I would like to say thank you to all of you po. Thank you for supporting Nathan and Yanna's story. 25K reads na po siya sa ngayon. Maraming salamat po!
I have a new story po entitled Woke After My Fifth Death, mystery-thriller po ang genre, sana po ay suportahan niyo po iyon katulad ng suportang ibinibigay niyo sa IU. Bukas po ako sa mga suggestions at critique niyo po. You can dm me on IG @yannaaatrinidad, share your thoughts and ibang bagay na gusto niyong pag-usapan natin, I will immediately notice and reply you.
10 Chapters nalang po at matatapos na ang I'm Under. Sana po ay abangan niyo rin ang story ni Ythan dahil magsisimula na po iyon, Gone Slowly po ang title.
CHAPTER 20
Nagmamadali akong lumabas ng airport hila ang maleta ko. Kagagaling ko lang sa Massachusetts at tinanggap ko agad ang trabahong ibinigay sa'kin nina lolo't lola na dapat sana sa sunod na linggo ko pa gagawin. Wala naman kasi akong gagawin sa isang linggong "free time" na ibinigay nila sa'kin. Pahinga ang turing ko sa trabahong meron ako kaya hindi nila ako masisi kung bakit mas inuuna ko ang trabaho kesa sa sariling mga kagustuhan at katamaran sa buhay.
Mas ibinaba ko ang cap nang makitang may mga media akong makakasalubong. Nagiging maingat lang ako. Mas mabuti ng walang alam ang mga tao na bumalik na ako sa Pilipinas dahil paniguradong magugulo nanaman ang buhay ko sa dami ng taong gustong malaman ang lahat ng galaw ko sa buhay.
Bakit pa kasi naging matunog ang pangalan ko bilang isa sa mga "Hottest Bachelors" raw. Wala namang magandang naidulot sa'kin ang pagiging isa ko sa mga bachelors, at alam kong pareho naming nararamdaman iyon ng mga kaibigan kong nadawit rin sa kalokohang iyon.
Binilisan ko nalang ang lakad ko dahil ayaw kong paghintayin ang lolo't lola ko pero sa masamang palad ay natigil ako sa paglalakad dahil may narinig akong mga taong parang choir na isinigaw ang buong pangalan ko.
"NATHAN KIEL MONTEROOO."
Agad akong nanlumo. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Mukhang magiging magulo talaga ang buhay ko ngayon.
Hindi ko sila pinansin at nagpatuloy na ulit ako sa paglalakad. May patatayin akong mga tao mamaya.
"Hoy Montero! Porket galing Massachusetts snob na!"
"Kaya nga parang tanga naman 'tong si Montero."
"Alam niyo bang di pa tuli 'yan?"
"Saan ba nagpunta ang mga nakita nating media kanina? Tawagin kaya natin at sabihing nandito si Montero?"
"Ay magandang ideya 'yan Furr. Ang talinong bata mo talaga!"
Ipinikit ko ang mga mata ko. Diyos ko! Hindi ko alam kung anong klase akong tao noong past life ko para maranasan ngayon ang mga bagay na'to. Parang gusto ko nalang maglaho bigla dahil sa mga kabaliwan nitong mga lecheng 'to.
Pagkaharap ko ay agad akong sinalubong ng mga gitnang daliri ng mga kaibigan ko. Lahat ng kamay nila ay nasa ere. Mga isip bata!
"May konsensya pa naman pala si bubwit."
Sinamaan ko ng tingin si Cyph. Papaanong nandito na'to? Siya ang piloto namin kanina pero mas nauna siyang lumabas kesa sa'kin?
"What the fuck are doing here? at wow kompleto pa talaga kayo." manghang sabi ko.
Si Sand na busy sa mabigat na kasong hawak niya ngayon, si Stone na balita ko ay may operation na gagawin mamayang hapon, si Tea na balita ko rin may flight mamaya papuntang Italy para sa Vogue Magazine shoot nito, si LG na sa pagkakaalam ko nasa kalagitnaan ng gyera noong isang araw, at si Mike na busy ngayon sa ginagawang film ay present ngayon. Halatang gusto lang ng pasalubong. Mga busy silang tao na minsan lang magkaroon ng oras para sa mga kabaliwang bagay kaya bakit nandito sila?
YOU ARE READING
TDATBS 1: I'M UNDER (NATHAN KIEL MONTERO)
General FictionNathan Kiel Montero lived a simple and content life, surrounded by his beloved grandparents and a strong sense of purpose. He was determined to make a difference in the world by helping those in need and pouring his heart and soul into his work. But...