Chapter 49

3.6K 167 13
                                    

Warning! 🙀
Slight spg 🙊
Votes and comments 😘
____

"I'd never thought I'd like you this much and I never planned to have you on my mind this often..."

~~**~~






NAGMAMADALI akong pumasok isa sa mga bakanteng cubicle. Ihing-ihi na talaga ako kanina pa. Mabuti nalang din at nakahanap kami ng pampublikong cr. Nakarinig ako ng pagbukas ng pinto, senyales na may ibang tao ang lumabas o pumasok.

Nakaramdam naman ako ng ginhawa nang mailabas ko lahat ng kailangang ilabas. Napatingin rin ako sa cellphone ko, may mga ilang text si Ry na hindi ko nababasa simula pa kanina. Katunayan, kuntento na ako kanina na kahit hindi man kami masyadong nagkukuwentuhan ni Ma'am Sam ay natutuwa pa rin ako na kahit natunaw na yong ice cream na hawak ko ay di pa rin maalis-alis sa alaala ko ang ginawa nito. Nag-iinit talaga ang mukha ko. Ang ginagawa ko nalang para hindi niya ako mahalata kanina, nagkunwari akong busy sa pagtingin-tingin sa cellphone ko.

Tiningnan ko ang mga text ni Ry isa-isa kasabay ng pagkawala ng buntong-hininga.

Minsan naitanong niya sa'kin kung nagkausap ba raw kami ng Mommy niya nitong mga nakaraang araw. Nakapagtataka't tinanong niya ako tungkol dito. Hindi ko naman masabi sa kanya ang totoo. Kaya imbes na replyan ko siya ay inignora ko na muna 'yon at binasa ang ilang text na galing din kay Yael. Kinukulit ako nito tungkol sa lakad namin ngayon ni Ma'am Sam. Hindi rin nakaligtas sa'kin ang panunukso ng kaibigan ko na ikinailing ko nalang. Kahit kailan talaga ang babaeng to. Kung anu-anong sinasabi patungkol sa'min ng boss ko. Hindi man lang nahiya at kay Ma'am Sam pa talaga niya ako tinutukso.

Speaking of Ma'am Sam. Hindi pa rin maalis-alis sa sistema ko ang kakaibang saya sa puso ko ngayon. Nakakabaliw na. Yong tipo na parang... parang napapangiti nalang ako na parang ewan sa tuwing naiisip ko 'yon. Yong parang tumatalon talaga ang puso ko sa sobrang saya. Alam nyo yon? Na kahit anong pilit kong wag alalahanin yon, sumisiksik pa rin siya sa isipan ko. Yong... Yong tipong mapapakagat-labi nalang ako para pigilan ang mga ngiti sa labi ko. Haaay.

'Ang sabihin mo... kinikilig ka lang! Echos! Dami mo pang sinasabi!' tuya naman ng aking isipan.

Napahumindig ako.

Hindi ah! Mabilis kong depensa sa sarili. Nakakatuwa lang kasi.

'Weh?'

Marahan akong napatikhim at napaayos ng upo.

Hindi naman siguro ako kinikilig. Tingin ko normal lang naman na... na makaramdam siguro ako ng ganun kasi si Ma'am Sam yon. Knowing her? Ang arte-arte kaya niya tapos... tapos ganun ang gagawin niya? Nakakagulat lang talaga.

At saka... Ba't naman ako kikiligin? Naitanong ko sa sarili.

'Kasi... may gusto ka sa kanya?' Patanong din na sagot ng mahaderang utak ko.

Napaubo ako ng wala sa oras at ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Nagiging abnormal na naman ito. Para bang... kakapusin ako ng hininga sa sobrang bilis at lakas ng kabog nito.

Napahawak na lamang ako sa kaliwang dibdib. May parte rin sa puso ko ang kinabahan.

Bumalik sa katinuan ang isipan ko nang biglang makarinig ng ingay sa paligid. Dali-dali akong tumayo at nag-ayos.

"Hhmmm..."

Bahagya akong natigilan. Aktong bubuksan ko na sana ang pinto nang muli ay makarinig ako ng kakaibang ingay.

Loving Mayor Isagani's Daughter (Girl×Girl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon