CHAPTER 11

2.8K 111 10
                                    

Halos magtatatlong oras na 'kong nasa loob ng kwarto. Ayaw kong lumabas kahit na sobrang gutom na ako. Nahihiya parin kasi sa tuwing naiisip ang posisyon ng pagkakaupo namin ni Nathan kagabi. Dapat kasi naging makakalimutin nalang akong tao para wala akong problema ngayon!

Kanina pa ako naglilibot sa loob ng kwartong ito at wala akong mahanap na pagkain o tubig manlang na pwede kong mainom, kung makaramdam ako mamaya ng sobrang pagkauhaw ay pipilitin ko nalang ang sarili ko na inumin ang tubig sa CR.

Nahiga ako sa kama at tinignan ang kisame. Plano ko na sanang buong araw titigan iyon pero nakarinig ako ng katok mula sa pintuan. Alam kong si Nathan ang nasa labas kaya hindi ako umimik o sumagot.

Pero imbes na boses ng lalaki ang marinig ko ay narinig ko ang pamilyar na boses ng isang babae "Yanna, you awake?"

Agad-agad akong bumangon at lumakad papunta sa pintuan at binuksan iyon.

"What are you doing here? Why are you here?"

Tumawa ito "Ythan told me to come here, kilala ka raw niya at mas pipiliin mo raw na magkulong sa kwarto kesa lumabas dahil kayo lang dalawa rito ni Nathan."

Nasapo ko ang ulo ko. "Gosh! I am so sorry Chae, and by the way how did you know my brother?"

Ngumiti lang siya bilang sagot "Paano ka pala nakarating rito? May bagyo raw ah rinig na rinig ko ang malakas na ulan sa labas. Buti okay kalang."

Imbes na marinig ko ang sagot ni Chae ay nakita ko si Xylon na basang basa at mukhang nirape ng mga hayop sa zoo dahil sa magulo at marumi nitong damit at buhok.

"Oh fuck! Hi Yanna!"  bati niya

Natatawa man ay pinilit kong magmukhang seryoso ang mukha ko.

"What happened to you? Are you okay?"

Tumawa ito at pilit na pinagpagan ang damit at inayos ang buhok na para bang pinapaalis nito lahat ng tubig sa labas ng katawan "I'm fine I'm fine. Don't worry, it's not your fault."

Narinig ko ang malakas na pagtawa ni Chae kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko na mapatawa rin.

"Do you wan-" hindi natapos ang sinasabi ni Chae dahil tawa parin ito ng tawa, ang mga mata nito ay may lumalabas ng luha "Do you wanna know kung bakit... pffftttttt wait!"

Tawa ito ng tawa kaya naman sinamaan siya ng tingin ni Xylon at ipinakita pa sa kaniya ang gitnang daliri.

"Okay okay self, calm down! Whoa!" pagkausap pa nito sa sarili

Tinignan ko si Xylon "May dala ka bang pampalit na damit?"

Iniling nito ang ulo kaya naman narinig ko uli ang malakas na pagtawa ni Chae. Hindi pa nagtagal ay natapos na rin siyang tumawa at naging seryoso na ang mukha pero may mapang-asar parin itong ngiti sa labi.

"She's not really fine. We were enjoying our food kanina sa isang restaurant para sa early breakfast nang bigla siyang makafeel na gusto niyang tumae."

Napangiwi ako dahil sa sinabi ni Chae "Private issue na 'yan. Bat sinasabi mo sakin?" I asked.

Ipinakita lang ni Chae ang palm niya sa harapan ko na nagsasabing 'sandali'.

"So yun she went to the restroom to poop then all of a sudden, Ythan phoned and told me to come here because of the reason I stated earlier. So worriedly, I went to the female's restroom and searched for Xy's cubicle and then boom she was still not finished. I grabbed the tissue and wiped her butt until it's clean and dragged her to my car. Then ayun, nakarating na kami rito ng matiwasay. She was the driver kaya nauna akong lumabas at dala ko ang payong ko. Dahil sa nag-aalala ako sayo ay nakalimutan kong wala palang extra na payong sa kotse kayo ayon nabasa 'tong si Xy, and I don't know kung ginawa nitong pool ang mud kaya ganyan ang itsura ngayon."

TDATBS 1: I'M UNDER (NATHAN KIEL MONTERO)Where stories live. Discover now