Dalawang oras ang itinagal ko sa bathroom bago nagpasyang lumabas. Tuyong tuyo na kasi ako dahil wala naman akong dalang damit sa loob at ayoko ring makita si Nathan. Grabeng hiya ang nararamdaman ko hanggang ngayon kahit na wala naman akong ginawang masama o nakakahiya.
Maingat kong binuksan ang pintuan at sumilip muna ako kung nasa kama pa ba si Nathan at laking pagpapasalamat ko nang makita kong wala ng tao.
Dali-dali kong inilocked ang pintuan ng kwarto ko. Napaisip ako bigla. Sanay akong palaging nagkukulong sa kwarto at palagi kong sinisiguradong nakalock ito pero anong nangyari kagabi? Bakit nakapasok 'yun?
Isang oras ang itinagal ko sa pagaayos sa sarili ko. Sinadya kong tagalan dahil natatakot ako at baka hindi pa umuuwi si Nathan.
Dahan-dahan ang ginawa kong mga lakad habang pababa ako, nang palapit ako sa dining area ay binabagalan ko naman ang lakad ko.
Sumilip ako sa pintuan ng dining area at bigla akong napahiyaw nang bigla akong gulatin ni Yelle.
"YOW YANNIEEE!"
Tinignan ko siya ng masama at halos maiyak na ito kakatawa sa reaksyon ko.
"I thought you were not magugulatin. I’m sorry but I got you." tumatawang ani nito at hinawakan ako sa braso at hinila papasok sa dining area.
Mukhang umaayon sakin ang panahon dahil hindi ko nakita sa loob si Nathan. Puno ang dining table kaya imbes na sa tabi ako ni Yelle umupo ay napunta ako sa dulo dahil late raw ako. Late raw eh base sa mga mukha nila kagigising lang nila. Sa tabi ako ni Cyph umupo. Shit. Hindi pa naman ako sanay na kumain na may katabing hindi ko ganoong kakilala at kaclose.
Kumuha na ako ng kakainin ko pagkatapos ni Ythan maglead ng prayer. Hindi man halata pero magaling sa mga prayers si Ythan. Halos lahat kabisado nito.
Akmang susubo na ako nang biglang may itinanong si Ythan na nakapagpawala ng gana ko.
"Bro, have you seen Nathan?"
Naramdaman kong nag-init ang pisngi ko nang maalala ko nanaman ang bumungad sakin kanina pagkagising ko. Mas iyinuko ko nalang ang ulo ko para hindi ako mahalata.
"He was in a hurry earlier, he said he's needed in the hospital." sagot ni Trem
"That man, he doesn't know what rest is. He's always busy trying to kill himself." ani Ythan
Bigla akong nasamid nang biglang may itinanong si Trem.
"Where did he sleep last night? We all slept in the sala and he was missing."
Walang sumagot sa tanong ni Trem kaya kinabahan ako.
"Yannie where were you last night?"
Mas dumoble ang nararamdaman kong kaba dahil sa punyemas na tanong ni Yelle. Nararamdaman ko na ang pawis ko na unti unting naglalabasan kahit na hindi naman mainit.
I cleared my throat at handa na sanang sumagot nang inunahan ako ni Raisse.
"She was busy fantasizing her husbands, she stayed in her room all night and didn't even bother calling us."
Nakahinga ako ng maluwag at itinuloy nalang ang pagkain ko. Wala ng salita ang lumabas sa mga bibig namin hanggang sa matapos kaming kumain. Ythan's friends volunteered to wash the dishes so I let them. Hindi ko rin naman ang mga ito mapipigilan dahil ang dami nilang baon na sagot.
Umuwi na rin sina Yelle, Dana, at Raisse dahil may mga trabaho ang mga ito. Lunes ngayon at kailangang hindi sila late. Nagtungo ako sa kwarto ko dahil mag-aayos na ako dahil may imemeet ako mamaya. I am planning to build a café pero hindi pa ito alam nila Ythan, Mom, and Dad. Saka ko na sasabihin kung okay na lahat.
Hindi nagtagal at bumaba na ako. Natawa ako dahil nakita kong parang mga batang naghahabulan sina Cyph at Trem. May dala dalang malaking bula si Trem at pilit nitong linalagyan si Cyph. Basa na ang mga damit ng mga ito pero mukhang hindi nila iyon alam.
Nagpunta ako sa sala dahil akala ko nandoon si Ythan pero sina Stone, Sand, Tom, at Mike ang nakita ko. Nakapalibot ang mga ito sa coffee table at may sandamakmak na mga candies na nakapatong sa ibabaw roon.
"Hey you idiot, put those back! Wait for my signal!" malakas na sigaw ni Stone kay Tom dahil kumuha ito ng mga candies, natawa ako sa mga inasta nila parang hindi mayayaman.
Sunod kong pinuntahan ang kusina, at hindi ko alam kung matatawa ba ako o maaawa dahil nag-iisang naghuhugas ng mga pinagkainan si Tea. Naiiling ko ang ulo ko dahil ang bait naman nito, ang ibang mga kaibigan nito ay kung ano anong kagagohan ang mga pinag gagagawa ngunit nandito ito at tahimik na nanghuhugas.
Mukhang ito lang ang matino kong makakausap sa magkakaibigan kaya sa kanya nalang ako magtatanong kung nasan si Ythan.
"Ahm Tea? Do you know where Ythan is?"
Akala ko ay titigil ito at lilingon sakin ngunit sumagot ito ng hindi manlang ako tinitignan.
"He said he'll drive your friends."
"Oh okay thank you!" sagot ko at itinaas lang nito ang basa nitong kamay bilang sagot.
Lumabas na ako ng bahay at nakita ko nanaman sina Cyph at Trem pero hindi tulad kanina, ngayon ay hinahabol naman ni Cyph si Trem at nagbabasaan sila gamit ang tabo. Huminto naman sila nang makita nila ako. Binati nila ako hindi gaya kanina na dinaanan lang ako.
Nagpunta na ako sa garahe at sa BMW uli sana ako sasakay dahil comfortable ako doon ngunit wala ito. Saan naman 'yun napunta? Hinanap ko ang kotse ni Ythan dahil akala ko ginamit niya ang BMW ko at iniwan dito ang kotse niya ngunit wala akong nakita. Punyemas! May nagnakaw? Akala ko pera lang ang nakukuha ng mga akyat bahay, pati ba naman kotse? Kaya ba nilang kargahin 'yun?
Mamaya ko nalang aalalahanin ang BMW ko. Ang importante ngayon ay hindi ako malate sa imemeet ko. baka hindi pa matuloy ang plinaplano kong café. Kinuha ko sa bag ko ang carkeys ko at nagpunta ako sa Mazda kong sasakyan. Ito nalang muna ang gagamitin ko.
Pagkadating ko sa restaurant ay agad akong pumunta sa table namin. Nagpapasalamat ako dahil hindi ako late, actually 20 minutes early pa nga. Umupo na ako at nagscroll scroll na lang muna ako sa mga online shops para bumili ng mga gamit.
Tumigil lang ako nang may maglapag ng mga gamit sa harapan ko. Bigla akong napatayo at ngumiti ako sa babae. Ngumiti rin naman ito agad pabalik at inilahad sa harapan ko ang kamay niya.
"Sorry I'm late. I'm Chae Evans."
Pasimple kong tinignan ang oras sa phone ko ngunit hindi naman siya late. Mukhang sira ata ang orasan nito.
"You're not late. I'm Yanna Fox." pagpapakilala ko
Umupo na kami at nagsimula na siyang maglatag ng mga plano para sa café ko. Chae is an architect and her friend is a lawyer na siyang bahala sa pagaasikaso sa mga dokumento para sa café. Agad kaming natapos sa dapat na talakayin at kumain na muna kami na agad din namang natapos. Nagpaalam na kami sa isa't isa at magkikita uli kami sa Wednesday.
I sent a message sa groupchat naming magkakaibigan asking them kung sinong gustong sumasama sakin ngayong araw pero wala akong natanggap na reply kaya napagdesisyonan ko nalang na magpunta sa malapit na mall. Naglakad nalang ako at hindi ginamit ang sasakyan ko dahil malapit lang naman.
I started counting my steps but I stopped when I saw BMW. Bigla kong naalala ang BMW baby ko kaya nalungkot ako but when I looked down nakita ko na kaparehas ng plate number ng sasakyan na iyon ang sa akin. Punyemas! Hindi kaya? Oh God! Sasakyan ko ‘yun!
Sinimulan kong lakihan ang mga hakbang ko, hahabulin ko ang sasakyan ko kahit na anong mangyari. May nababangga na ako pero agad din naman akong nagsosorry.
Nakakapagod oo pero ininda ko 'yun mahabol lang ang baby kong BMW. Buti nalang at sa mall ito nagpark na dapat pupuntahan ko. Pagkarating ko sa parking area ay sakto namang lumabas ng sasakyan ko ang taong nagnakaw.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Nathan. Yes! Nathan the great Montero. What the fudge?
YOU ARE READING
TDATBS 1: I'M UNDER (NATHAN KIEL MONTERO)
Ficción GeneralNathan Kiel Montero lived a simple and content life, surrounded by his beloved grandparents and a strong sense of purpose. He was determined to make a difference in the world by helping those in need and pouring his heart and soul into his work. But...