Chapter 37

4K 165 14
                                    

"You can't follow your heart when it is more confused than your head..."

~~**~~




"ANONG... " takang nagpalipat-lipat ito ng tingin sa direksyon ko at sa mga bubwit.



I cleared my throat.

"Ano nga palang ginagawa mo dito?"

"I... I..." Shit!

Napa-cross arm ito at maigi niya akong pinakatitigan sa mga mata.

I mentally rolled my eyes. Ano pa nga ba ang ginagawa ko dito?
Stupid! Magkaibigan nga talaga silang dalawa.

I heard her gasped. "Wag na wag mong sasabihin na kaya ka nandito ay para bisitahin..."

Isang tikhim lang ang naisagot ko dito saka blankong nailibot ang mga mata sa loob.

"Hello, Ate Yael!" Tuwang bati ng binatilyo dito. Gayundin ang bubwit na doon lang ata bumitaw mula sa pagkakahawak sa'kin.

"Kilala mo tong mga to?" di naman maikaila ang pagkagulat dito. Ugh! Napaka-annoying naman ng babaeng to. Kailan ba siya titigil sa kakatanong? Isn't it obvious na wala akong ganang makipag-usap?


"Ay, ang taray--"

Saka lang ito napatigil sa kakasalita nang sitahin ng isang may edad na babae at lumapit sa'min.

"Inay!" Napatakbong sinugod ito ni bubwit.

"Arlo? Anong ginagawa nyo dito?"

"E, nay. Itong si Aaron ayaw po tumigil sa kakaiyak. Gusto daw po niyang bumisita dito kay Ate Cale." anang binatilyo, halata ang inis sa mukhang pagpapaliwanag sa ina nito.


Napabuntong-hininga na lamang ang may edad na babae saka napagawi ang tingin nito sa'kin.


"Samantha. Napadalaw ka, hija?" baling nito.


"Well, it's just..."


"Sinamahan po kami ni Ate Sam papunta dito. Ito kasing si Aaron, makulit! kulang na kulang nalang talaga, makakatikim to sa'kin. Sabing di pwede siyang pumunta dito. Ayon pati si Ate Sam, kinukulit niya." Inis pa ring pagsusumbong nito sa ina.


Sukat at napadako ang aming tingin dito. Naiiyak na napasiksik naman ito sa likuran ng may edad na babae.


"Tama na yan. O, sya pumasok na kayo sa loob. May tinapay dito at sopdrinks," pag-aya ng may edad na babae. Nagtatakbo naman si bubwit patungo sa isang kama. "Hija, halika na sa loob." ani pa nito nang mapansin ang pananatili ko sa labas ng pintuan.


Napatikhim ako at biglang pinagpapawisan ng malagkit.



I've no choice kundi ang sundin ang mga ito at pumasok na nga sa loob.

Loving Mayor Isagani's Daughter (Girl×Girl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon