CHAPTER 19

2.1K 70 1
                                    

Ilang minuto akong hindi nakagalaw matapos marinig ang huling sinabi niya.


Akala ko sa mga movies lang makikita o mararanasan ang ganitong sitwasyon kung saan pinapapili ka sa dalawang bagay na pwedeng makapagbago sa buhay mo, pero mararanasan mo talaga ito kahit sa realidad o totoong buhay mo.


Ilang buwan kong tiniis lahat ng mga bagay maitayo lang ang café. May mga bagay akong naisakripisyo para lang rito, at sa isang snap mawawala lang ito?


Lahat ng mga bagay na kaya kong gawin ay ibinuhos ko sa café, ayaw ko itong matapon lang sa wala.


Naranasan kong makatanggap ng iba't ibang uri ng kahihiyan. Naranasan kong maghirap, at naranasan ko rin ang kakaibang pakiramdam ng pagkakaroon ng mga taong tunay na nagpapahalaga at nagmamahal sa'kin dahil sa café, kaya ayaw ko itong itapon lang ng basta.


"Yanna Fox." tawag sa'kin ni Mom.


Tinignan ko siya at hindi ko alam kung anong dapat na ilabas kong mga salita. Pagod na ako. Pagod na akong sundin lahat ng gusto niya.


Pero... Café ang pinag-uusapan ngayon. Buong buhay ko pinilit kong tahakin ang daan na gusto nilang tahakin ko. Pinilit kong tanggapin lahat ng gusto nila at sundin iyon. Pati ba naman ngayon dapat pilitin ko ulit ang sarili kong piliin nanaman ang gusto nila kesa sa gusto ko?


Kailan kaya ako makakaramdam ng pahinga?


Sasagot na sana ako sa kaniya pero biglang nag-ingay ang phone ko. Nakita kong tumatawag si Chae.


Sinagot ko ang tawag at nakita ko ang naningkit ang mga mata ni Mom.


"Hey." bati ko


[The kpop merch that we ordered last week are finally here. Kunting kimbot nalang talaga mabubuksan na ang café.]


Ngumiti ako ng malungkot. Kunting kimbot nalang.


"Finally!" sagot ko sa kaniya at sinigurado kong masigla at excited iyon pakinggan.


[You must be present tomorrow for the placing of the designs. Holy Goly I'm excited! Have a good night Miss Fox. Bye!]


Tinignan ko nalang ang phone ko hanggang sa mamatay ang ilaw nito sa screen.


They're all excited kaya dapat ganun rin ako. Alam kong kaya nilang tanggapin na hindi ako ang magpapatakbo sa café. Ako pa rin naman ang may-ari 'nun kahit hindi ako ang magpapatakbo.


Alam ko rin naman na pagkatapos maitayo ang café, babalik nanaman ako sa totoong buhay ko. Kung saan tanging si Ythan lang ang makulit na taong sulpot ng sulpot sa paligid ko. Walang Chae na kahit anong pagod hindi hihinto sa kakadaldal at kakashare ng mga opinions at experiences niya sa buhay. Walang Xylon na palagi akong i-e-encourage sa paghe-healthy diet at work-out. Walang Sandford siblings na magbibigay ingay gamit ang mga tawa nila sa walang buhay kong tenga, at walang Tom na parang batang nawalan ng tirahan na pilit pinagkakasya ang sarili sa munting pamilyang nabuo namin sa ilang buwang pagtatayo sa café.


Kailangan kong mas maging mature para matuto akong mabuhay. Kailangan ko ring piliin ang isang desisyon kahit na ayaw ko para lang mabuhay.


"Yanna Fox." pangalawang tawag sa'kin ni Mom.


Ipinikit ko ang mga mata ko. Alam ko na sa tamang panahon magiging masaya at malaya rin ako. Hindi pa sapat ang mga nagawa ko para sa café kaya gagawin ko ang desisyon na ito.


TDATBS 1: I'M UNDER (NATHAN KIEL MONTERO)Where stories live. Discover now