Chapter 75

2.4K 127 30
                                        

"Sometimes I wonder
if love is worth fighting for,
But then I remember your face
and I'm ready for a war..."

~~**~~

'Now, I’m not going to deny that I was aware of your beauty. But the point is, this has nothing to do with your beauty. As I got to know you, I began to realise that beauty was the least of your qualities.' Hindi ko mapigilan ang sarili na kiligin habang binabasa ang linyang iyon. At sa mga oras na 'to, iisang tao lamang ang nasa isip ko. Naipilig ko nalang ang ulo at muling itinuon ang atensyon sa pagbabasa.


'I became fascinated by your goodness. I was drawn in by it. I didn’t understand what was happening to me. And it was only when I began to feel actual, physical pain every time you left the room that it finally dawned on me. I was in love, for the first time in my life.' Ako rin. First time kong mainlove at sa di sinasadya ay sa masungit at magandang boss ko na 'yon pa. Pero ang sarap sa pakiramdam na mahalin ang isang kagaya niya. Nakakabaliw.



'I knew it was hopeless, but that didn’t matter to me. And it’s not that I want to have you. All I want is to deserve you. Tell me what to do. Show me how to behave. I’ll do anything you say...' Bahagya akong napatigil sa aking pagbabasa nang bigla ay nakaramdam ako ng kakaiba sa aking katawan. Wala sa oras at dahan-dahan na napadako sa baba ang aking mga tingin kasabay ng panlalaki ng aking mga mata.



"M-Ma'am Sam... A-Ano ho sa tingin nyo ang g-ginagawa nyo?" Kabadong ika ko nang makita ko itong pumaibabaw sa pagitan ng mga hita ko at nakadapa sa tiyan ko.

"Why? What's wrong?" Maang-maangan nitong tanong habang nakapaskil sa kanyang mga labi ang pilya at malokong mga ngiti.

Gustuhin ko mang bumangon ay hindi ko magawa-gawa dahil sa mabigat na nakadagan sa katawan ko.


"You're reading my books," puna nito at di man lang pinansin ang panginginig ng buong katawan ko. "Dangerous Liaisons by Pierre Choderlos de Laclos. You like it?" anito.





Napatango ako at pilit na iwinaksi ang pangingilang dahil sa sobrang  awkward nga naman ng posisyon namin. Isa pa, hindi ko rin mapigilan ang makaramdam ng kakaibang init habang damang-dama ko ang init na hatid magmula sa katawan nito.





Diyos ko! Ano na naman ba ang trip ng babaeng to? Halos hindi na nga ako makatulog buhat sa mga nangyari kagabi.






Flashback...


Katatapos lang naming magnight swimming at pasado alas diyes na nang magpasya kaming magmovie marathon. Mabuti nalang din at may nakita kaming lumang dvd's kaya ayon, napagdisketahan ng mga ito na manood ng mga horror movies at isa na roon ang kinainisan at kinakatakutan ko yong Hills Have Eyes. Muntik ko nang isumpa ang kung sinumang direktor na gumawa ng pelikulang iyon. Naaawa talaga ako sa pamilyang yon na unti-unting pinapatay ng mga taong ewan ko ba kung anong uri ng mga taong yon. Kinakain kasi nila yong mga taong pinapatay nila na animo'y mga aswang ang mga ito. Idagdag pa na napakapangit ng kanilang mga mukha. Pero di nga, nasa punto na ako na tila maiiyak kasi yong bata nakuha na ng mga halang na kaluluwa at walang awang mamamatay na mga taong yon nang bigla ay makaramdam ako ng mga kamay sa aking likuran. Animo'y bula na napalis ang takot sa dibdib ko at wala sa oras na napabaling sa aking kaliwa ang mga tingin.

Seryoso lamang itong nanonood na tila ba wala itong ginagawang kababalaghan. Napalunok ako at hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin. Yong kamay kasi nito ay nalipat mula sa beywang ko papunta sa may hita ko sabay marahan na pagpisil nito. Hindi rin ako sigurado kung nananadya ba ito o ano. Basta ang tanging alam ko lang, kanina pa nagreregudon ang puso ko sa di maipaliwanag na kaba.

Loving Mayor Isagani's Daughter (Girl×Girl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon