Chapter 5
WHEN morning came, binihisan ko na ang mga bata. Pinahiram ko muna ulit ng damit ng mga bata si Luke. We are all wearing button up shirts. Kulay black ang sa mga bata while white naman yung akin na naka unbutton yung butones at may white na bralette sa loob and white shorts.
Agad naman kaming pumunta sa front desk para itanong kung bumalik na ba ang magulang ni Luke.
" Ma'am, bumalik po kaninang bandang four am yung papa nya po babalik daw po sila bandang eight am para po hintayin kayo. Hindi na po pumunta sa room nyo kanina yung papa nya po kasi masyado pa daw pong maaga baka ma-storbo kayo." Paliwanag nung stuff sakin. Agad naman akong nag thank you bago inayang mag almusal ang mga bata tutal 7:30 palang ng umaaga at 8 pa naman babalik yung parents ni Luke.
Habang naglalakad kami papunta sa dining area naramdaman ko na kailangan kong umihi kaya naman sinabihan ko si Uzumaki na mauna na silang maghanap ng table at alalayan nya ang mga kapatid at si Luke habang nagccr ako. Tumango naman ito bago pumunta sa dining area.
After kong magcr ay agad ko namang hinagilap ang mga bata. Habang papalapit ako sakanila ay may dalawang taong nakatalikod sa banda ko na halatang nagpapaliwanag ang lalake sa babae. Ito na siguro ang magulang ni Luke.
" Liam! ano ito bakit kamukha mo ang mga batang iyan! nakabuntis ka ba ng hindi ko nalalaman?!" Rinig na rinig ko ang sigaw ng babae paglapit ko sakanila.
" Hon, please wala akong nabuntis. Ikaw lang ang gusto kong buntisin." Pag aalo ng lalake sakanya. Mukhang pamilyar ang dalawang taong to.
" Mommy!" Tawag saakin ng tatlo kong anak. Napatigil naman sa pag - aaway ang dalawa at gulat na napatingin saakin.
" Aeofi." Sabay na sabi nila. Gulat na gulat ang expression nilang dalawa na para bang hindi alam ang sasabihin.
" Ate Charmaine, Kuya Liam." Mahinang sabi ko. Hindi ko din alam anong sasabihin dahil kahit ako ay nagulat kung bakit sila nandito.
" Mga anak mo?" Nagdadalawang isip na tanong ni ate Charmaine. Dahan dahan naman akong tumango.
" Kayo ba ang magulang ni Luke?" Malumanay na tanong ko tumango naman si ate Charmaine habang si Kuya Liam ay matiim na nakatingin kina Uzumaki.
" Si Lucious ba?" Seryosong tanong nito habang nakatingin ng deretso saaking mga mata. Bakit ngayon ko lang napagtanto na kaya hawig si Luke kay Luka ay dahil magkapatid sila? shit.
Hindi ako sumagot bagkus ay lumapit ako sa mga bata at tinabihan sila.
" Mommy, Daddy si tita Aeofi po ang tumulong saakin saka sila Uzumaki." Nakangiting sabi ni Luke sakanila. Hindi naman maalis ang tingin nilang dalawa sa mga bata. Unang tingin palang alam na nila kung sino ang ama nila.
" Ganon ba, thank you sa pagtulong sa anak namin, Aeofi." Nakangiti na ngayon si ate Charmaine habang nag- papasalamat. Tinanguan ko naman ito. Si kuya Liam naman ay binawi na ang tingin sa mga anak ko saka ako binalingan.
" Kailan ka pa nakauwi?" Tanong nya ulit. Seryoso pa rin si kuya Liam.
" Nitong nakaraan lang." Simpleng sagot ko. " Saan ka nagpunta?" sunod na tanong nya.
Hinawakan naman ni ate Charmaine ang kamay nya na nakapatong sa lamesa. Umupo na kasi sila kanina ng tabihan ko ang mga bata. Inilingan sya ni ate Charmaine na para bang pinapatigil sya sa pagtatanong. Bumuntong hininga naman ito at muling nagtanong.
" Kamusta ka?" Tanging naging tanong nya.
" Ayos lang ako. Kayo kamusta kayo?" Pangangamusta ko din sakanila.
Nginitian ako ni ate Charmaine bago sumagot. " Ayos lang din kami. Ito dalawa na anak namin."
Masayang sagot nya. Tinanguan ko ito at bumaling sa mga anak ko na busy sa pagkain. Naserve na kasi kanina ang pagkain. Pinunasan ko ang gilid ng bibig ni Levi at muling bumaling sakanila nagulat ako dahil pinag- mamasdan pala nila ang ginagawa ko.
" Kamukhang kamukha nya." Nai- satinig ni kuya Liam. Bumaling sya saakin at sa kauna unahang pagkakataon mula kanina ay nginitian nya ako.
" Masaya kami at bumalik ka na." Nakangiti na nitong sabi hindi gaya kanina na napakaseryoso nya.
" Ilang taon na kayo at anong pangalan nyo?" Tanong sa mga bata ni ate Charmaine. Mukhang nag- aalinlangan pa silang sumagot pero nginitian sila ni ate Charmaine kaya sumagot na din sila.
" We're four years old. I'm Uzumaki the eldest." Unang sumagot ang panganay ko na sinunandan naman ng mga kapatid nya.
" Killua, middle." Simpleng sagot naman ni Killua. " Levi, the youngest." Huling sumagot ay si Levi.
" Ang cu-cute naman ng mga pangalan nyo." Nginitian lang nila si ate Charmaine sa sinabi.
" Nasaan si Luka?" Pagtatanong ko. Nung umupo kasi ako ay sumabay na din silang kumain samin. Hindi din kasi hilig ihabilin ni ate Charmaine si Luka sa iba noong nandito pa ako sa Pilipinas.
" Kasama nya ang mga kaibigan natin." Makahulugang sagot ni kuya Liam. Mga kaibigan namin? ibig sabihin ay ang mga kaibigan namin nila Lucious. Iisa lang kasi ang circle of friends nila kuya Liam at Lucious kaya nga naging close kami agad ni ate Charmaine noon dahil iisa lang ang mga kaibigan ni kuya Liam at Lucious. Hindi naman siguro nila kasama ngayon si Lucious? isang linggo ang balak kong pag-s-stay dito para makaipon ako ng lakas ng loob. Pangalawang araw palang namin jusmiyo.
" Ganon ba." Ang tanging naisagot ko. Haler hindi naman pwedeng ipakita ko na kinakabahan ako baka ano pang isipin nila.
" Mommy, kilala mo po ang parents ni Luke?" Tanong ni Killua. Ngayon ko lang napansin na kanina pa pala nakikinig samin ang mga bata.
Tinanguan ko naman sya at sumagot. " Yes, baby friends sila ni mommy."
" Sana all friends." Nagulat ako sa sinabi ni Levi kaya agad ko itong tinignan.
" Levi." Ang tanging nasabi ko. Ano ba itong mga naririnig ng mga anak ko.
" Narinig ko lang po yon mommy kaya ginaya ko." Paliwanag nito na halatang proud pa. Bumuntong hininga nalang ako at nagpatuloy sa pagkain. Ganoon din ang ginawa nila ate Charmaine at kuya Liam habang inaasikaso si Luke.
Nang matapos kaming kumain ay agad akong nagpaalam sakanila na babalik muna kami ng mga bata sa hotel room namin. Kailangan kong huminga sa mga nangyayare. Masyadong mabilis. Baka bukas o sa makalawa ay si Lucious na ang makita namin. Hindi pa ako handa. Hindi ko pa napractice yung sasabihin ko sakanya.
Lord pls lang wag muna sana namin makita si Lucious. Lord pls kahit ngayon lang sana maging favorite nyo ako.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Hello, sana nagustuhan nyo. Kung may suggestions kayo feel free na magcomment. Enjoy reading :>
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Hidden Babies ( COMPLETED)
RomanceSeeing the man you love with another woman in bed is painful. I should have listen to his explanation. Hindi sana nasayang ang limang taong wala sya sa tabi ng mga anak namin kung nakinig lang ako. Lucious D'Angelo Ferrer the man that she love, th...