"I'm amazed when I look at you. Not just because of your looks, but because of the fact that everything I've ever wanted is right in front of me..."~~**~~
SOMETIMES I wish I had not woken up from a beautiful dream and continued dreaming. Coz I thought, it was just a dream. But waking up seeing her sleeping soundless beside me. Sana pala hindi nalang ako natulog. I rather watch her sleep than had those sweet dreams.
Marahan kong inabot ang maamong mukha nito't hinawakan while caressing her soft lips gamit ang hinlalaki ko. She really look like an angel. Siya yong anghel na bumubuo sa pagkatao ko. Ni walang kasiguraduhan ang buhay ko nung pumunta ako dito. Basta ang alam ko lang, gusto kong sundin ang hiling ni Mom at nagbabakasakaling mahanap ko uli ang aking sarili kapag nakasama ko si Dad. But instead, iba ang natagpuan ko. Maaaring hindi ko na makakamit ang pagmamahal na hinahangad ko mula sa aking ama. Pero ang pagmamahal na nagmumula sa babaeng 'to ay sapat na upang mabuo kong muli ang aking sarili.
Buong pagmamahal na pinakatitigan ko ito. "Thank you. For coming into my life," mahinang usal ko dito at ginawaran ito ng halik sa noo. Hindi ako affectionate na pagkatao pero pagdating sa dwarf na 'to- kusang kumikilos ang katawan ko na tila ba may mga sariling isip ito.
Maingat akong bumangon at tumungo sa banyo. Kinakabahan ako kung ano ang posibleng mangyari sa araw na'to at sa mga susunod pang araw. Ngayon ang kaarawan ng kapatid ko. Hindi ko alam kung makakaya ko bang harapin ang mga ito.
Gising na ito paglabas ko ng banyo. Pasimpleng napahagod ito ng tingin sa kabuuan ko. "Aalis ho kayo?"
"Yeah." Lumapit ako dito at hinalikan ito sa pisngi. She's so warm. "Gusto mong sumama?" Tanong ko dito at naupo sa gilid ng kama. Alas-singko palang ng umaga, kapag ganitong oras ay nasa labas na ako para magjogging. Bigla tuloy akong naexcite na makasama ito.
Umiling ito. "Pass muna. Medyo hindi ho maganda ang pakiramdam ko, Ma'am," anito. Imbes na madismaya, may pag-alalang sinalat ko ang kanyang noo. Medyo mainit nga ito. Akala ko normal na init lamang iyon.
"Mamaya kana bumangon. Pahinga ka muna," I said.
"Ah- hindi ho. Kaya pa naman at saka may pasok po ako ngayon.," anito na ikinawala ng imik ko. Nakakahanga ang kasipagan nito. Hindi na kataka-taka kung bakit nahulog ang loob ko sa dwarf na to.
"Come here." Sa halip ay niyakap ko na lamang ito at ninamnam ang init na hatid ng kanyang katawan. "Uminom ka ng gamot."
"Hindi na ho kailangan. At saka... pahinga lang ho to," sabay iling ng ulo nitong turan. Minsan ang tigas din ng bungo nito. Pinitik ko nga ang noo.
"Then, take a rest. Stupid."
Napanguso ito at masama ang tingin na pinaliitan ako nito ng mga mata. "May pasok ho ako-"
"Wag ka nalang pumasok. I will take care of you," walang anumang lumabas sa bibig ko na ikinatigil nito. Maging ako ay nabigla rin. Minsan talaga ay hindi ko na makontrol tong bibig na 'to.

BINABASA MO ANG
Loving Mayor Isagani's Daughter (Girl×Girl)
Fiksi Remaja"Pinagbigyan kita sa gusto mo. Pero anong ginawa mo? Ito ba ang igaganti mo sa lahat ng paghihirap na ginawa ko para sa 'yo? Para mabigyan ka ng magandang buhay?" Galit na sinabi sa 'kin ng aking ama. "D-Dad." Napaiyak ako sa harapan nito. "I'll se...