CHAPTER 17 | PREGGY

15.4K 337 8
                                    

Chapter 17

PAG dating namin dito sa Mc donalds ay humanap na kami ng upuan para makakain. Nag request kasi ako kay Lucious na kung pwede ay sa Mcdo kami kumain kaya pumayag naman sya.

" What do you want eat, Love? Babies?" Tanong samin ni Lucious by the way tinanggal na nya ang coat na suot nya kanina sa kasal kaya ngayon ay naka polo nalang sya na tinupi nya hanggang siko.

" Chicken fillet and fries for me." Sagot ni Uzumaki.

" Me too." Si Killua.

" Me three." Si Levi. Kaya natawa si Lucious sa mga anak.

" How about you, Love?" Baling nya saakin. Takam na takam ako kaya agad kong sinabi ang order ko.

" 2 regular burger, 2 chicken burger, 2 bff fries, 1 chicken fillet, 1 ice cream and Ice tea. " Nakangiting banggit ko sa order ko. Gulat naman syang napatingin saakin ganon din ang mga anak namin.

" Kaya mo bang ubusin lahat yon, mommy?" Takang tanong ni Killua.

" Oo naman gutom na gutom na si moomy eh." Sagot ko sakanya. Binalingan ko si Lucious at nag gesture ako na para bang pinapaalis ko na sya para umorder.

Pag dating ng pagkain ay agad kong kinain lahat ng in order ko. Nagtataka namang nakatingin saakin ang mag aama ko pero hindi ko nalang sila pinansin dahil sa gutom ako.

PAG UWI namin ng bahay ay dumaretso ako sa kwarto namin dahil sa inaantok ako. Ang mga bata naman ay nasa kwarto na nila at manunuod daw muna sila ng One Piece.

Nakahiga na ako sa kama ngayon at naka pagpalit na din ng damit. Suot ko ang white t shirt ni Lucious at ang boxer nya dahil trip ko lang tong suotin. Nagpalit na din si Lucious saka tumabi saakin sa higaan.

" I love you." Bulong nya habang yakap ako.

" I love you too." Sagot ko sakanya kaya naman napangiti sya sa sinabi ko. Wala namang mangyayare kung mahihiya pa ako sakanya.

" I'm really happy, finally naipamukha ko din sakanila na wala talaga akong balak pakasalan si Shannon." Sabi nya pa. Inangat ko naman ang tingin ko para magkatinginan kami.

" Isn't that too much? napahiya sya sa mga bisita nyo." I said. Pero wala talaga akong guilt na nararamdaman dahil siguro sa ginawa nya noon samin kaya hindi ko magawang nakonsensya.

" Kung hindi nyo ginawa yon paniguradong ipipilit pa rin nila ang kasal namin kahit anong mangyare." Sagot nya.

" Mabuti na rin yon para madala sya." Dagdag pa nya. Minsan talaga kailangan mong gumawa ng paraan para madala ang isang tao. May mga tao kasing pilit pinipilit ang gusto nila kahit hindi na pwede.

" Ang bango mo." Out of nowhere na sabi ko sakanya. Ang bango nya talaga amoy baby.

" You're acting weird today, Love." He said. Hindi ko naman sya pinansin at pinagpatuloy ang pag amoy sakanya.

" Ang bango bango ng asawa ko." Patuloy ko sa pag amoy sakanya. Ang bango nya kasi talaga hindi ko matiis.

" Looks like my wife is in good mood now." He said habang hinahaplos ang buhok ko.

" I'll show you something." Sabi ko sakanya. These past few days kasi pa iba iba ako ng nararamdaman. Bilang babae alam ko kung ano ito. Naranasan ko din ito sa triplets namin  kaya kahapon habang wala si Lucious dahil nga sa kasal kuno nila ay umalis ako para bumili ng PT o pregnancy test.

I'm happy to say na positive ang resulta.

" What is it?" Tanong nya.

" Close your eyes." Sagot ko sakanya. Pag pikit nya ay nilagay ko sa kamay nya ang pregnancy test na ginamit ko kahapon. Hindi ko pa man sinasabi sakanya na buksan ang mata ay agad na nyang binuksan ang mga ito.

" Fuck! is this for real?" Masayang tanong nya. Nagulat pa ako ng may tumulong luha sa mga mata nya. Tumango ako bilang sagot.

" Thank God. Thank you so much, Love." He said while hugging me. Kumalas naman sya sa pagkakayakap at pinaghahalikan ako sa mukha kaya natawa ako.

" Are you happy?" obvious na tanong ko.

" Hell yeah. So happy. Madadagdagan na ang mga anak natin." Masayang sagot nya.

" I couldn't ask for more. Sobra sobra na kayo ng mga anak natin." Napa- ngiti ako sa sinabi nya. Ako din, wala na akong mahihiling pa dahil sya at ang mga anak namin ay sapat na.

" We should see a doctor. Ano kayang gender nya? magugustuhan nya kaya ako bilang daddy nya? bilhan na kaya natin sya ng mga damit? how about mag pa gawa na tayo ng kwarto para sakanya?" Excited na sabi nya. Napatampal naman ako dahil sa sinabi nya. Wala pa ngang isang buwan ang pinagbubuntis ko kung ano ano ng gusto nyang gawin.

" Easy ka lang." Natatawang sabi ko sakanya kaya natawa na din sya.

" What do you like, a boy or a girl?" Tanong ko sakanya.

" Any, as long as the baby is healthy." Sagot nya kaya napangiti ako.

" Do want to name it?" Tanong ko ulit.

" Really?" Gulat na tanong nya kaya tumango ako.

" If it is a boy then I want it to be Natsu but if it is a girl then it will be Mikasa." Masayang sagot nya. Tumango tango naman ako dahil kung ako ulit ang magpapangalan sa mga anak namin ay malamang galing ulit sa anime.

" Those are beautiful names."

" Thank you. I'm really excited to see our baby." Sagot nya.

Kung noon hindi nya nasilayan ang unang ngiti, unang lakad, unang salita ng mga anak namin ngayon ay masisilayan na nya sa pang apat na anak namin.

Magagawa na nya ang mga bagay na hindi nya nagawa noon nung mga baby pa ang mga anak namin. He will be a great father and husband.

I hope tuloy tuloy na ito. Wala na sanang manggulo saamin.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

The Billionaire's Hidden Babies ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon