Pagkapasok sa sinasabing mini-restaurant ni Ythan, dire-diretso akong nagtungo sa table na nasa gitna. Agad akong naupo at ganun rin si Chae.
Nag-umpisang kumulo ang dugo ko nang sa harapan namin umupo sina Nathan at ‘yung babae. Nakita ko pang ipinaghila siya ni Nathan ng upuan. The hell? Hindi ba kayang umupo ng babaeng ‘yan ng mag-isa at kailangan pang paghilahan ng upuan?
Napairap ako ng wala sa oras. Hindi pa nga kami kumakain pero nawalan na agad ako ng gana. Tinignan ko si Ythan na nasa may pintuan pa. May kausap itong lalaki, kaya mas lalong nadagdagan ang init ng ulo ko.
Inilabas ko ang phone ko naglaro lang muna ng Plants vs Zombies, may kausap naman sa phone si Chae. Yung dalawang tao naman sa harapan namin ay naghaharotan parin. Ang sakit sa mata! Pinalakasan ko ang volume ng phone ko at wala akong pake kung pagtinginan ako ng tao dahil alam kong sa laro na ito mailalabas ko ang init ng ulo ko.
“You’re playing that thing? Still a kid, huh?” pansin ni Courtney
Gusto ko mang itigil ‘tong paglalaro ko at tignan siya ng masama ay mas pinili kong ipagpatuloy nalang kung anong ginagawa ko. Wala akong pake sa kahit na ano mang lumabas na mga salita mula sa malanding bunganga nito.
Hindi rin nagtagal at umupo na si Ythan kasabay nito ang mga pagkain na inorder nito kanina pa. Nagsimula kaming kumain at ang tanging maririnig lang na ingay ay ang pag-uusap nina Ythan, Nathan, at ng babae.
“… yes you’re right. I’m running 5 companies right now, it’s tough but I can manage.” Narinig kong sabi ni Ythan dahilan ng pagtingin ko sa kaniya.
Napangiti ako. Ythan is doing really great sa ilang taon ng paghawak niya sa kompaniyang ibinigay ng mga magulang namin. Proud ako sa kaniya dahil saksi ako sa mga paghihirap niya. Lahat na ata ng problema, utos, at plano ng mga magulang namin ay sinalo niya lahat.
Proud ako na meron akong Ythan sa buhay ko. Kung ‘di dahil sa kaniya baka naghihirap na akong magpatakbo ng kompaniya ngayon. Ang mga magulang kasi namin ay may iba’t ibang businesses na pinapatakbo at gusto ng mga ito na hawakan rin namin iyon. Agad akong tumanggi dahil ayaw kong matulad sa kanila, na walang oras para sa pamilya dahil sa dami ng trabahong ginagawa. Kaya sinalo ni Ythan lahat. Nang dahil roon ay nakuha ko ang matagal ko ng gusto, kalayaan.
“I’m happy for you, you’re doing great. By the way, is she your girlfriend?” tanong ni Courtney kay Ythan na ang tinutukoy ay ako.
Bigla akong naubo, ganun rin si Chae. Nagkatinginan kaming dalawa at nag-abutan kami ng tubig. Dahil sa ginawa namin ay natawa nanaman kami ng malakas.
“No no. She’s my sister.”
“Oh your sister.” Tumatangong sabi ng babae pagkatapos ay binalingan ako ng tingin.
“What do you do?” tanong nito sakin
Naitaas ko ang kilay ko. Wow? Close ba kami para itanong niya ‘yang ganiyang bagay? Hindi ko siya sinagot at nagpatuloy lang sa pagkain. Narinig ko ang tinatagong tawa ni Chae kaya binalingan ko siya ng tingin pero agad ko ring iniiwas dahil natatawa na rin ako.
“Oh she’s mute.” Ani Courtney nang wala siyang natanggap na sagot mula sa’kin.
Kinuha ko ang phone ko at nagpanggap na parang may nareceived na message. Gusto ko ng umalis. Kinuha ko ang atensyon ni Ythan.
“I’m leaving.” I said
Dali-dali namang pinunasan ni Chae ang bibig. “Me too, me too. I’m leaving.”
YOU ARE READING
TDATBS 1: I'M UNDER (NATHAN KIEL MONTERO)
Ficção GeralNathan Kiel Montero lived a simple and content life, surrounded by his beloved grandparents and a strong sense of purpose. He was determined to make a difference in the world by helping those in need and pouring his heart and soul into his work. But...