Chapter 42

3.9K 164 38
                                    

"Without you I feel broken..."

~~**~~



"ATE RY?"











Gulat na salubong sa'kin ni Arlo. Mula sa pagkakabitbit nito ng mga balde, ibinaba muna nito ang mga iyon at hinarap ako.



"Napadalaw ho kayo?"



Kabadong bumaba ako ng sasakyan. "Arlo. Sa'n ang ate mo?" Agarang tanong ko. Bakit di niya ako nirereplyan? Hindi ko makontak si Cale kaya pumunta na'ko dito sa kanila.

"Wala si Ate Cale dito. Umalis po siya." 

"Saan daw siya pupunta?"

Nalilitong napakibit ito.

"Wala hong sinabi e. Pasok ka po muna dito sa loob. Hintayin mo nalang po si Ate Cale dito, Ate Ry. Baka uuwi ho siya agad." Pagyakag nito.

"No! Kailangan ko siyang makausap ngayon. Sa'n ko ba siya makikita? Bakit hindi niya sinasagot ang mga text at tawag ko?" Dammit! Cale nasaan kaba? "Magkasama ba sila ng Sam na yon?"

Kapansin-pansin ang pangungunot nito ng noo.

"E, Ate Ry. Hindi ko po alam. Bakit po? May problema ho ba? Teka... Itatanong ko kay Inay--"

"No. I'll try to call her again." Mabilis kong kinuha ang phone ko sa loob ng bag at denial ang numero nito.

Nakita kong pumasok sa loob ang kapatid nito.

"Shit!"

Bakit hindi niya sinasagot ang mga tawag ko?

Kinakabahan ako.

Lalo na at di maalis-alis sa utak ko na posibleng magkasama nga ito at ang Sam na yon!

"Ate Ry!" Tawag sa'kin ni Arlo na nagpakuha ng tingin ko dito. "Naiwan po niya 'tong phone."

Frustrated na napatingin ako sa itaas at mariing napapikit ang mga mata. Kulang nalang ay ang sumigaw ako ng mga oras na yon.

Goddammit!

"Arlo? Sino ba yaong bisita natin--?"

"Ate Ry--!"

Mabilis ang mga kilos na bumalik ako sa loob ng sasakyan at pinaharurot ito   ng takbo.

Ganoon na lamang ang takot sa puso ko. No! Hindi ako papayag! Hindi ko hahayaang mapalapit si Cale sa babaeng yon!

Narinig ko ang pagtunog ng phone ko. Si Mommy ang tumatawag.

"Hello, My." Sagot ko habang nakatuon ang mga mata sa kalsada.

"Ry? Hija? Sa'n kaba? Ba't bigla-bigla ka nalang umaalis kanina? Nakakahiya sa mga bisita natin." Ika nito. Mariing napahawak ang mga kamay ko sa manibela at lumiko kumaliwa. "Saan kaba?"

"Sorry, My. Pero kailangan kong mahanap si Cale ngayon--"

"My god, hija! Please stop this silliness! Pabayaan mo na yang Cale na yan at bumalik kana dito." Galit nitong narinig ko.

Silliness? Ganoon ba talaga ang palagay niya sa nararamdaman ko ngayon?

Siguro nga. Dahil nakakabaliw na.

Nababaliw na ako ngayon kakaisip na baka maagaw sa'kin ang babaeng mahal ko!

At iyon ang ikinakatakot kong mangyari!

Akala ko maiintindihan rin ako ni Mommy.

Na kahit ganun na lamang ang pagkadisgusto nito kay Cal ay umaasa pa rin ako na darating ang araw na yon at matatanggap niya rin si Cale-- ang babaeng mahal ko. Pero ang sakit-sakit pa rin!

Loving Mayor Isagani's Daughter (Girl×Girl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon