CHAPTER 3

5.5K 115 10
                                    

Inis akong bumangon mula sa pagkakahiga. Kanina pa kasi sigaw ng sigaw si Ythan sa baba. Parang bobo lang. Nagpunta ako sa bathroom para maghilamos at mouthwash bago bumababa. Wala na akong pake kung gulo-gulo pa ang buhok ko at hindi pa maayos ang suot ko. Sinong ingot ang magpupunta rito sa ganitong oras. 5AM palang at tatlong oras palang ang tulog ko. Nakakabadtrip talaga 'tong lalaking 'to.

Pagkababa ko ay may ingay na akong naririnig sa kusina. Kinabahan ako dahil hindi naman marunong magluto si Ythan. Baka masunog 'tong bahay ko punyemas. Nagtatakbo ako papuntang kusina only to find out na hindi si Ythan ang nagluluto kundi si Yelle. Bakit nandito 'tong mga tukmol na 'to? Nakita ko rin si Dana na may ginagawang shake.

Parang bigla akong nasamid kahit na wala naman akong kinakain nang makita ko si Dr. Montero. Jusko. anong parusa 'to? Bakit nandito yan? Magtatanong na sana ako nang maalala ko na kaibigan pala ni Ythan itong doctor na ‘to.

Bigla akong pinagpawisan nang maalala rin na siya pala ang naghatid sakin kagabi, nakakahiya! Naalala ko kung anong klaseng itsura mayroon ako ngayon kaya dahan dahan akong tumalikod at maingat na sana akong hahakbang pabalik sa taas nang bigla akong mapansin ni Dana.

"Yannie come here!" tawag ni Dana. Punyemas na babaeng ‘to!

Nakaramdam ako ng mga titig sa likod ko kaya tinubuan nanaman ako ng hiya. Bakit ba kasi hindi muna ako nag-ayos? Nakakahiya naman!

Iniiling ko ang ulo ko. Anong pake nila kung hindi maayos ang pagmumukha ko? Sanay naman silang makita akong ganto pero shit nandito si Dr. Montero! Ah basta!

Lumingon ako sa kanila at napalunok ako ng sarili kong laway nang makita na seryoso akong pinagmamasdan ni Dr. Montero pero agad nitong iniiwas ang tingin at bahagya pang ngumiti. Sana lahat happy.

Nakabusangot na lumapit ako sa kinauupuan ni Ythan.

"Hey sister!" bati nito

Napairap ako "Anong kailangan niyo at nambubulabog kayo ng bahay ng ganitong oras?" tanong ko

Sinamaan ako ng tingin ni Ythan.

"It's my birthday, brat"

Umakto akong parang nagulat pero alam ko naman na kaarawan nito ngayon ang hindi ko lang matanggap ay bat nandito sila? Hindi naman sa ayaw ko ng mga bisita, bat kasi sinama pa 'yang si Dr. Montero? Eh alam naman ng mga ito na doktor ito at ang mga doktor ay palaging busy!

Naalala ko bigla ang sinabi ni Yelle na gusto nito ng mga doktor. Baka gusto ni Ythan na ireto 'tong doktor na 'to kay Yelle kaya isinama niya? Pero hindi sila bagay ni Yelle eh. Ano ba 'tong pinagiisip ko? Tama na nga!

"Birthday mo pero nandito kayo sa bahay ko?" tanong ko rito

"Hoy gaga sabihin mo kung ayaw mo samin hindi 'yung pinariringgan mo kami!"

Naiiling ko ang ulo ko nang sabihin 'yun ni Yelle, ang epal ng babaeng 'to!

"You don't want us anymore?" pagpapaawa naman ni Dana.

Napairap nanaman ako sa kahusayan ng dalawang 'to sa pag-arte. Saan ko nga ba 'tong mga 'to napulot?

Ngumiti ng malapad si Ythan at sinigurado nitong nakakaawa ito tignan.

"You know, I want my house to be always clean, right?" maikling sagot nito sa tanong ko

Hinayaan ko nalang siya sa gusto. Ang sabi niya ay dito raw sila magcecelebrate at maya-maya lang ay dadating na raw ang mga ibang kaibigan nito.

Pumasok na muna ako sa kwarto at naligo. Nakakahiya naman kung amoy bulok ako mamaya.

Pagkatapos kong maligo ay nag-ayos na ako at bumaba na para tulungan sina Ythan magprepare. Nakita kong naglalagay na sina Ythan at Yelle ng mga balloons at decorations sa sala. Si Dana naman ay nagluluto na. Hinanap ng mga mata ko si Nathan pero hindi ko siya nakita. Mukhang umalis na, sabagay lahat ng doctors ay busy, time is gold ba.

TDATBS 1: I'M UNDER (NATHAN KIEL MONTERO)Where stories live. Discover now