"When you hurt the one you love,
you are bound to hurt
YOURSELF..."~~**~~
CALE
NAKAKATAWANG isipin ngunit sa mga oras na 'to, hindi ko maiwasang 'wag isipin ang mga bagay na dating ginagawa ko. Kung dati-rati'y wala akong ibang iniisip at alalahanin kung 'di ang magtrabaho't ilaan ang oras at panahon ko sa pagbabalat-buto't kumita ng pera para lamang may makain sa pang-araw-araw at mapunan ang aming mga pangangailangan.
Pera, trabaho at pag-aaral.
Pamilya. Wala akong nais gawin at pangarapin kung 'di ang matulungan at maiahon sila mula sa kahirapan na 'to. Ngunit, alam kong hindi ko na maibabalik pa ang dati sapagkat napakaraming bagay na ang nangyari't nagbago simula nang makilala ko si Ma'am Sam.
Tinuruan niya ako kung paano ang umibig. Bigla ay nagkaroon ng puwang ang puso ko at walang sino man ang makakapunan nito kung 'di siya lamang. Ni walang araw na hindi ko naiisip ito. Nagkaroon ng buhay at kulay ang mundo ko. Natuto akong mangarap para sa sarili ko at kung papaano nagsimula ito ay naging bahagi na rin siya sa lahat ng mga pangarap ko. Binigyan niya ng halaga ang mundo ko. Dahil inaamin ko, noon pa ma'y tanging alam ko lang ay ang ilaan at mabuhay hindi para sa sarili ko kung 'di para sa pamilya ko. Sapagkat sila ang buhay at mundo ko. Wala akong ibang nasa isip kung di ang kung paano ang kumita, pangalagaan ang mga kapatid ko. Makapag-aral at mangarap.
Subalit, nagbago lahat ng 'yon simula nang mahalin ko ito. Hindi ko alam kung papaano ipapaliwanag ngunit pakiramdam ko ay naging konektado na ang buhay ko sa kanya. At alam ng diyos kung gaano ako nahihirapan sa sitwasyon kong ito. Pakiramdam ko pinapatay ako sa sakit at kahungkagan ngayon. Nahahati ang puso't-isip ko sa kung ano ang dapat kong gawin sa mga oras na 'to.
I want to see her, talk to her, touch her and be with her. I knew that we both need each other really bad. I want to help her. Ipadama't ipakita sa kanya na nandito lamang ako para sa kanya. Gusto kong maramdaman niya kung gaano kalalim ang pagmamahal na nararamdaman ko para sa kanya. I knew she needed comfort. She needed me. But remembering all those spoken words. Animo'y sinaksaksak ng patalim ang puso ko. Hindi ko maatim at matanggap sa 'king sarili na isa ako sa mga nagpapahirap at kung bakit siya nasasaktan ngayon. I have these frightening feelings lurking inside my chest. I closed my eyes in shame.
And what hurts me even more ay dahil hindi niya kayang sabihin sa 'kin ang mga bagay na 'to. Kung bakit hindi niya kayang sabihin sa 'kin ang totoo? Kung bakit labis-labis siyang nasasaktan ngayon! Kung bakit nakayanan niya akong tikisin ng ganito?! Gustong-gusto ko siyang kausapin at itanong sa kanya kung bakit mas pipiliin niyang kimkimin lahat ng galit at sakit na 'to? Why can't she just tell me everything?!
Pahid ang mga luha, may inis na napabuga ako ng hangin at may pait sa mga labing napatawa sa 'king sarili. "Ma'am Sam, ano nga ba ako sa buhay nyo?" Hindi ko mapigilang itanong sa 'king sarili.
Alam kong masakit pero ganoon na lamang ba lahat ng 'yon para kamuhian niya rin ako? Dahil inaamin ko, labis-labis akong nasasaktan ngayon dahil sa mga narinig ko nang mga oras na 'yon. Ni pagtingin sa mga mata ko ay hindi nito magawa.
BINABASA MO ANG
Loving Mayor Isagani's Daughter (Girl×Girl)
Ficção Adolescente"Pinagbigyan kita sa gusto mo. Pero anong ginawa mo? Ito ba ang igaganti mo sa lahat ng paghihirap na ginawa ko para sa 'yo? Para mabigyan ka ng magandang buhay?" Galit na sinabi sa 'kin ng aking ama. "D-Dad." Napaiyak ako sa harapan nito. "I'll se...