Chapter 8

7.5K 233 32
                                    

Sometimes you need to walk away.
Not to make someone else realize how worthy you are.
But for YOU to understand and acknowledge your own self worth.

~~**~~



CALE





"NAY! Alis na po ako!" Pamamaalam ko. Maaga akong papasok ngayon sa trabaho– ang ibig-'kong sabihin ay maaga akong pupunta ngayon sa apartment. Baleh, pumupunta lang ako dun para maglinis ng bahay, maglaba ng mga damit at ipagluto ito ng makakain. Saka na rin ako nakakapagpahinga kapag natapos na ako sa mga trabaho ko. Ayoko kasing may masabi ang amo ko e laking pasalamat ko nalang at sa huli ay pumayag ito. Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa 'kin ang naging reaksyon nito. Marahil ay ayaw lang siguro ni Ma'am Sam na may ibang tao itong nakakasama sa bahay nito– ayon na rin nga sa sinabi niya. Kung kaya't ganoon na lamang ang pag-iiwas na ginagawa ko 'wag lang kaming magkasalubong na dalawa kahit na nasa iisang bubong lamang kami. Mainam na iyong nakakaiwas ako sa kasupladahan at kamalditahan nito.







Naabutan ko si Inay na nagwawalis ng mga tuyong dahon ng santol sa 'ming bakuran. Malaking puno na iyon, naaalala ko pa nga dito kami madalas na umaakyat ni Cely noon para manguha ng mga bunga. Napatigil si Inay at nagbaling ng tingin sa gawi ko. Lumapit ako rito para magmano.






"Aalis na ho ako, Inay!" pag-uulit ko.






"O, sya. Mag-iingat ka."




Napangiti ako dito saka nagbigay tango.




"Oho!" Saka naman ako tumungo sa bisikleta ko. Luma na ito at medyo kalawangin na pero pwede pa naman na pagtyagaan. Nabili ko kasi ito sa murang halaga na dosyentos sa junkshop ni Mang Homer, isa siya sa mga kaibigan ni Itay nung kabataan nila. Mabilis akong sumakay at nagpedal. Maliit lamang ang Sitio Salong, baleh aabot rin ng dalawampong-minuto ang lalakbayin ko para marating ang apartment. Mapapansin mo agad ang ginintoang mga palay sa gilid ng kalsada.




"Magandang umaga ho Mang Gido! Aling Rosa!" Napangiti ako nang makilala ko ang dalawang mag-asawa. Anihan na pala ngayon. Kapag ganitong season ay nakakapagbili kami ng murang bigas sa mga ito.




"Oy, Caling! Magandang umaga rin sayo!" Ika ng matandang lalaki. Ngumiti lang ang asawa nito matapos akong suklian ng pagkaway. Mabilis na nagpedal ako at nilampasan ang mga ito. Mabuti na lamang at hindi katulad noon na hirap akong tahakin ang lubak-lubak na kalsada. Ngayon kasi ay naipasemento na ito ni Mayor na laking pasalamat ng mga kasitio na 'min.





Alas-siete na palang. Kapansin-pansinn ang maaliwalas na kalangitan sa itaas. Masarap at malamig din ang simoy ng hangin senyales sa magandang panahon. Napapapikit na nilalanghap ko ang preskong hangin. Napakaganda sa pakiramdam ang damhin ang katahimikan at maaliwalas na kapaligiran bagay na nagustuhan ko dito sa Sitio Salong.




Araw ng Sabado ngayon at tatlong araw na rin akong naninilbihan sa poder ni Ma'am Sam. Kahit papaano ay nakakayanan ko pa naman ang kaartehan at ugali nito. Nakapagtataka nga e. Inakala ko talaga na ganoon kasama ang ugali nito at mapang-api sa mga katulad na 'ming mahihirap. Ngunit, nung araw na nagsimula akong manilbihan dito. Ni hindi ko man lang ito naririnig na nagsasalita o kumikibo. Napakatahimik niyang tao at madalas ay nagkukulong lang ito sa loob ng kuwarto. Palaisipan pa rin talaga sa 'kin ang kung anong ugaling ipinamalas niya nung araw na iyon.




Kaagad na ipinasok ko ang bisikleta ko sa loob ng compound para itago. Kahit na kakalawangin na 'to ay napapamahal na rin sa 'kin tong bisikleta ko. Nasa second floor ang naturang unit ni Ma'am Sam. Sa kanya talaga ang buong palapag na iyon maging ang nasa ikatlo. Nagmamadali akong umakyat sa may kahabaan na hagdan. May mga tenant rin naman akong nakikita at mukhang mababait naman ang mga ito. Nagbigay galang ako sa mga ito saka ipinagpatuloy ang pag-akyat. Lakad-takbo ang ginawa ko matunton ko lang ang gate nito. Oo. Ang weird nga e. Bukod sa malaking gate na nasa labas ng compound ay may sariling gate rin itong sa kanya. Ganun kahigpit ang seguridad nitong apartment niya.







Loving Mayor Isagani's Daughter (Girl×Girl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon