Pagkagising ay agad kong naramdaman ang hapdi sa mga mata ko. Umiyak nga pala ako kagabi, ni hindi ko nga namalayang nakatulog ako.
Ipinalibot ko ang paningin sa loob ng kwartong inukupa ko. Kulay itim lahat ng gamit sa loob at tanging ang sahig lang ang naiiba ang kulay, puti iyon. Maamoy rin ang matapang na amoy na panlalaki.
Masakit ang ulo ko siguro dahil sa grabeng pag-iyak kagabi at kawalan ng bagay na maiisip, literal na naging blangko ang isip ko kagabi. Aaminin ko na mas naging mabigat ang pakiramdam ko dahil doon.
Pumasok na muna ako sa loob ng bathroom para maghilamos at magsipilyo ng ngipin bago lumabas. Pagkalabas ko ay agad kong nakita si Nathan sa harap ng tv, nakaupo siya sa mahaba niyang sofa na parang pwedeng maupuan ng dalawampong tao. Seryoso lang ang mukha nito at linalaro-laro sa kamay ang phone.
Naramdaman siguro niyang may taong tumitingin sa kaniya kaya lumingon siya sa gawi ko.
Agad siyang ngumiti sa'kin. "Yanna, good morning." bati niya sa akin at lumapit sa'kin pero agad akong lumayo.
Itinango ko ang ulo ko bilang sagot pagkatapos ay dumiretso sa kusina para magtimpla at magluto ng agahan ko.
"Yanna? Is it okay if I leave you here?"
Hindi ko siya pinansin, bahala siya sa buhay niya. Gawin niya gusto niya, buhay niya naman 'yan. At isa pa, hindi niya kailangang sabihin lahat ng gagawin niya dahil wala akong pakialam.
Nang mapansin siguro nitong wala akong balak na sagutin ang sinabi niya ay lumapit siya at hinarap ako.
"Hey, I'm just going to the Hospital. Orientation for the new rules. I've been missing for a few months so I need to be updated. I won't be long, I'll be right back." sabi niya
"Wala akong pakialam sa kung ano mang gawin mo." maiksing sagot ko lang sa kaniya at bumalik na uli ako sa paghahanda ng mga kakailanganin sa gagawin kong pagkain.
"I've already cooked, just heat it up but if you don't want to eat it, just go ahead and cook. I'm leaving, okay? I'll be right back." pagpapaalam ni Nathan pagkatapos ay dahan-dahan niyang hinalikan ang gilid ng noo ko.
Hinintay ko ang pagsara ng pinto bago tignan kung anong niluto niya. Nakita kong may dalawang klase ng soup sa lamesa at may kanin at bacon na rin. Matagal ko itong tinignan bago nagpasyang magtitimpla nalang ako ng gatas at kainin lahat ng nasa lamesa. Sayang naman kung matapon lang, may mga tao ngayon na naghihirap makakain lang ng kahit isang beses sa isang araw kaya kahit anong galit ang nararamdaman ko para sa lalaking iyon, kakainin ko pa rin 'tong inihanda niya.
Nang matapos akong kumain at maghugas ng pinagkainan ay naisipan kong lumabas lang muna para magpahangin. Kailangan kong makalanghap ng tunay at preskong hangin para bumalik sa katinuan itong utak ko at makapag-isip ako ng mga bagay na kailangan kong intindihin.
Pagkalabas ko ay kinuha ko ang phone para tignan sa map kung saan ang lugar na pwede kong puntahan pero lahat ng lumabas sa nearby places ay kailangan pang sumakay ng sasakyan, wala naman akong pera ngayon, kahit card ko kinuha ni Nathan.
Naglakad-lakad nalang ako hanggang sa mapadpad ang mga paa ko sa playground para sa mga bata. Umupo ako sa isang gilid at kinain ang binili kong ice cream kanina.
"Don't even cling to me! I already have a girlfriend, Van! "
"What are you talking about? Excuse me, I moved on duh! "
YOU ARE READING
TDATBS 1: I'M UNDER (NATHAN KIEL MONTERO)
Aktuelle LiteraturNathan Kiel Montero lived a simple and content life, surrounded by his beloved grandparents and a strong sense of purpose. He was determined to make a difference in the world by helping those in need and pouring his heart and soul into his work. But...