"You are the only one
who has ever touched my heart.
It will always be yours."~~**~~
SAMANTHA
AWTOMATIKO at kaagad akong napabangon sa pagkakahiga ko. Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon na lamang kalakas kumabog ang dibdib ko sa takot at kaba sa nakikita kong panunubig sa gilid ng mga mata nito. "Hey, I'm just..."
"Okay lang ho Ma'am. Kunsabagay tama rin ho naman kayo," magkahalong pait at lungkot nitong sagot.
"It's not what you think. I'm just kidding," maging boses ko ay nanginginig na rin.
Fuck!
Malakas akong napamura sa sarili. Parang gusto kong iuntog ang ulo sa pader dahil sa katangahang ginawa ko. Inaasar ko lang naman talaga ito. Hindi ko naman inaasahan na seseryosohan niya ang mga sinabi ko. Gusto kong sabihin sa kanya na biro lamang lahat ng yon. That I was just making fun of her dahil nga sa inis ko. Dahil hindi ko alam kung papaano mapapaalis tong selos na nararamdaman ko sa tuwing iniisip ko na maraming nagkakagusto dito. Gusto ko mang bawiin lahat ng yon ay hindi ko na magawa-gawa pa.
At this moment, I was stunned. Para akong nabibingi sa mga naririnig ko. Para akong nagising sa isang katotohanan. Napakabigat ng pag-iyak nito na tila ba may malalim talaga itong pinanghuhugutan.
I just looked at her. At sa mga sandaling ito, parang gusto kong kamuhian ang sarili ko. I made her cry. I did hurt her. Kung dati nagagawa ko pa ang mga bagay na to sa kanya nang hindi gaanong naaapektuhan.
But now?
I am cursing myself in hell. I'm so stupid!
Ni hindi ko namalayan ang sarili, ang mga luhang naninilay mula sa mga mata ko. Kuyom ang mga kamay, pinilit kong iangat uli ang mga ito. Kitang-kita ko ang panginginig ng mga ito.
"Ate?" Anang isang boses na nagpatigil sa 'kin.
Gulat na napapahid naman ang kaharap ko at pilit na itinatago ang mukha na ibinaling sa ibang direksyon ang mga tingin nito.
"Ate anong... Umiiyak kaba?" Hindi ko magawang lingunin ang mga ito at nanatiling nakatitig lamang sa mukha ng babaeng kaharap ko. Naglakad ang mga ito palapit sa kinauupuan namin nang biglang tumayo ang kaharap ko.
"H-Hindi, Arlo. Napuwing lang ako," alibi nito saka umiwas palayo. Sukat at napabaling sa tatlo ang mga mata ko. Batid ko ang kalituhan at pagtataka ng mga ito.
"Ate?" Nagtatanong na ika ng binatilyo sa 'kin.
"I'll talk to her," sabi ko at nagbigay tango naman ang babaeng katabi nito.
"Sige ganda, ilalagay lang namin sa taas tong mga gamit. Tara, Arlo. Tulungan mo ako," anito sabay hatak sa binatilyo.
Walang nagawa na napasunod ito subalit nananatiling nakapinid pa rin ang mga mata sa direksyon ko, nagtatatanong. Samantalang mabilis ko naman na tinahak ang daan at natagpuan ito sa kitchen. Pilit pinapahid ng mga kamay nito ang basang mukha.
Awtomatikong hinawakan ko ang braso nito at pinaharap. Kaagad nanlambot at tila pinipiga ang puso ko habang nakatitig sa mukha nito. Hindi ko maipaliwanag ang nadaramang inis para sa sarili ko ng mga oras na 'to.
Nanginginig pa rin ang mga kamay ko na pinahid ko ang mga luha sa kanyang pisngi. Hindi ko inaasahan na ganito pala ang epekto ng katangahang ginawa ko kanina.
BINABASA MO ANG
Loving Mayor Isagani's Daughter (Girl×Girl)
Novela Juvenil"Pinagbigyan kita sa gusto mo. Pero anong ginawa mo? Ito ba ang igaganti mo sa lahat ng paghihirap na ginawa ko para sa 'yo? Para mabigyan ka ng magandang buhay?" Galit na sinabi sa 'kin ng aking ama. "D-Dad." Napaiyak ako sa harapan nito. "I'll se...