Chapter 74

2.1K 125 20
                                    

"The best feeling is,
when you look at her
and she's already staring.."

~~**~~

CALE




BAHAGYANG isinasayaw ng hanging nagmumula sa bintana ang maganda at mahabang kulay kastanyas niyang buhok. May iilan pa na tumatabing sa mukha nito. Perfect soft arch eyebrows shape. Makakapal at mahahaba ang mga pilikmata. Beautiful brown eyes matching perfectly with those proportioned lips.

"Almost done," I heard. A set of dazzling angel white teeth gleamed. Napalunok nalang ako at bahagyang tumango dito.

A pair of arched brows looked down as she applied those sweet liquid to my lips. Katulad ko ay napapalunok rin ito. I noticed how perfectly elegant her nose was when she came closer. Kung kaperpektuhan lang ng mukha ang pag-uusapan ay talagang nangunguna ito. She was heavenly beautiful.

Marahan kong naramdaman ang pagpahid ng lipgloss nito sa labi ko. Katulad ko, nakafocus lamang ang buong atensyon nito sa ginagawa samantalang ako naman ay nananatiling pinagsawa ang mga mata sa magandang mukha ng diyosang kaharap ko. Ang ganda naman talaga ng babaeng to, walang sawang ika ko pa rin sa 'king sarili.


"Stop staring," biglang pagsaway nito. Halatang distracted na rin sa kanyang ginagawa. Napapalunok naman ako na pilit itinuon sa labas ang mga tingin.

Torture. Iyon ang nararamdaman ko ng mga sandaling ito. Dahil sa mga oras na 'to naaakit ako na mahawakan ang napakaganda niyang mukha idagdag pa na kay lapit lamang naming dalawa. Kanina ko pa pinipigilan ang sariling wag mapadako sa nag-aanyaya nitong mga labi.



"Done," anito ng matapos ang ilang dekadang paglalagay ng kung anu-anong kulurete sa mukha ko. Muli ay bumaling ang mga mata ko dito. Bahagya pa nitong inaayos ang pagkakatirintas ng buhok ko.

Nang makuntento sa ginagawa ay isang magandang ngiti ang sumilay sa mga labi ng kaharap ko. Animo'y nagliwanag ang paligid ko habang pinagmamasdan ko ito.

"You looked ravishing," anito at titig na titig pa rin sa mukha ko.



Mas lalo naman akong pinag-initan ng mukha at napatingin sa katabing aparador. Mula sa full length mirror na nakadikit doon ay kitang-kita ko ang sariling repleksyon na nakaupo sa ibabaw ng kama. Bahagya pa nga akong nagulat at halos hindi na rin makilala ang sarili.

Napakagandang tingnan kung paano na-emphasize ang aking mga mata gawa ng pinturang nakadikit sa balat ko. Light lang yong make up na nakalagay sa mukha ko na tanging ang mga mata ko lang talaga ang nag-iiba. Smokey eyes. Iyon ang narinig kong ika nito kanina. Yong labi ko naman natural lang subalit kapansin-pansin ang pamamasa at pangingintab niyon. Nakasuot rin ako ng bestida na kulay puti, backless yon at may tali sa likuran na parang ginagawang sinturon. Feeling ko nga ibang tao ang nakikita ko sa mga oras na 'to.


Katulad ko, nakatuon rin sa salamin ang mga tingin ng kaharap ko. She just sitting there in front of me, starring back at me. My heart feels like it's going to run out of my chest. I could feel a fire starting to burning up inside of me. How wonderful it is, I get this overwhelming emotion I can't put into words just by looking at her. I can see the lights. Everything's feels complete whenever she's with me. There's something about her that makes me scared the most because I know I won't find it in anyone else.




I swear, I couldn't love this woman the more than I do right now and yet I know I will tomorrow, and for the rest of my life, habang sinasabi ko ang mga salitang yon sa sarili ko ay napangiti ito na para bang naririnig niya ang mga 'yon. Tuloy napabaling sa kaharap ko ang aking mga tingin. Dama ko ang panginginit ng mukha ko at napapalunok lamang dito.

Loving Mayor Isagani's Daughter (Girl×Girl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon