Chapter 18
KINABUKASAN 6 am palang nang kumatok si manang sa kwarto namin ni Lucious. Nagtataka man ay binuksan pa rin ni Lucious ang pinto ng kwarto namin.
" Bakit po, manang?" Inaantok na tanong ni Lucious kay manang. Alanganin namang tumingin saamin si manang bago sumagot.
" Nasa baba kasi ang parents mo at ang kapatid mo." Sagot nya kay Lucious. Tumango naman si Lucious bago umalis si manang. Lumapit sya saakin at umupo sa dulo ng kama.
" Gusto mo ba ako nalang ang makipag usap sakanila at dito ka nalang sa kwarto natin?" Malumanay na tanong nya saakin.
" Okay lang, kaya ko naman silang harapin." Nginitian ko sya para hindi na sya mag alala.
Sabay kaming bumaba sa kwarto namin. Nakasuot lang ako ng white t shirt nya at panjama ganun din naman sya.
Umupo kami sa may sala. Wala yatang may balak bumasag ng katahimikan.
" Anong ginagawa nyo dito?" Daretsong tanong ni Lucious sakanila.
" Gusto lang namin kayong bisitahin." Sagot ng mama nya. Nandito din sina kuya Liam at ate Charmaine.
" Iha, kung binayaran ka ni Lucious para umarteng asawa nya please lang tigilan nyo na." Nagulat ako sa sinabi ng daddy nya. Mukha bang umaarte lang kami? anong ibig nyang sabihin.
" Dad! hindi ko binayaran si Aeofi para lang umarte bilang asawa ko. Nakita nyo namang may mga anak na kami." Inis na sagot ni Lucious sa daddy nya.
" Dad, bakit hindi nalang kayo maging masaya para sakanila? ayaw nyo bang maging masaya ang anak nyo?" Sabat ni kuya Liam. Napatingin naman sakanya ang mga magulang nila.
Sasagot na sana ang mama nila ng dumating ang mga anak namin para mag paalam na papuntang school.
Habang hinahalikan ko sa noo ang nga anak namin ay tahimik na nakamasid ang mga magulang ni Lucious samantalang si kuya Liam at ate Charmaine naman ay nakangiti lang saamin.
" They look like Lucious when he is younger." Maluha luhang sabi ng mama ni Lucious. Tumango naman ang daddy ni Lucious sa sinabi ng asawa nya.
" We're very sorry iha. Kung sanang naniwala lang kami kay Lucious noong sinabi nyang may pamilya na sya hindi na sana umabot sa ganito." Hinging patawad ng mama ni Lucious.
" I'm sorry about what I said earlier, iha hindi lang talaga kami makapaniwala na may pamilya na si Lucious." Dagdag ng daddy ni Lucious.
Sinabi ko naman sakanila na ayos na ang lahat na hindi ako galit sakanila. Wala namang magandang maidudulot kung magagalit pa ako sakanila.
Masaya kaming nagkukwentuhan ng dumating ang bruhildang si Shannon.
" Wow, so ano to? tita? tito? pag katapos ng lahat hahayaan nyo nalang ako?" Sabi ni Shannon habang nasa likod nya ang guard namin mukhang hindi sya napigilan ng guard namin sa pag pasok sa bahay namin.
" Shannon, wala na tayong magagawa. Kasal na si Lucious at may mga anak na sila." Sagot ni mama. Sabi kasi nya ay mama nalang din ang itawag ko sakanya.
" Hindi to pwede. Inagaw lang naman ng malanding yan saakin si Lucious." Galit na sabi nya kaya nagpantig ang tenga ko sa narinig.
" Ako pa ang nang agaw? sino ba ang gumawa ng paraan para lang magkahiwalay kami? hindi ba ikaw?" Galit ring sabi ko sakanya. Kung galit sya mas galit ako.
" Love, calm down." Pagpapakalma saakin ni Lucious habang hinahaplos nya ang braso ko.
" Shannon, just leave our house. Wala kang mapapala saakin." Sabi ni Lucious sakanya pero nagmamatigas si Shannon.
" Hindi, akin ka lang saakin ka lang dapat ikasal." Pagpupumilit nya pa.
" Tigas din ng bungo mo." Hindi maiwasang sabi ni ate Charmaine kaya tinignan sya ng masama ni Shannon.
" Wag kang makisali dito, bitch." Mukhang hindi nagustuhan ni Kuya Liam ang sinabi ni Shannon kaya naman tinignan nya ito ng masama.
" Don't you dare call my wife a bitch. Kung may bitch dito malamang ikaw yon." Maanghang na pagkakasabi ni kuya Liam. Hindi naman sya pinansin ni Shannon at inirapan lang ito.
" Ano pa bang gusto mo, Shannon? wala na tayong magagawa kasal na si Lucious." Tanong ni daddy o ang daddy ni Lucious.
" Pwede namang ako nalang ang maging asawa at ina ng mga anak nila, tita, tito." Desperadang sabi nya. Inis na binalingan ko sya dahil sa sinabi nya. Sya? asawa? ina ng mga anak ko?
" As if papayag akong maging nanay ka ng mga anak ko. Ano pa bang hindi mo maintindihan? mag aapat na ang anak namin kaya tumigil at magtigil kana." Inis na sabi ko sakanya kaya napatingin saakin sila, mama, daddy, kuya Liam at ate Charmaine. Hindi pa kasi nila alam na buntis ako. Kaya nagulat sila. Surprise.
" Buntis ka, iha?" Masayang tanong ng mama ni Lucious. Nakangiti naman akong tumango niyakap nya ako ganon din si ate Charmaine habang kino- congrats ako.
" Hindi to pwede. Kung may anak kayo, may anak din kami." Sabay sabay kaming napatingin kay Shannon dahil sa sinabi nya.
" What do you mean?" Takang tanong ni Lucious.
" May anak ka din saakin. 4 years old na sya." Nakangising sagot ni Shannon.
" Huwag ka ngang mag imbento para lang may masabi ka." Malamig na sabi ni kuya Liam.
" Sinong nagsabing nag iimbento ako? makikita mo Lucious dadalhin ko ang anak natin." Pag kasabi nya nito ay umalis na sya. Tumingin naman ako kay Lucious.
" Don't believe her, Love. Nababaliw na ang isang yon." Marahang sabi ni Lucious sabay haplos sa tyan ko.
" Wala ka naman sigurong anak kay Shannon, Lucious?" Tanong ni kuya Liam sakanya.
" Of course wala! paano naman ako magkakaanak sa babaeng yon." Sagot nya kay kuya Liam.
Bumaling sya saakin. " Hindi ka naman naniniwala sakanya diba, Love?" Tanong nya saakin.
Umiling lang ako sakanya. Hindi naman ako naniniwala kay Shannon. Buo ang tiwala ko kay Lucious.
Matapos umalis ni Shannon ay dito na rin nag almusal ang mga magulang nya at sina kuya Liam. Hindi tumigil sa kakahingi ng sorry ang mga magulang nya kaya ilang beses ko ding sinabing ayos na saakin yon. Nag kwentuhan pa kami tungkol sa mga bata at tungkol sa pag bubuntis ko. Masaya lang nagpa alam ng umalis sila. Si Lucious naman ay hindi na muna pumasok sa trabaho dahil gusto daw nya akong makasama.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Hidden Babies ( COMPLETED)
RomanceSeeing the man you love with another woman in bed is painful. I should have listen to his explanation. Hindi sana nasayang ang limang taong wala sya sa tabi ng mga anak namin kung nakinig lang ako. Lucious D'Angelo Ferrer the man that she love, th...