"As you waste your breath complaining about life.
Someone out there is breathing their last.
Appreciate of what you have.
Be thankful and stop complaining. Live more,
Complain less. Have more smiles, less stress."~~**~~
CALE
"NAY? Si Kurie ho? Kumusta na ho?"
Nasa pribadong silid ospital ng Guinadao Hospital ako dinala ng mga paa ko. May pagtatakang tiningnan ko ang mga ito, bukod sa napakaganda pa ng silid, kapansi-pansin rin ang di-klase-klaseng prutas na nasa ibabaw ng mesa. Mahirap lang kami at siguradong mamalimos kami sa pagbabayad ng bill nitong hospital.
"May dengue ang kapatid mo, Caling. Kaya pala pabalik-balik ang lagnat niya nitong mga nakaraang araw. Sa ngayon ay nakainom na naman siya ng gamot." May lungkot na wika ni Inay. Pinuno ng lumbay ang puso ko na nilapitan ang mga ito. Alas-tres palang ng madaling araw at ni hindi pa ako nakapagpahinga ng maayos.
"Nay." Sa halip, niyakap ko na lamang ito. Pagod man ang katawan, hindi ko pa rin mapigilan ang sariling bisitahin ang mga ito. Ang nag-aalalang mukha ng mga kapatid ang kaagad na sumalubong sa akin kanina pag-uwi ko sa bahay. "Si Itay ho?"
"Umalis, kanina pa. Naghahanap ng maipambayad ang Itay niyo sa ospital na 'to." Nababahalang wika nito. Kumalas ako dito.
"May kaunting pera pa ho ako dito, inay. Pakisabi nalang ho kay Itay na 'wag na ho siyang mag-aalala pa't mangutang pa. Masyadong marami na ho tayong utang na kailangang bayaran."
Kahit papaano ay naipagpapasalamat ko na rin at may kaunting ibinigay si Mayor sa 'kin kanina. Ayoko pa sanang tanggapin iyon, nakakahiya ang laki na nga ng naitulong niya sa pag-aaral ko. Ngunit kusang loob niya itong inilagay sa mga kamay ko, limang-libong peso ang mga iyon. Ngayon palang ay malaki na ang pasasalamat ko sa diyos at kay mayor. Hulog-ng-langit talaga siya sa 'min. Hindi ko inaasahan na magagamit ko ang perang ibinigay nito sa pambabayad sa ospital.
"San mo naman nakuha ang ganito ka-laking pera, anak?" Si Inay.
Napalunok naman ako.
"S–Sideline ko po."
"Cale. Maraming salamat, anak, ha? Malaking tulong ang perang ito para sa kapatid mo." Napapaluhang ika nito. Niyakap ko nalang ito, ramdam ko ang panginginit ng mga mata ko.
"Lahat gagawin ko ho para sa pamilyang 'to."
"Napaka–swerte na 'min ng Itay nyo sa 'inyo. Salamat sa diyos at biniyayaan kami ng mabubuting mga anak," mahinang usal nito na ikinaimpit ko ng iyak.
"Si Inay talaga." Sa kabila ng pamamasa ng mga mata ko, napangiti ako dito.
Nagising naman si Cely, ang kapatid ko. Namumungay ang mga mata na lumapit sa ito sa direksyon na 'min ng Inay.
"Pasali po ako," nakangusong ika nito na ikinatawa ko. Nagyakapan kaming tatlo sa loob ng pribadong silid na iyon.
"MAGPAHINGA ka muna, Cale. Ayon ni Doc ay ligtas na raw ang kapatid mo." Makaraan ang ilang minuto ay narinig kong sinabi ni Inay.
"Oo nga, ate. Ang haggard mo na. Kami na ang bahala ni Inay dito. Magpahinga kana muna." Pagsang-ayon naman ng kapatid ko. Ayoko pa sanang umalis. Pero hindi na talaga kakayanin ng katawan ko sa tindi ng pagod.
![](https://img.wattpad.com/cover/74936623-288-k336838.jpg)
BINABASA MO ANG
Loving Mayor Isagani's Daughter (Girl×Girl)
Teen Fiction"Pinagbigyan kita sa gusto mo. Pero anong ginawa mo? Ito ba ang igaganti mo sa lahat ng paghihirap na ginawa ko para sa 'yo? Para mabigyan ka ng magandang buhay?" Galit na sinabi sa 'kin ng aking ama. "D-Dad." Napaiyak ako sa harapan nito. "I'll se...