Chapter 44

4.2K 191 49
                                    

"Find somebody

who can see all of you
Not just the parts of you
You want them to see
And you will discover
That sometimes
They know you better
Than you know
yourself..."


~~**~~




"NAY?"





Pukaw ko kay Inay nang maabutan ko itong nakatulala sa labas ng bakuran namin.

"Sinu-sino po ang mga 'yon?"




Nakasunod ang mga tingin ko sa dalawang kotse. Hindi ako sigurado pero mukhang nanggaling ang mga yon mismo dito sa labas ng bakuran.



"W-Wala, Cale. Nagtatanong lang ang mga iyon." Ani ni Inay na tila natauhan nang marinig niya ako. Nagtatakang napabaling ang mga mata ko sa kanya.




"Ano ho raw iyong itinatanong nila, Inay?" Naitanong ko nalang.





Nakarinig ako ng pagbuntong-hininga nito saka iniwas ang mga mata sa'kin.

"Hindi naman ganoon ka-importante. Nga pala, kumusta naman yaong pag-uusap nyo ni Ma'am Margaret?" Pag-iiba nito sa usapan.



Napalunok ako.




"Ah... May itinatanong lang ho siya, Inay. T-Tungkol ho kay R-Ry," pagsisinungaling ko. Tho, tinatanong nga naman niya ako kung ano ang ginawa ko kay Ry at kung bakit nahuhumaling raw sa'kin ang anak nito.




Di ko maiwasahang mapabuntong-hininga at makaramdam ng lungkot.


"Nabanggit nga niya sa'kin ang tungkol sa hindi pag-uwi ni Ry sa kanila. Kumusta naman yaong kaibigan mo?" May bahid na pag-aalala sa boses na tanong nito. Alam kong nakakadama na rin ang mga ito tungkol sa kakaibang ikinikilos ni Ry pero kailanma'y wala akong narinig na salita mula sa kanila. Siguro hinhintay lang ng mga ito kung kailan ako magsasabi sa kanila.


"N-Nay..."




Hindi ko alam, kung papaano ko sasabihin kay Inay ito. Pero kailangan ko talaga ng makakausap ngayon. Kailangan ko ang tulong nila kung papaano lulutasin itong problema ko kay Ry at sa mga magulang nito. Nakakalungkot man isipin, naging masama ang tingin ng mga ito sa'min dahil lang sa pakikipaglapit ni Ry sa amin.




Pumasok na muna kami sa loob. Naabutan ko si Itay sa kusina, nagluluto ito. Habang kalong-kalong naman ni Arlo si Kurie.




"Nak, buti naman at nandito kana. Nagluto ako ng paborito mong adobong talong." Nakapaskil ang mga ngiting pahayag ni Itay. Subalit, kapansin-pansin na hindi umaabot ang mga ngiti na yon sa kanyang mga mata.




"Tay. Pasensya na po kung hindi ako nakauwi kagabi." Nakayukong sabi ko. Nahihiya ako sa mga ito. Buong araw akong namalagi sa sementeryo kahapon. Hindi ko maintindihan ang sarili ko, ang gusto ko lang nang mga oras na yon ay ang makapag-isa. Kaya siguro ako nagiguilty ngayon dahil ang selfish-selfish ko. Hindi ko man lang naisip ang mga ito. Marahil sobra-sobra ang pag-aalala nila sa'kin.





"Cale. Si Ate Ry. Pumunta siya dito kahapon at hinahanap ka. Ano pong problema ni Ate Ry, Ate?" Si Arlo na nagpabalik sa diwa ko.




Nagpabaling-baling ang tingin ko sa mga ito.




"Ah, w-wala naman, Arlo. Tungkol lang yon sa... rasyon. Tama. Pinapaalam lang niya sa'kin kung kailan ang schedule nun," naka-krus man ang mga daliri ko sa likuran, pinapanalangin ko na sana ay kumagat ito at di na magtanong pa.

Loving Mayor Isagani's Daughter (Girl×Girl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon