Prologue (Revised)

81.2K 1.2K 297
                                    


Jessie POV




“Honey.."


Naalimpungatan ako sa tawag na yon. Tumayo ako sa kama at binuksan ang pintuan ng kwarto.

“Yes po, Ma?” tinatamad na sabi ko kay Mama habang nagkukusot pa ng mata.

“Honey, okay lang ba kung dito magsleep sa room mo ang Tita Eliz mo?” malambing na sabi ni Mama.

“Po??” gulat na sabi ko. Hay, ayoko kase sa bestfriend nya, eh. Nawala tuloy ang antok ko sa sinabi ni Mama.


“Please sweetie? Sabi kase sa news may bagyo tonight, ang lakas na rin ng ulan kaya hindi na muna namin sila pinauwi ng Dad mo,” pakiusap nya.

Hmm.. Pag-iisipan ko. Diba may guest room? Napatingin ako kay Mama sabay tingin sa guest room na katapat ng kwarto ko.

Umiiling-iling sya.

“Puno na yun guest room, honey. Apat na sila Tita Julie mo don,” sabi nito.


Hmm ganon pala. Nag-reunion kase sila ng mga friends nya.

“Rei, okay lang. Pwede naman ako sa sofa na lang matulog. Ngayong gabi lang naman, eh. It's fine,” sabay pilit na smile nya.

Nagpapaawa ba sya?


“Ma, okay na po, dito na lang po si Tita Eliz,” bigla ko nasabi dahil baka magtampo si Mama sakin.

Sobrang laki naman ng smile nung isa nang mapatingin ako sa direksyon nya. Tss, kundi lang dahil kay Mama hindi naman talaga ako payag.

Umalis na si Mama at naiwan na kaming dalawa ni Eliz dito sa kwarto.

Nahiga na ko ulit at di ko na pinansin yung kasama ko. Pumikit na ko at nagpadala sa antok ko.






Maya-maya pa ay naramdaman kong parang may malikot sa tabo ko kaya napamulat ako.

Nanlaki yung mata ko pagmulat ko nang makita si Eliz sa harap ng muka ko.

Syete!

Ang lapit ng muka nya kaya napaisod tuloy ako. Pero lumapit pa rin sya. Lapit pa rin ng lapit at lumapit ng lumapit hanggang,

“Ouch!” sabay himas ko sa likod ko dahil bumagsak nako sa sahig. Hays!


Nawala din agad sa isip ko yung sakit nang biglang dumagan sa ibabaw ko si Eliz.

Nilapit nya ulit ang muka nya sakin. Pero hindi na ko makaalis ngayon dahil nakadagan na sya sakin.

Lumakas ang tibok ng puso ko dahil sa ginagawa nya.

A-ano ba to??

Nararamdaman ko na din ang mainit at mabangong amoy ng paghinga nya.



Hmmmmm...


Nakaka-hypnotize.




Napatingin ako sa mga labi nya...


B-bakit ganito?


Parang tinatawag ako ng mga labing yon.

At palapit na nang palapit ang labi nya sa bawat segundo.


Pumikit ako at naramdaman kong nagkadikit na ang labi namin.

Hmmmmm..


Ang sweet ng lips nya at, ang lambot.


Iba yung feeling nito..


Di ko mapigilan ang sarili ko at gumanti rin ako sa halik nya.


Hinawakan ko ang pisngi nya na parang ayaw ko nang kumawala sa halik nya.


Pero kumalas sya sa halik namin at habol hininga kaming dalawa.

Nakangisi syang nakatitig sakin. Pero ako, nakatitig sa kanya, sa labi nya. At gustong magsalita nang, gusto ko pa.



“Sabi ko na nga ba, babae din ang type mo,” nakangising sabi nito habang nasa pareho pa din kaming posisyon.

“Huh?” takang tanong ko pagtapos nang nangyari, yan ang sasabihin nya?

“Alam ba ng Mom mo yan? Na ang unica ihja nya, babae din ang hanap?”

Ano bang pinagsasabi nya?

Naiinis ako at pilit kumakalas sa kanya pero ayaw nya umalis sa pagkakadagan sakin.

Isang mabilis na halik sa ilong naman ang ibinigay nya saken habang nakangisi pa din.

“Ano bang problema mo? Ano bang gusto mo?” inis na tanong ko.


“Tinikman ko lang yung lips mo. Kung ano kayang lasa? Kase, last time sa school, nakita ko kayo ng girlfriend mo, na nagki-kiss sa parking lot. Hindi kaya dapat, mas discreet? Mahirap na baka may makakita sa inyo? Gaya nang nakita ko,”

Kinabahan ako nang marinig ang bagay na yon. Natatakot ako.

“Bakit di mo na lang sabihin ang gusto mo?” naiiritang sabi ko na nakakulong pa din sa kanya.


“Maybe you can offer me something?”


“Alam mo, tigilan na natin ‘to. Tigilan mo na ‘to. Matutulog na ko,” saka ko sya tinulak para makaalis na ko sa kanya.

Pumanik ulit ako sa kama at nagtalukbong nang kumot.


“Okay. Siguro, sasabihin ko na lang sa Mom mo na nakita kita kissing someone? A girl, to be specific?” pananakot pa nya.

Napabalikwas ako sa higaan ng sabihin nya yon.

Lalabas na sana sya ng kwarto ng hilahin ko sya.




“Wait,” hinila ko sya sa braso para pigilan.

Ang lakas na ng kabog ng dibdib ko. Natatakot ako sa gagawin nya. Ayoko ma-disappoint sila Mama sakin.

Baka mabigla sila. At ayoko pa, ayoko pang malaman nila. Hindi pa ko handa.


“Wag please,” pakiusap ko sa kanya.

“Anong kapalit?” nakataas na kilay na sabi nya at nag-crossarm pa.

Hindi ako makasagot. Ayoko magpakababa sa kagaya nya.


“Oh, wala naman pala eh,” aalis na rin sana sya pero hinila ko ulit. Ang bilis na ng pintig ng puso ko.

“Okay, I’ll do anything,” nasabi ko na lang.

Wala naman kase akong magawa sa pananakot nya. Natatakot na ko.

“Anything? Everything?” paninigurado pa nya.

“Oo na. I-promise mo lang na hindi ka magsusumbong sa parents ko,” paninigurado ko din.

Promise,” sabi nito saka kumindat sakin. Tss.




Hindi ko alam kung anong gusto nya. Hindi ko alam kung bakit nya ginagawa ‘to.

Ugh!

Nakakainis!



***



Thank you for reading.

Mom's Bestfriend (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon