CHAPTER 29

2.7K 77 37
                                    

I messaged Ythan para hindi siya mag-alala sa akin. Sinabi kong hindi ako uuwi sa hotel dahil gusto kong mapag-isa muna, naiintindihan niya naman daw ako kaya hindi na siya nagtanong pa ng ibang bagay, basta raw kapag may kailangan ako tawagan ko lang siya, a perfect brother, indeed.


Tinanggal ko ang suot sa paa para mas maramdaman ang mga pinong buhangin na kumikiliti rito.


Nagsimula na akong maglakad, plano kong marating ang dulo ng mga buhangin kun mayroon man. Madilim na ang langit at tanging mga bituin na lamang ang makikita. Perpektong oras at panahon para mag muni-muni.


Hindi ko namalayan kung paano ako dinalaw ng antok at pagod kagabi basta pagkagising ko umaga na at malaya akong nakayakap sa buhangin, basa na rin ang suot kong damit dahil naabot ako ng alon.


Inayos ko nalang ang sarili at nagpasyang bumalik na sa pwestong una kong inupuan kagabi. Nang makarating ay agad akong umupo. Pinagmasdan ko ang malawak na karagatan kasama ang nagsasayawang mga alon nito, dahilan ng unang pag ngiti ko ngayong araw. A beautiful art to start my day.


Hihintayin ko munang magpakita ang dakilang araw bago ako bumalik sa hotel.


Nakatitig lang ako sa harapan nang may naramdaman akong umupo sa tabi ko.


“Waiting for the sunrise, are we?"


Tumawa ako. “Obviously."


Dumaan muna ang isang mahabang katahimikan bago ko uli marinig ang boses ng nasa tabi ko.


“Are we good?"


Tumingin ako sa kaniya, at nakita ko kung gaano kalungkot ang mukha niya. Diretso lang siyang nakatingin sa harapan na para bang pinag-aaralan ang dance choreography ng mga alon.


“As long as you're not hurting anyone, then we're good." I honestly answered him. Ibinalik ko na ulit ang tingin sa harapan.


“I'm hurting... people right now. Kahit hindi ko naman talaga ginusto o plinano. Life's way of saying how lucky I am to be in this unfair world."


I sighed. Parehas pala kami ng pagtingin sa mundo, na ang unfair nito. Ang unfair nito sa lahat ng creatures na nakatira sa kaniya. “Life is too cruel."


“Fact." Siya naman ngayon ang nagpakawala ng isang buntong hininga, unlike mine, his was a deep and long one. “Hindi ka naman disappointed sa akin, right? Y-yanna."


Narinig ko ang pagpiyok ng boses niya. Fudge.


He's crying right now. Ilang beses kong linunok ang sariling laway at kinurot ang sarili para pigilan sa pagtulo ang mga luhang nasa loob ngayon ng mga mata ko. Parang may kumikirot sa puso ko. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon.


“Love them both... genuinely, hindi dahil inutusan kitang mahalin sila." sagot ko sa kaniya.


“Then... I m-must let you g-go." mahinang sabi niya.


I smiled bitterly. “That's the rule of life, you must let things go, whether you like it or not."


Hindi siya sumagot sa sinabi ko. I closed my eyes at buong pusong hinayaan na yakapin ako ng malamig na hangin.


Iminulat ko lang ang mga ito nang hawakan niya ang dalawang kamay ko ar hinarap ako sa kaniya.


Basa at malungkot ang mga mata niya pero kasalungat ng iyon ang ipinapakita ng labi niya.


TDATBS 1: I'M UNDER (NATHAN KIEL MONTERO)Where stories live. Discover now