"When things fall apart, consider the possibility that life knocked it down on purpose. Not to bully you, or punish you, but to prompt you to build something that better suits your personality and your purpose."
~~**~~
CALE🎶 I wonder how
I wonder why
Yesterday you told me 'bout the blue blue sky
And all that I can see is just a yellow lemon tree
I'm turnin' my head up and down
I'm turnin', turnin', turnin', turnin', turnin' around
And all that I can see is just another lemon treeDap-dadada-dadpm-didap-da
Dadada-dadpm-didap-da
Dap-didili-da 🎶MULA sa kusina, dinig na dinig ko ang malakas na boses ni Yael. Kanina pa nambubulabog tong babaeng to, aga-aga. Nakakahiya sa mga kapitbahay.
"Ako na ho rito, Nay Letring," pag-ako ko sa piniprito nitong isda.
"Aba'y sige. Kanina pa nananakit yaring aking balakang," hapong sinabi ng matanda. May awang napasunod na lamang ako ng tingin dito. Sa edad na setenta'y-dos ay nagagawa pa rin nitong kumayod. Hindi ko rin maintindihan kung bakit hinahayaan lamang ito ng mga anak nito ang matanda. May tatlong anak si Aling Letring at puro may sariling pamilya. Matagal na ring yumao ang asawa nitong si Mang Pepito, inaatake sa puso ito habang natutulog. Mahirap at naghihikahos rin sa buhay ang mga anak nito na tanging paglalabandera't pangangalakal lamang ang ikinabubuhay ng dalawang anak nito na si Mang Rolando at Aling Daring. Samantalang nasa Maynila naman ang bunsong anak nito na si Camila, nagtatrabaho bilang isang kasambahay habang pilit binubuhay na mag-isa ang nag-iisang anak nitong dalawampong-taong gulang. Dala ng kahirapan ay hindi nakayanan ng ni Aling Letring na pagtapusin sa pag-aaral ang mga anak nito. Kaya hanggang ngayon ay napipilitan pa rin ang matanda na magtrabaho sa kabila ng edad nito.
Bigla ay naalala ko sina Inay at Itay. Ayoko na habang-buhay silang nagtatrabaho't kumakayod. Gagawin ko lahat, mai-ahon lamang sa kahirapan ang pamilya ko. Pangarap ko talaga 'yon. Kunting tiis nalang.
Nagbalik lamang sa kasalukuyan ang utak ko nang mapansin ang pagkakasunog ng niluluto ko. Mabilis ang mga kilos na kinuha ko ang mga ito't inilagay sa plato.
"Ay, ano ba yan!" Hilamos ang mukhang napakamot ako sa ulo. Papaano ko ipapakain ang mga to?
"Anyare? Ba't nagkaganyan yan?"si Yael nang makapasok ito sa kusina. Hindi ko ito pinansin at tumungo sa ref para maghanap ng ibang lulutuin. "Cale, naman! Pumunta na nga ako dito para may malamon tas ganyan pala ipapakain mo?"
"Bakit? Sinong nagsabi sayong dito ka lumamon?" Sabay irap ko dito. May kakapalan talaga ng pagmumukha to, imbes na tumulong, nagawa pang magreklamo.
"E, sa walang matinong ulam sa bahay!"
Nakangusong sumalampak ito sa pag-upo. Nagtaas-kilay lang ako dito. Makapagtapsilog na nga lang. Buti nalang at nakapagbili kami nung nakaraan.
"Pssst! Hoy-- " Sabay pagsundot nito sa tagiliran ko. "Sa'n nga pala ang mahal na reyna? Tulog pa?"
Sukat sa narinig, automatikong napahinto ako sa ginagawa. Bigla ay may nagkakagulo sa loob ng sikmura ko. Dama ko rin ang panandaliang pagbilis ng pintig ng puso ko. Marinig ko lang ang pangalan nito parang kakapusin ako sa paghinga.
BINABASA MO ANG
Loving Mayor Isagani's Daughter (Girl×Girl)
Dla nastolatków"Pinagbigyan kita sa gusto mo. Pero anong ginawa mo? Ito ba ang igaganti mo sa lahat ng paghihirap na ginawa ko para sa 'yo? Para mabigyan ka ng magandang buhay?" Galit na sinabi sa 'kin ng aking ama. "D-Dad." Napaiyak ako sa harapan nito. "I'll se...