Sixteen

23 12 2
                                    

tw: suicidal ideation



"Hala! Si Ameya tatalon sa rooftop!"



May mga nagsitakbuhan sa labas ng faculty kung nasaan ako. Recess time ng mga bata ngayon.



I paused.



'Si Ameya tatalon sa rooftop!'



My eyes widened. I ran out the faculty at nakisiksik sa dagat ng tao. Habol-habol ko ang aking hininga nang makaakyat sa rooftop.



The principal tries to stop her but she won't listen!



Ameya is a quiet type of student. Pansin ko na medyo distracted siya these past few days at bumababa ang performances.



I always checked on her if she's okay. Or what's going on. But, she always answered me with a small smile.



Lumapit ako sa kanya. I extend my arms, "Ameya, nak... Please go down," malumanay na pakiusap ko.



She shook her head at hinakbang patalikod ang isang paa. Sa likuran niya ay railings ng rooftop. Iyon ang nagsisilbing harang pero half lang ng body ang taas no'n kaya kapag mas lalo pa siyang aatras ay baka kung ano na ang mangyari.



"Lagi na lang silang mas magaling sa akin..." nanghihinang aniya. She started crying, "Ginagawa ko naman best ko! Pero bakit gano'n?!"



Lalapit sana ang principal pero pinigilan ko ito at dahan-dahang umiling. Kapag may lalapit sa kanya ay umaatras siya! Tinignan niya ako nang matagal bago huminga ng malalim at hinilot ang kanyang sentido.



I turneg my gaze again to Ameya. I stepped back and speak softly. "N-No, Ameya, magaling ka. You don't have to compare yourself to others. Please bumaba ka na..."



My eyes became wet. Hindi ko kakayanin ang mangyayari kung 'di pa siya bababa at patuloy lang sa pag-atras.



"Sinasabi niyo lang 'yan pero 'di naman totoo!" she shouted. Napapikit ako sa kanyang sigaw.



"Simpleng Math lang nga hindi ko magawa! Rank three! Rank three na lang ako palagi!" she looked at us with anger.



"Please dont..." it was almost a whisper.




"Lagi naman akong nagre-review pero wala man lang akong ma-perfect!" she shouted again. Ang kanyang buhok ay gulo-gulo na dahil sa hangin.



Her Mother suddenly came, "A-Anak, n-no..." humagulgol ang kanyang ina at akmang lalapit.



"'W-Wag kayong lalapit!" banta ng bata sa amin at tinuro ang kanyang Mama.



"A-Anak..." napaluhod ang kanyang ina.



I closed my eyes, "A-Ameya, r-remember when you comforted your classmate when she's sad?" I opened my eyes and saw her slowly nodded.



I slowly walked to her, "Mabait ka, Ameya. Hindi mo kailangang ikumpara ang sarili mo. You are more than what you think, anak. Please... Bumaba ka na..." she stared to it for a long time. "Please?"




A small smile appeared on her, "Mas magaling ba ako kaysa sa iba?" may mga luha pa rin na tumutulo sa kanyang mata.



I quickly nodded. My impulse must to validate her feelings. Ito na lang ang tangi kong naisip na paraan para 'wag na niyang ituloy ang binabalak.



He Got Deja VuWhere stories live. Discover now