Chapter 66

2.4K 149 93
                                    

I'm not sure kung maggustuhan nyo po ang chapter na po. Btw, may nilagay akong pic here. Gosh! ang cute talaga ni Cale 😅😂  Yun lang 😑 So, don't forget to vote and leave ur comments below. I still wanna hear ur thoughts tho, love ya'al 😘
___

"You are perfectly exactly as what you are. With all your flaws and problems, there's no need to change anything. All you need to change is the thought that you have to change..."

~~**~~

~~**~~

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

~~**~~

BUONG buhay ko wala akong ibang inisip kung hindi ang matulungan at kung papaano mai-aahon sa kahirapan ang pamilya ko. Naghahangad na mapabuti ang mga ito. Nagtitiis at nagsusumikap kumayod para lang may makain kami tatlong-beses sa isang araw. Kinakaya ko ang magsakripisyo at gawin ang lahat alang-alang para lamang sa mga ito. Akala ko, ganun lang kadali lahat ng yon. 'Yong tipong ginagawa ko naman lahat ng inaakala ko ay tama. Pero hindi pa pala sapat. Higit na mas pinaggagampanan at pinag-igihan ko pa sana ang responsibilidad ko bilang isang nakakatandang kapatid. Dahil hanggang ngayon, hindi ko pa rin napapatawad ang sarili ko buhat sa pagkamatay ng kapatid ko at ang pagkakasunog ng bahay namin.


Minsan iniisip ko, paano kaya kung hindi ako umalis ng bahay nang araw na iyon? Siguro, nababantayan ko ng maayos ang mga kapatid ko. Baka ngayon kasama't buhay pa siguro ang kapatid ko at naiwasan ni Arlo ang mabuntis ang kapatid ng kaibigan nito. Siguro hanggang ngayon nakatayo pa rin ang bahay na'min. Paano kaya kung naging mayaman kami? Siguro masaya't nakakasama ko pa rin ng buo ang pamilya ko ngayon. Kung naging Cinderella lang ako tapos biglang susulpot si fairygodmother ko. Lahat ng 'yon hihilingin ko maibalik ko lang ang oras ng pagkakamaling nagawa ko.


Pahid ang basang mukha na nag-angat ako ng tingin dito.

"Ma'am Sam. Paano kung... paano kung naging lalaki ho ako at mayaman. Sasagutin nyo ho po ba ako?" Wala sa sariling naitanong ko. If a fairy really do exist, baka kanina ko pa hinihiling ang bagay na to. Ni minsan ay hindi pumasok sa isip ko ang kwestyonin ang sekswalidad ko, ang pagkatao ko. Sa loob ng halos dalawampung-taon ko dito sa mundo, naging maayos naman ang buhay ko. Katunayan, kuntento at masaya naman ako sa kung ano ako... noon.


Hanggang sa... hanggang sa makilala ko at maramdaman ko ito at dumating ako sa puntong gusto ko itong angkinin ng buong-buo. Siguro, palagay ang loob ko na mapoprotektahan ko ito. Magagampanan ng maayos ang tungkulin at responsibilidad ko kung sakaling mabigyan man ako ng pagkakataong maibahagi sa kanya ang buhay ko. Kung sakaling may katugon ang pagmamahal na 'to.




"Why? Nanliligaw kaba?" Batid sa kanyang mukha ang pagkalito at may aliw sa tonong balik-tanong nito.



"Kung naging m-mayaman at l-lalaki po ako? Opo. Siguro po," nakanguso at napapalunok kong sagot. Kahit sino gagawin yon. Sa ganda ba naman nito,  malamang na marami ang magkakandarapang ligawan ito. Tss.


Loving Mayor Isagani's Daughter (Girl×Girl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon