I stayed with mom and paid attention to her stories for hours. I heard stories about my childhood and the struggles and sacrifices made by them-- our parents for us. Ngayon, unti-unti ko nang naiintindihan kung bakit mahigpit sila sa amin ni Ythan noon. Gusto nilang maranasan namin kung paano maging matatag at may tiwala sa sarili at sariling kakayahan sa maagang edad. Congratulations to them, they molded strong-minded kids, us.
"Are you staying for dinner?"
Tinignan ko ang nag-aapoy na kalangitan dala nang papalubog na araw, "Uuwi na muna ako. Namiss kong magluto sa kusina ko," sagot ko sa kanya.
Narinig ko ang mahinang tawa ni mom, "If you're not okay just call me, hmm?"
Binigyan ko siya ng tipid na ngiti bago nagpaalam. Hindi ko na alam kung paano ako nakarating sa bahay nang ilang minuto lang, nakita ko nalang ang sarili na pumaparada sa harap ng gate ng bahay ko.
Agad akong pumasok sa bahay at pagod na inihiga ang katawan sa malamig na carpet sa sala. I'm home. Ipinikit ko saglit ang mga mata pero parang ayaw pa ako patulugin ng mga ito kaya ang ginawa ko, itinuon ko ang paningin sa puti at walang halos ibang kulay kong kisame. Nang magsawa na ako ay saka ko lamang naalala na titignan ko pala ang message na sinasabi ni mom kanina na ipinadala ni Nathan sa'kin.
Binuksan ko ang cellphone at kagaya kanina, dinala nanaman ako nito sa Gallery at nakita ko ang litrato naming tatlo nina Chae at Xylon. I smiled at the photo, "Hey dummies, I miss you."
Sunod kong ginawa ay binuksan ko ang cellular data ng cellphone, nagulat pa ako nang makitang sunod-sunod na notifications ang naglitawan sa screen. Anong meron?
Inuna kong tignan ang voicemails, iisa lang kasi iyon at galing kay Chae. Kinalma ko muna ang sarili ko dahil alam kong maiiyak ako kapag narinig ko ang boses niya, namimiss ko na sila sobra.
[Yanna Fox wohooooooo! We're going homeeeeeee! Where are you? I slided with this voicemail kasi naka-off raw ang phone mo. Anyway, sino kayang driver ng kotse namin ngayon?] Narinig ko ang tawanan ng ilang tao sa loob ng kotse bago ulit marinig ang boses ni Chae. [Hey hottie, introduce yourself.]
Wala sa sariling natawa ako sa naririnig. Naiimagine ko ang sarili na kasama si Chae. Nagkaroon muna ng isang mahabang katahimikan bago ako makarinig ng baritonong boses ng isang lalaki, [I'm the hottie driver.] It's Nathan. [Oh tama na ang eksena, hottie doctor eww di pala bagay sa'yo. Anyway, Yannaaaa! Papunta na kaming airport, sunduin mo kami ha, puputulin ko 'yang ulo mo kapag hindi ikaw 'yong sumundo sa--- wait wait! Hoy Nathan, what's wrong? Hey! Nathan! What the fuck! Wait! Tangina may sasakyan sa harap! Liko ka! Nath---] hanggang doon lang ang voicemail na iyon at wala ng sumunod na iba. Unti-unti akong kinabahan, narinig ko ang kaba sa boses ni Chae.
Tinignan ko ang sandamakmak na DMs sa Instagram ko at galing lahat kayna Chae, Xylon, at... Kate.
@chaeisashe
(waiting for the gorgeous xylon) 10:05 A.M..
(and i'm still waiting what the fuck) 11:30 A.M.
(finally, i'm with xy, kate, baby airy, and your hottie boyfriend) 12:15 P.M.
(wh're u? gonna kill you! reply me!!) 12:25 P.M.
@lawyer_chaxylon
(cook for us pwease) 12:13 P.M.
(we're really hungry) 12:14 P.M.
(i wanna visit your café) 12:14 P.M.
(Nathan is worth it, yanna.) 12:15 P.M.
(just sayin' :P) 12:15 P.M.
@iamgreen
(Yanna, I know you're hurting right now and it is my fault. Nathan, he's not the father of my Airy. I know that it is too late for me to say this but I am very sorry. Months ago, I got raped. Diring diri ako sa sarili ko na halos hindi ko idikit ang katawan ko sa inyo, sa inyo nina Yelle. Ang dungis ko, pakiramdam ko ang dumi-dumi ko. Walang may alam sa nangyari sa akin. Noong araw na nalaman mong buntis ako, takot na takot ako 'non, ayokong iwan niyo 'ko at pagsabihan ng masasakit na salita, pero kabaligtaran ng iyon ang ipinakita niyo sa akin. I decided to leave the country, maraming mata dito sa bansa at natatakot akong madumihan ang pangalan na matagal na pinaghirapan ng mga magulang ko. It was hard for us na iwanan kang mag-isa rito sa Pilipinas, but that was the best decision that we ever did. You found yourself without anyone's help. You made better friends. You were leaving your life, but I ruined it. Nakilala ko ang mother ni Nathan sa isang restaurant. Napahaba ang kwentohan namin at sinabi niyang wala pang asawa't anak ang anak niya. Pumayag ako sa desisyon niya na sabihin kay Nathan na siya ang ama ni Airy, noong mga panahon na iyon, ang tanging nasa isip ko ay may maging ama ang anak ko para sa pagbalik ko sa Pilipinas, hindi ako maging kahihiyan ng mga magulang ko. Handang handa ako sa desisyon kong iyon pero noong makita kita sa loob ng penthouse ni Nathan, biglang umurong ang lahat ng tinipon kong lakas. Nakita ko ang sakit sa mga mata mo sa panahon na iyon, pero mas nanaig ang pagiging selfish ko. Araw-araw walang ibang ginawa si Nathan kundi ang alagaan ako kahit na alam niyang hindi siya ang ama ng batang nasa sinapupunan ko noon. Unti-unti akong kinain ng konsensya ko, hindi ko na kaya. Ang bait-bait niyong dalawa sa akin, hindi ko kayang suklian iyon ng selfishness ko kaya ngayon humihingi ako ng tawad sa lahat ng mga bagay na nagawa ko. Mahal kita. Mahal ka ni Nathan.) 12:18 A.M.
YOU ARE READING
TDATBS 1: I'M UNDER (NATHAN KIEL MONTERO)
Ficción GeneralNathan Kiel Montero lived a simple and content life, surrounded by his beloved grandparents and a strong sense of purpose. He was determined to make a difference in the world by helping those in need and pouring his heart and soul into his work. But...