"I want you.
All of you. Your flaws.
Your mistakes.
Your imperfections.
I want you, and only you."
~~**~~MAAYOS naman daw si Itay at nakalabas na raw ito sa ospital. Kahit papaano ay nabawasbawasan ang alalahanin ko. Ayoko na munang mag-isip ng kung anong bagay sa ngayon malapit na kasi ang final at mas mainam na maituon ko muna ang atensyon sa pag-aaral.
Nasa likod-bahay ako ngayon nakaupo dala ang iilang libro't notebook ko para mag-review. Panaka-naka nama'y tinitingnan ko ang mga labahin sa loob ng washing-machine. Mabuti nalang at katuwang ko si Aling Letring at Arlo sa paglilinis ng bahay. Napapadalas na rin ang pagbisita ni Beneth dito at paminsan-minsan ay tumutulong na rin sa mga gawain-bahay tulad nalang ng pagluluto. Hindi ko maitatanggi ang galing nito sa pagluluto. Kahit papaano ay naging maayos at magaan na rin ang loob ko sa dalaga. Kusang-loob nilang inako ang responsibilidad ko kay Ma'am Sam sapagkat nais nilang maituon ko ang atensyon sa darating na examination kaya laking pasalamat ko nalang din sa mga ito.
Subalit sa tuwing pumapasok sa isip ko ang mga naganap sa pier, dagling nawawala sa focus ang utak ko. Kagat ang pang-ibabang labi na pilit sinusupil ang mga ngiting kusang gumuguhit sa labi ko. Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa alaala't pandama ko kung gaano katamis at kalambot ang mga labi nito kaya't di ko mapigilan ang mga daliring damhin ang mga labi ko.
"Hoy!"
"Ay! Butiking bakla!" Napaigtad ako sa gulat nang biglang may magsalita sa aking likuran.
Si Yael.
"Para kang timang. Anyare sayo?" May pagtatakang tanong nito.
"Ha? W-Wala. Bakit?"
"Ulol. Kanina pa kita napapansin parang kang baliw kakangiti mag-isa. Yong totoo nakahithit kaba?" Anito.
"Sira! Anong akala mo sa'kin adik?"
"Pwede rin."
Sinamaan ko naman ng tingin ito. "Loka-loka. Bakit kaba nandito?" Sa halip ay naitanong ko.
Imbes na sagutin niya ako ay nagtaas-kilay lang ito.
"Wala. Gusto lang kitang ayain mag---"
"Istorbo ka. Busy ako ngayon kaya alis. Shoo!" natatawa ma'y pinili kong magseryoso na hinarap ito.
"Wow ha? So, ginaganyan mo na'ko ngayon? Naging super close mo lang yang Beneth na yan tinatakwil mo na ako bilang bestfriend mo?" Madamdaming ika nito. Napailing ako sa narinig. Ba't nasali si Beneth sa usapan?
"Gaga. Pinapaalis lang kita kaya wag kang magdrama jan. Nakakaistorbo ka nga kasi. Di mo ba nakikitang nag-aaral ako?" Halos ipahalik ko pa sa mukha nito ang hawak na libro. "Kung ako sayo, Yael. Magreview ka nalang nagsasayang ka lang ng oras dito."
Napanguso naman ito.
"Sus. Ang sabihin mo, ayaw mo lang magpaistorbo kakaisip jan sa bebe mo. Lol. Di ka mahal nun." Imbes na mainis ay napatawa nalang ako sa narinig. Halata kasi sa mapang-asar nitong tono.
"Siraulo. Anong bebe pinagsasabi mo jan." Napapailing na patay malisyang ibinalik ko sa binabasa ang tingin. Ngunit, may parte sa utak ko na itanong sa sarili ang bagay na yon. Ayoko mang seryosohin ang sinabi ni Yael pero may kirot pa rin sa puso ko. Alam mo yong pakiramdam na ang saya-saya ko kanina tapos biglang magsisikip nalang ang dibdib ko sa katotohanan hindi kami para sa isa't-isa?
"Baliw. Joke lang yon. Seneryoso mo naman. Lika na nga. Kanina kapa hinihintay ng bebe mo," mapang-asar nitong hinatak ang braso ko.
"Problema mo? Teka nga---" pinatay ko na muna ang w-machine at sumunod dito.
BINABASA MO ANG
Loving Mayor Isagani's Daughter (Girl×Girl)
Novela Juvenil"Pinagbigyan kita sa gusto mo. Pero anong ginawa mo? Ito ba ang igaganti mo sa lahat ng paghihirap na ginawa ko para sa 'yo? Para mabigyan ka ng magandang buhay?" Galit na sinabi sa 'kin ng aking ama. "D-Dad." Napaiyak ako sa harapan nito. "I'll se...