CHAPTER 18

2K 67 11
                                    

Nagising ako dahil sa init ng araw na tumatama sa balat ko. Napipilitan akong bumangon at lumipat ng pwesto.


Ibinagsak ko ang katawan sa comforter handa na sanang matulog ulit pero biglaan akong bumangon dahil sa malamig na tubig na tumama sa mukha ko.


"Good morning, my adorable little fox."


Inis kong kinuha ang isang unan at ibinato sa kaniya. Nakakainis talaga ang lalaking 'to!


Inis kong pinunasan ang mukha ko gamit ang comforter para alisin ang tubig na iwinisik nitong taeng 'to.


"Ano ba?! Matutulog pa ako eh!" sigaw ko


"6 AM na. Get up, mag-eexplore tayo ngayon. Get up! Get up!"


Ipinikit ko ang isang mata at tinuro siya. "Kayo nalang. Hindi ako sasama. Enjoy!"


Pumasok siya sa loob ng tent at umupo sa tapat ko. Kinuha niya ang mga kamay ko at inilagay sa mukha niya.


"Hmm! Ang baho naman ng mga kamay mo. You need to get up, wash your hands and body para maging mabango ka ulit, dali na." parang bata ani Nathan.


Itinulak ko ang mukha niya. "Umalis ka nga!"


Natigil kaming dalawa nang biglang gumalaw ang tent. Lumilindol?


"Hey homo sapiens, breakfast is ready!" malakas na sigaw ni Chae habang nakadungaw ang ulo sa window at yinuyugyog parin ang tent pagkatapos ay umalis na agad.


Kinuha ulit ni Nathan ang mga kamay ko at hinalikan niya iyon. "Get up. Sa labas lang ako."


Naramdaman ko nanaman ang mga munting paru-paro sa loob ng tiyan ko dahil sa ginawa niyang iyon! Parang bigla ring natigil ang pagdaloy ng dugo sa loob ng katawan ko.


Hindi na 'to maganda.


Kumuha ako ng wipes, tubig, at mouth spray para maghilamos at linisin ang mga ngipin ko.


Pagkalabas ko ay agad kong hinanap ang ibang kasama namin pero si Nathan lang ang nakita ko.


"Where are they?" I asked


"River. Let's go." sagot niya at kinuha niya ang kamay ko. Hinawakan niya iyon at ilinagay sa braso niya.


Agad kong kinuha ang kamay ko. "Naiinis na ako sa'yo!"


Ngumiti lang siya."Then iinisin pa kita lalo. The more you hate the more you love raw." pagkatapos ay hinalikan niya ako sa labi at nagtatakbo papunta sa ilog.


Halo-halong emosyon na ang nararamdaman ko kaya inis akong kumuha ng bato at inihagis iyon sa direksyon na tinahak ni Nathan.


Hindi na ako natutuwa! Inis ang makikita sa mukha ko at nakita iyon ng mga kasama namin dahil hanggang sa nakarating ako sa ilog ay ganoon parin ang mukha ko.


"Here's the fox." sumisipol na sabi ni Tom


"Oh oh I can clearly see 'death' in her eyes." dagdag ni Xylon


"Oh c'mon Xy, death seriously? Then why do I see Nathan in her eyes and not death?" ani Chae


"Stop it gorgeous ladies, you're both wrong. I can see love in her eyes. Love for me." nakangiting ani Nathan


"The shit?!" inis na sigaw ko kay Nathan


Nagtawanan sila samantalang tumakbo naman palapit sa'kin si Nathan. Yinakap niya ako at hinalikan sa pisngi dahilan kung bakit nagsi "ayiiee" ang iba.


TDATBS 1: I'M UNDER (NATHAN KIEL MONTERO)Where stories live. Discover now