Chapter 3.5 : recollecting...The PAST part 3(the last)

393 18 11
                                    

Coleen’s POV

Nang mangyari ang araw na yun sa music room pinipilit ko ng iwasan si Allen,kaso super KULIT nya! Di ko siya magawang iwasan.. syempre alam niyo naman ang lola niyo! May pagkamalandi din haha..

Di ko na tuloy alam ang gagawin kong pagiwas.. nagulat kasi ako sa sinabi niya.. haller! Kahit na magkabatchmate kami ni hindi kami nagtititigan or naguusap man lang! tapos malalaman ko na he likes me? Parang ang bilis naman ata? Di ko alam kung sincere ba sya or hindi.. tsk. pang third day na ngayon ng task naming kahit medyo ilang ako sa presence niya ..life must GO on! Break namin ngayon at nasa canteen ako with myfriends.Nang biglang dumating si Allen kasama ang mga alepores nito..naghahanap ito ng mauupuan nagulat ako ng tumingin sya sa gawi namen… grabe ang bilis ng heartbeat ko!! Papalapit na siya samen..pero hindi ko pa rin maalis ang titig ko sa kanya.. lumaki ang mata ko ng bigla itong ngumiti..

 grabe napakagwapo nya!!.. ayyy hindi hindi!! COLEEN!! Gumising ka na nga!!

Nagising lang ako sa pagkatulala ko ng makalapit siya at inilapit nya ang mukha nya saken..hinawakan nya ang ilalim ng baba ko at tinaas..magkapantay na tuloy ang mga mukha namin..

“hi babe..miss me already? ^_^” sabi nya ng nakangiti.

“…….” Wala speechless pa rin ako. At nakatitig pa rin sa mukha nya..

“you know.. isara mo na yang labi mo.. baka hindi ako makapag pigil at gawin ko ulit ang ginawa ko sa music room noong isang araw” naglalaro ang nakakalokong ngiti sa labi nito habang tumataas taas baba pa ang kilay..

Doon na ako tuluyang nagising at inalis ko ang kamay nya..

Grabe nakakahiya…. >//////< at umiwas ako ng tingin sa kanya

“h-heh! E-ewan ko sayo! Bastos ka!” pinagppatuloy ko ang pagkain ko ng hindi tumitingin sa kanya.

At ang loko ayun! Tawa ng tawa.. siniko ako ni Via..napatingin ako ditto nakita ko ang malisyosong titig nito saken.. tumingin ako kay Candice at nakita kong ganun din ito ..

Sheeeeeeetttttnneeeeeeeeesssssssssss mahabang paliwanagan ito!!!

Tumingin ako kay Allen na nasa tapat ko na pala at nakaupo habang tinititigan ako..

“h-hoy ano ba! Bakit ganyan ka makatingin ahh… may dumi ba ang mukha ko?” nakakunot noong sabi ko ditto

“hmm…wala naman ..gusto ko lang Makita ang mukha ng babaeng hindi ko namamalayan na unti unti na pa lang pumapasok sa puso ko at tuluyan ng sinakop ang buong sistema ko..” sabi nito saken ng mayroong sinseridad na makikita sa mata nito..

Nagulat ako sa hiyawan ng mga lalaki sa likuran..napatingin ako doon at nakita ko sila Van..

“nice one pare!! Lalaki ka na!!” sabi ni Xyrill ditto at pumapalakpak pa.

“ang baduy mo dude! Remind me na ganyan pala ang mangyayari pag nainlove ka..nakakatakot!! “ sabi ni Case na umiling iling pa.

“AMEN!!!” sabay sabay na sabi ng apat.

Tumayo si Allen at humarap sa mga ito.

“mga walangya kayo! Pag kayo nagmahal… makikita nyo kayo naman ang tatawanan ko..mga BALIW!!!! “ sabi nito ng namumula ang mukha.

Magulat ako sa ekspresyon nya na yon. ‘coz I find it…..CUTE..ang cute pala ng mga lalaking nagblublush… shit eto nanaman si heart… >_< HINDI PWEDE ‘TO!!!

Nagulat kaming lahat ng tumayo si Candice sa upuan nito..

“Oh..Coleen balik na ako sa klase..” sabi nito na inaayos na ang gamit.

Do We Still Stand A Chance?(on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon