Nakakaramdam na ako ng kaba. Ang daan kasi na tinatahak namin ay parang sa Jumanji, gubat. Nasa gubat kami!
“Nathan, sure kang tama ‘tong dinadaanan natin? I mean look around, nasa gubat tayo Nathan. Nasa gubat tayo at isa pa gabi na! Nanood ka na ba ng Wrong Turn o di kaya naman ng A Lonely Place to Die? Ang daming namatay na characters doon dahil sa gubat nila piniling mag-adventure!” natatakot na tanong ko sa kasama ko
Tumawa si Nathan. “Yanna hindi naman adventure ang tawag sa ginagawa natin ngayon. Relax, okay? Hindi naman kita dadalhin dito kung alam kong mapapahamak ka.”
“Hindi mo ako maintindihan eh. Tignan mo, parang nadaanan na natin ‘tong lugar na ‘to kanina. Nathaaan! Naengkanto ata tayo! Baligtarin kaya natin ‘yung suot natin?”
Bigla niyang itinigil ang sasakyan at lalo akong kinabahan. Ang dilim-dilim kasi at tanging ang ilaw lang ng sasakyan ko ang makikita. Pinagpapalo ko sa braso si Nathan.
“Hey! Hey! Masakit! Stop! Yanna! Wala ka talagang ibang alam gawin ‘no?”
Itinigil ko ang pagpalo sa kaniya. “What are you talking about? You’re gonna say I’m stupid again, huh?”
Sinamaan niya ako ng tingin pagkatapos ay hinawakan ang puso niya at umaktong parang nasasaktan. “Ang gusto kong sabihin sa’yo ay wala ka talagang ibang kayang gawin kundi ang saktan ako ng paulit-ulit.”
Sinamaan ko rin siya ng tingin. “The hell? Get out of my car right now! Naiirita ako sayo! Babalik na ako.”
Agad namang inistart ni Nathan ang kotse at nagpatuloy kami sa pagtahak sa malagubat na daan. Ipinikit ko nalang ang mga mata ko para hindi ko maramdamang napapaligiran kami ng mga puno at kung ano-ano pang higanteng mga halaman.
Hindi nagtagal ay narinig ko ulit ang boses ni Nathan.
“Yanna, open your eyes. Faster!”
Iniiling ko ang ulo ko “Nah-ah.”
“I only have a 3-hour-break so please open your eyes. Look, this place is so good and I want you see it.”
“Still a no.” pagmamatigas ko.
Bigla akong nakarinig ng ingay na nagmumula sa labas. Did he open the window? Fuck this guy! Ano bang nangyayari sa labas? Bakit maingay? May mga mamamatay tao ba?
“Open your eyes.” Seryosong ani Nathan.
No no! magkakamatayan muna kami bago ko ibukas ‘tong mga mata ko. “Close the fucking window Nathan! Do you want us to die?”
“I said, open your eyes. Ibubukas mo ‘yang mga mata mo o gusto mong may gawin ako sayo na siguradong hindi mo magugustuhan?” seryosong tanong niya.
Ha! Gaya nga ng sinabi ko. Magkakamatayan muna kami! “Fuck you!” I said
Narinig kong tinanggal ni Nathan ang seatbelt niya. Wait wait! Hindi niya naman ako iiwan, right? Fuck this guy!
“Open your eyes. One… two… three… fuck! You’re so hardheaded. Kung may pagkakapareho kayo ni Ythan ng ugali, iyon ‘yung pagiging matigas ang ulo.”
Napagdesisyonan ko na sanang ibukas ang mga mata ko and to my surprise, kasabay ng pagbukas ng aking mga mata ang paglapat ng labi ni Nathan sa… sa… sa… sa lab-b-i ko!
It was just a peck kaya hindi iyon nagtagal. Tinignan ko siya ng masama. “THE FUCCCK!” malakas na sigaw ko. It was my fucking first kiss! Tanginang lalaking ‘to! Wahhhhh! Gusto kong maiyak. Napunta ang first kiss ko sa isang gagong… gagong lalaki! Hindi ko ‘to kailanman matatanggap!
YOU ARE READING
TDATBS 1: I'M UNDER (NATHAN KIEL MONTERO)
Ficción GeneralNathan Kiel Montero lived a simple and content life, surrounded by his beloved grandparents and a strong sense of purpose. He was determined to make a difference in the world by helping those in need and pouring his heart and soul into his work. But...