"What?" kita sa mukha ni Nathan na pilit nitong pinipigil ang pagtawa, hindi katulad ko na parang batang api na nasa gilid lang at hindi malaman kung ano ang dapat maramdaman.
Nakayuko lang si Kate at rinig na rinig naming lahat ang mahihinang hikbi niya. Nakatingin lang ako sa kaniya at pilit kong isinisubo sa utak ang narinig. Bakit... Bakit hindi niya sinabi sa'kin noon ang tungkol sa bagay na 'to? Wala ba siyang tiwala sa'kin? Kaya ba nagawa ako nilang iwan noon?
"You don't believe her, do you?" Napatingin ako sa Mom ni Nathan nang magsalita ito. Wala pa ring emosyon ang mukha nito.
"Why should I believe her? Why should I believe you? You want me to settle down, I get that, but don't force me to settle with a pregnant woman that I never meet!" Tumawa na ngayon si Nathan pero ang mga mata nito ay kabaligtaran ang ipinapakita, I saw how he clenched his fist.
"Don't yell at me, Nathan! I am not forcing you! I am here to explain that you have done something wrong, and you need to correct it! You have to accept your responsibility!"
Ipinikit saglit ni Nathan ang mga mata bago itinango tango ang ulo, binasa rin nito ang labi bago sumagot sa ina. "What are you doing to me? I am clean, I mean don't misunderstood me, but... but I don't remember fucking that woman!"
"Nathan!" biglang saway ko sa kaniya. Okay lang sana na magsalita siya against sa ipinaparatang sa kaniya pero gumagamit siya ng masasakit sa tengang term para idescribe si Kate.
Lumingon siya sa'kin at nakita ko sa mata niya ang lungkot. Unti-unti siyang ngumiti. "Yanna... Alam mong hindi ko kayang gawin ang isang bagay na hindi ko gusto. I am fucking courting you! Hindi ko 'yon gagawin knowing na may ginalaw na akong babae! Para ano? Para saktan ka lang sa huli?" naglaglagan na ang ilang luha nito sa mga mata kaya umiwas ako ng tingin. Hindi ko kayang makita siyang umiiyak.
May namuo na ring luha sa loob ng mata ko. Hindi ko alam ang sasabihin. Nakatingin lang ako sa kaniya at pilit binabasa ang mukha kung nagsasabi ba siya ng totoo.
Tumayo na mula sa pagkakaupo ang Mom ni Nathan at inalalayan niya si Kate patayo. Wala pa ring kahit ni isang emosyon na makikita sa mukha niya.
"Right now, we are taking care of your wedding." dire-diretso niyang sabi at hinigit na si Kate papunta sa direksyon ko, para lumabas.
"Wait! Mom! Mom!" sigaw ni Nathan
Pagkatingin ko sa gawi ni Kate ay nahuli ko siyang nakatingin sa'kin. Nakita ko ang mga mata niya na parang humihingi sa akin ng tulong. Tulong?
"What are you trying to say?" I mouthed, nakita kong iniiling niya ang ulo sa akin. Hindi ko siya maintindihan! Ano bang nais niyang iparating?
Hanggang sa makaalis sila ay na kay Kate lang ang paningin ko. Bakit hindi ko makuha ang nais sabihin ng mga mata niya? Takot na ba ang utak ko para mag-isip sa kung ano anong bagay? Masyado na ba akong... pagod?
Ibinaling ko kay Nathan ang paningin, nakaupo na siya sa sofa at pilit sinasabunutan ang sariling buhok. Lumapit ako sa kaniya kaya nag-angat siya ng tingin sa'kin, gaya kanina naroon pa'rin ang lungkot pero nakikita ko rin ang takot sa mga mata niya. Takot saan?
"Nathan..." tawag ko sa kaniya. Unti-unting naglalagan ang mga luha niya kaya napaiwas nanaman ako ng tingin. Ayoko ngang nakikita na umiiyak siya! Tangina namang lalaking 'to! Parang tanga!
Hinawakan niya ang dalawa kong kamay at hinalikan iyon, naramdaman ko ang pagdaloy ng ilan niyang luha sa mga kamay ko, pagkatapos ay dahan-dahan siya na lumuhod sa harapan ko.
YOU ARE READING
TDATBS 1: I'M UNDER (NATHAN KIEL MONTERO)
Ficción GeneralNathan Kiel Montero lived a simple and content life, surrounded by his beloved grandparents and a strong sense of purpose. He was determined to make a difference in the world by helping those in need and pouring his heart and soul into his work. But...