"What?" mahinang tanong niya.
Gusto kong iikot ang mga mata ko sa tanong iyon ni Nathan. Ang linaw-linaw na nga ng pagkakasabi ko eh!
Naiintindihan ko naman kung hindi agad magsink-in sa utak niya ang sinabi ko dahil pabigla-bigla rin ako. Siguro ay hindi niya inaasahang sasabihin ko 'yun sa ganitong pagkakataon, dahil kagabi masyado akong lugmok tignan.
Alam kong padalos-dalos ang mga ginagawa at sinasabi ko, gusto kong kahit ngayon lang masunod naman ang gusto ko. Gusto ko na kahit sa isang pagkakataon lang malaya kong magawa ang isang desisyon na hindi kailangan ng approval ng iba.
"Give me a child." nakangiting sagot ko sa kaniya.
Gusto kong maging masaya. Gusto kong magkaroon ng taong magiging dahilan ko upang mas gustuhin ko pang mabuhay. Kaya kailangan at gusto ko ng anak.
"What?"
Naipaikot ko na ng tuluyan ang mga mata ko dahil inulit lang naman niya ang tanong. Walang kwentang kausap 'tong tao na 'to.
Linagpasan ko nalang siya at dumiretso ako sa kwarto. Kailangan kong magpalit ng damit dahil basa ang likod ko sa pawis.
"Yanna..."
Nagulat ako nang marinig ang boses ni Nathan. Mukhang hindi pa rin ito natutunawan sa sinabi ko kanina, eh ang dali-dali lang naman intindihin 'nun!
Hindi siya bobo pero bakit hindi niya maintindihan ang tatlong salitang, "buntisin mo ako." Hindi rin naman siya bingi pero bakit parang hindi niya marinig ng maayos ang tatlong salitang, "buntisin mo ako."
Dumiretso ako sa maleta ko ng hindi siya pinapansin, binuksan ko iyon at kumuha ng damit. Pagkalingon ko sa kaniya ay naroon pa rin siya sa kaninang pwesto niya at nakatitig lang sa akin.
"Buntisin mo 'ko." pangatlong beses ko na 'to sinasabi.
He tilted his head pero hindi pa rin niya iniaalis ang tingin sa akin. Para namang timang 'to.
"Alam mong masama 'yun. I will not let myself touch you." sagot niya sa'kin. Mabuti naman at nagawa niya ng sumagot sa'kin. Akala ko uulit-ulitin niya ang "What?" niyang linya.
Hinubad ko ang damit sa harap niya pagkatapos ay linapitan ko siya. Hindi siya gumalaw sa pwesto niya at ang kaniyang mga mata ay nakatitig lang sa mga mata ko, ni hindi manlang bumaba ang tingin nito sa hubad kong katawan. Napangiti ako sa isip ko, nakakaproud naman 'tong dakilang 'to.
Yinakap at hinalikan ko siya sa leeg at naramdaman kong nanigas siya sa kinatatayuan. "Nathan nasa ibang henerasyon na tayo, uso na ang premarital sex, kung gusto mo pwede ko ng pirmahan agad ang sinasabi ni Mom, diba gusto mong makasal tayo?"
Nakita kong may dumaan na sakit sa mga mata niya, hindi ko alam kung guni-guni ko lang 'yun pero iyon yung nakita ko.
"Marriage needs love, Yanna. Hindi ko hahayaang pirmahan mo iyon ng wala kahit ni katiting na pagmamahal diyan sa puso mo para sa'kin. And if we are to create a new life na mabubuhay sa loob ng sinapupunan mo sa loob ng siyam na buwan, kailangan rin ng pagmamahal 'nun. Hindi ko hahayaan ang sarili na pumayag sa gusto mo ng wala kang nararamdaman na pagmamahal para sa'kin."
Alam ko naman iyon. Ang sa akin lang, gusto ko na ng anak. Kung may pera lang sana ako ngayon edi hindi ko siya pipiliting bigyan ako ng anak, idadaan ko nalang sa process ng science, kaso walang wala ako. Na kay Mom lahat ng cards ko kaya wala akong pagdudukutan ng pera ngayon.
YOU ARE READING
TDATBS 1: I'M UNDER (NATHAN KIEL MONTERO)
Fiksi UmumNathan Kiel Montero lived a simple and content life, surrounded by his beloved grandparents and a strong sense of purpose. He was determined to make a difference in the world by helping those in need and pouring his heart and soul into his work. But...