Kapag hindi mo binabantayan ang oras ay mabilis ito kung lumipas at ito ang pinaka ayaw ko sa lahat. Hindi ko kasi namalayang mabilis na dumaan ang mga araw at dumating na nga ang Sabado.
Hanggang ngayon ay hindi parin ako sigurado kung pupunta ba ako sa business party na iyon. Kahapon ay dumating na ang invitation letter ko para sa event na iyon. Gusto kong buong araw nalang na matulog at magpanggap na may sakit at sabihin kay Ythan na nakalimutan ko ang event na iyon pero hindi ko 'yun magagawa dahil paniguradong magpapadala agad si Ythan ng doctor at malalaman nilang pinepeke ko lang ang lahat. Ito ang mahirap sa may kapatid na marami ang connections. Hindi ka basta bastang makakapagsinungaling.
Humiga ako sa kama at nagpagulong gulong rito. Kinuha ko ang phone ko at nagscroll lang ng nagscroll sa Instagram, pagkatapos ay tumayo na ako at napagdesisyonan kong umattend nalang sa event na iyon. Bahala na kung makita ko roon sina Mom and Dad, tatatagan ko nalang ang loob ko at kukurutin ng kukurutin ang sarili kapag naramdaman kong maiiyak na ako sa mga ibabato nilang mga salita.
Naligo at nag-ayos na ako at tinext ko si Ythan na sunduin na ako. Tinignan ko ang oras sa phone ko at masyado pang maaga para sa event. Pupunta ako roon ng maaga para naman hindi ako agaw pansin mamaya. Kapag kasi hinuli ka ng dating ay paniguardong maraming mga mata ang tutuon sa’yo. Ayaw ko ng atensyon.
Lumabas na ako ng bahay at umupo na muna ako sa upuan dito sa gilid ng gate ko. Nangangalay na kasi ako kakatayo. Wala pang reply galing kay Ythan kaya inabala ko na muna ang sarili sa pagkuha ng litrato. Para naman may maipost ako mamaya sa Instagram.
Isang oras mahigit na ang lumipas pero wala pa rin akong makuha na reply galing kay Ythan. Sign na ba 'to para hindi magpunta sa party na 'yun? Mabuti naman kung ganun dahil ayaw ko rin naman. Tumayo na ako at akmang papasok na sa gate nang may bumusina sa likod ko.
Sa akalang si Ythan 'yun ay agad akong lumingon at isang itim na BMW ang nakita ko. BMW huh? bagong bili ba 'to? Sana lahat mayaman.
Lumapit ako sa pintuan ng shotgun seat ng sasakyan at binuksan ko iyon at agad akong pumasok. Nang magsusuot na sana ako ng seatbelt ay para akong nanlamig nang marinig ko ang boses ng isang lalaki at nasisiguro kong hindi kay Ythan iyon.
“Uh hi?"
Bigla akong pinagpawisan kahit na hindi mainit. Shit. What did I do? Bat kasi padalos dalos ako? Mapapatay ko talaga si Ythan! Pwede ring sarili ko nalang. Bakit naman kasi basta-basta nalang ako sumakay sa sasakyan na ‘to?! Si Ythan naman kasi eh!
Sa village naming ay walang sasakyang basta-basta nalang nakakapasok. Pamilyar sakin lahat ng sasakyan rito sa village dahil kaunti lang naman ang mga bahay rito, hindi bababa sa 20 ata. Akala ko naman kasi kay Ythan kasi hindi pamilyar ‘tong kotse. Punyemas naman.
Paano kung itong taong nasakyan ko may masama palang balak? Mama Papa tulong. Ayoko ko pang mamatay. Gusto ko pang makapagpatayo ng café at magkaroon ng anak katulad ni Kate.
Ipinikit ko ng mariin ang mga mata ko. Nakakahiya. Naimulat ko ang mga mata ko nang nakarinig ako ng busina, may naramdaman akong hope sa puso ko. Nakita ko sa labas ang isang pamilyar na kotse at ngayon ay sigurado akong kay Ythan iyon. Punyetang lalakeng 'to. Bakit ngayon lang dumating?!
Binitawan ko ang seatbelt na hawak hawak ko at agad kong binuksan ang pintuan ng kotse na sinasakyan ko at lakad takbo ang ginawa ko makapasok lang agad sa kotse ni Ythan. Sinigurado kong hindi makikita ang mukha ko para naman bawas hiya, tutal hindi ko rin naman nakita ang mukha niya, fair fair lang ba.
Nang makapasok ako ay sinalubong ako ni Ythan ng kanyang nakakaasar na tawa.
"Hi little sister, so you and Montero, huh?" asar nito
YOU ARE READING
TDATBS 1: I'M UNDER (NATHAN KIEL MONTERO)
General FictionNathan Kiel Montero lived a simple and content life, surrounded by his beloved grandparents and a strong sense of purpose. He was determined to make a difference in the world by helping those in need and pouring his heart and soul into his work. But...