si Lucious kaya nag iwas ako ng tingin.

" Kung anak natin ang batang ito bakit ngayon mo lang sya pinakilala saakin?" Tanong ni Lucious.

" It's because I want us to get married first before I told you about our son." Paliwanag ni Shannon.

" Hindi ako siguradong anak ko ang batang iyan." Deretsong sagot ni Lucious. Wala akong masabi kanina pa ako nakatayo dito nakikinig lang sakanila.

" What? Lucious pinagdududahan mo ang anak mo? sa harap pa nya mismo?" Hindi makapaniwalang tanong ni Shannon sakanya.

" Alam nating pareho na nagising lang akong katabi ka noon at hindi sigurado kung may nangyare ba talaga satin." Seryosong sagot ni Lucious.

" Then do a DNA test para malaman natin." Hamon ni Shannon. Ganoon ba talaga sya kasiguradong anak nila Lucious ang bata?

" What do you really want?" Tanong sakanya ni Lucious.

" I want us to live here. Hindi naman pwedeng ang mga anak lang ng babaeng to ang titira dito anak mo din si Lukas." Matapang na sagot ni Shannon. Titira dito kasama sya? what the hell is she thinking.

Hindi na ako nakinig sa usapan nila at pumanik na sa kwarto namin. Kailangan kong makapag isip isip. May tiwala ako kay Lucious dahil ang sabi nya ay wala naman talagang nangyare sakanila ni Shannon noon pero ano to? may dalang anak si Shannon.

Hindi na ako katulad noon na bigla nalang aalis at hindi makikinig. Matatanggap ko ang bata dahil mahal ko si Lucious pero ang makasama sa iisang bahay si Shannon? baka hindi ko kayanin.

Nasa malalim na pag iisip ako nang pumasok si Lucious. Lumapit ito saakin at pinantayan ako. Nakaupo ako sa dulo ng kama habang nakaluhod ang isa nyang paa sa harap ko.

" Love, what are you thinking right now?" Malumanay na tanong nya sakin.

" Anak mo ba talaga yung bata?" Pag babalewala ko sa tanong nya.

" I'm not sure. Sigurado akong walang nangyare saamin noon, Love." Sagot nya.

" Kung walang nangyare sainyo noon bakit may dala syang bata? may nangyare na ba sainyo bago ko pa kayo makita noon?" Deretso ko itong tinignan sa mga mata, naghahanda sa mga sagot na maaaring makasakit saakin.

" No, of course walang nangyare saamin bago mo pa kami makita. Love, I swear hindi kita niloko noon. Ikaw lang." Sagot nya. Hinawakan nya ang mga kamay ko na nasa tuhod ko.

" I don't know what to think." Honest na sagot ko sakanya.

" Love, Shannon and Lukas will live here with us hanggat hindi pa ako sigurado kung anak ko ba talaga si Lukas." Pumayag sya? hindi man lang nya ako tinatanong kung papayag ako? kung ayos lang ba saakin?

" What were you thinking?" Bakas ang inis sa boses ko. Okay lang sana kung si Lukas lang ang titira kasama namin pero kung kasama si Shannon? hindi ko alam kung anong mangyayare saamin.

" It's just for the mean time, Love please understand." Marahan nyang sabi habang hinahaplos na ang tyan ko.

" Gaano katagal?" Tanong ko. Hindi naman siguro magtatagal. Hindi ko gustong makasama sa iisang bahay si Shannon baka makasama pa sya sa mga anak ko at sa ipinag bubuntis ko.

" Hanggang sa masiguro ko kung anak ko ba si Lukas." Sagot nya.

" Siguraduhin mong walang gagawing masama si Shannon, Lucious. Dahil kung may gawin yan sa mga anak ko o sakin ay hindi ako magdadalawang isip na umalis dito." Seryosong sagot ko mukhang natakot naman sya sa sinabi ko at agad na tumango saka ako niyakap.

Walang problema saakin ang bata si Shannon lang talaga.

" Thank you, Love. Promise hindi ko hahayaang may gawing masama si Shannon sayo o sa mga bata." Sabi nya. Well maganda kung ganon.

" Lucious, buntis ako at alam mong bawal ang stress sakin. Sana tuparin mo ang pangako mo." Wala naman kaso sakin kung ako lang sana ang aawayin ni Shannon ang akin lang ay buntis ako, buhay ang nakasalalay sakin.

" Yes, Love I promise." Sagot nya habang yakap pa din ako.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

- Very short update. Sorry guys may ginawa lang ako ngayong araw kaya heto lang yung update.

The Billionaire's Hidden Babies ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon