Chapter 18

5.2K 183 17
                                    

Short update
_______

"Love isn't safe. And whoever you love will hurt you. It's part of the human experience. No one is perfect... people make mistakes. The secret is to focus on what they do right and decide what quirks you can live with."

~~**~~


CALE

HALA!

Patay!

Ano na ang gagawin ko?

Kinakabahan ako, sobra!

Nanunuot yong mga mata niya sa kalamnan ko.

Lord! Sana hindi po siya galit sa'kin. Piping panalangin ko.

Wala akong ibang gawin kundi ang magdasal ng mga sandaling yon. Balak ko talagang hingin ang permiso ni Ma'am Sam kanina kaso... haay. Kahit kailan ang palpak ko talaga!

"Explain."

Napalunok ko.

Nakaupo ito sa couch, kaharap ko.  

Gayunpaman, nakakamangha pa rin kasi ang ganda ng mukha nito na kahit nakakatakot na yong mga mata niya. Para pa rin siyang isang anghel basta wag lang siyang magsasalita.

Nakakatakot e.  

Humihikab si Kurie.

Pansamantalang napatuon ang blankong mga mata nito sa kapatid ko. Sukat para maalala ko ang nangyari kanina.

"M-Ma'am S-Sam... K-Kapatid ko pala." Pagpapakilala ko at alanganing ngumiti ako.

Nagtaas lang ito ng kilay.

"P-Pagpasensyahan nyo po sana... w-wala kasing ibang m-magbabantay kay Kurie." Nahihiyang napapayuko ako ng ulo.

Kapansin-pansin naman ang paggalaw ng mga bagang nito. Halatang hindi nito inaasahan na iyon ang mga salitang maririnig nito. Mas lalo naman akong kinabahan na baka ipatapon niya ang kapatid ko sa labas.

Pabagsak nitong inilapag sa mesa ang hawak na libro. Pinakatitigan niya akong maigi.

Nakailang lunok na rin ang ginawa ko.

Sobrang lamig na ng mga kamay ko sa sobrang takot.  Pati tuhod ko ay nanginginig na rin.

"Ibang klase. Gagawin mo pang nursery 'tong bahay ko," anito.

Nakaramdam ako ng pagkapahiya sa sinabi niya.  

"P-Pasensya na p-po." 

Di ko naman gagawin to kung may ibang mapag-iiwanan lang ako sa kapatid ko.  Kaso, wala.

"You know what I hate the most? Ayoko sa mga pabayang tao. How can you let him leave alone? What if, nasaktan siya kanina dahil sa kapabayaan mo?" Asik nito.

"Nasa likod ng bahay lang naman po kasi ako. Hindi ko naman po siya iniwan," pagtatama ko. Grabe naman siya.

Napa-arko ang kilay nito.

Napakagat-labi naman ako. Gusto ko sanang bawiin ang mga sinabi ko kasi parang nainis siya sa pagsagot-sagot ko sa kanya.

"S-Sorry po."

Blankong ekspresyon lang na tinitigan niya ako.

Muli nitong binuklat ang librong binabasa.

"I don't like children." May kung ano sa boses nito na nagpapasikip sa puso ko.  

Loving Mayor Isagani's Daughter (Girl×Girl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon