Blankong mukha ang meron ako habang nanonood ng telebisyon. Nakakailang subo na rin ako ng ice cream na kanina ko pa rin kinakain, himala nga at hindi pa ito ubos. Nasa bahay lang ako at hindi ko alam kung anong gagawin ko. Wala rin naman akong taong madidisturbo ngayon dahil sina Chae and Xylon, they’re both busy sa café. Si Ythan naman ay ilang araw ko na ring hindi nakikita, ayoko namang basta-basta nalang na puntahan siya sa kompanya nito dahil baka makagulo lang ako at baka makita ko rin doon ang mga magulang ko.
Humiga ako sa sofa at tumingala. Ang boring ng buhay ko!
Hindi ko namalayang may naglalagan palang mga luha mula sa mga mata ko. May tama na ata ako sa ulo. Inuntog untog ko ang sarili sa sofa hanggang sa may narinig akong doorbell. Sa wakas! May magliligtas na rin sa walang kakulay-kulay kong buhay.
Kumaripas ako nang takbo palabas ng bahay at agad binuksan ang gate. Bumungad sa’kin ang nakangiting mukha ni Ythan at ang salubong ang kilay na si Chae.
Nagsalubong rin bigla ang kilay ko at feeling ko may malaking question mark ngayon sa ulo ko. Magkakilala ba ‘tong dalawang ‘to?
“Are you… ahm? Are you two… dating?” kinakabang tanong ko. Ipinapanalangin ko na sagutin ako ng ‘hindi’ ni Chae. Ayokong makatuluyan ‘to ni Ythan. Sobrang mabuting tao si Chae at mapupunta lang siya kay Ythan? Hindi ako makakapayag!
Biglang tumawa nang malakas si Ythan. Okay lang sana na tumawa siya pero parang sumakit bigla ang tenga ko nang marinig na sa tawa niyang iyon ay parang may pandidiring kasama.
“Nagkataon lang na sabay kaming dumating rito kaya I’m with her. Kung ano-ano nalang ang mga pumapasok diyan sa utak mo at Yannie my dear sister, ayoko sa mga Architects.” Sabi ni Ythan at pumasok na nang tuluyan sa bahay.
Naguguluhan kong sinundan ng tingin si Ythan. Anong meron ‘dun? Parang tanga.
Binalingan ko naman ng tingin si Chae at kagaya kanina magkasalubong lang ang mga kilay nito.
“Pasok, Chae.” Nakangiting ani ko
Iniiling nito ang ulo. “No no, dumaan lang ako para sana makapagpahinga ng unti ‘tong ulo ko pero parang mas lalala kapag pumasok ako sa bahay mo.”
“Ha? Bakit naman?”
“Kung ayaw niya sa mga Architect, mas ayaw ko sa gaya niyang CEO! Ang papanget kaya ng mga CEO!”
Si Ythan ba ang pinaparinggan nito? Kung si Ythan ay aba napakagaling niya! May tama si Chae!
“Tama yan. I strongly agree! Ang panget niya ‘no? Hindi ko alam pero sa lahat ng CEO na nakita ko na in person si Ythan ang masasabi kong panget sa kanilang lahat.” Natatawang sagot ko kay Chae
“Biglang tumaas ang temperature ng ulo ko!”
“May ice cream ako sa loob. Pasok ka na muna. Hindi naman siguro magtatagal si Ythan. Busy siyang tao eh. Sa sobrang busy niya may oras siya para sa mga walang kwentang bagay.” Ani ko
Pagkapasok ay agad naming nakita si Ythan na prenteng nakaupo sa pang-isahang sofa. Umupo ako sa katabi nito habang si Chae naman ay sa mahabang sofa naman umupo.
Binalingan ko ng tingin si Ythan. “Anong ginagawa mo rito?”
“Visiting you?”
“Wala kang kwentang kausap.” Ani ko at kinuha ang kaninang ice cream na kinakain. Binigyan ko si Chae ng isa at nakita iyon ni Ythan kaya nagkasalubong ang mga kilay nito.
“Paano ako? Hindi mo ‘ko bibigyan?” nagpapaawang tanong ng loko
“May paa ka diba? Punta ka sa kusina, kuha ka ng sa’yo.”
YOU ARE READING
TDATBS 1: I'M UNDER (NATHAN KIEL MONTERO)
General FictionNathan Kiel Montero lived a simple and content life, surrounded by his beloved grandparents and a strong sense of purpose. He was determined to make a difference in the world by helping those in need and pouring his heart and soul into his work. But...