Eliz4 years later..
“Hi, Babe,”
Paglingon ko, nakita ko si Jam na nakangiti sakin kaya nagsmile din ako sa kanya.
“Kamusta babe? Kanina ka pa dito?” tanong nya sakin pag-upo sa tabi ko. Nandito kami ngayon sa bar ni Lauren nagkita dahil gusto ko sanang mag-unwind.
Medyo pagod din sa trabaho. Pag-uwi din kase sa bahay natutulog na rin ako agad sa pagod. Magkasama na kami ngayon sa bahay ni Jam para makatipid na rin ako. Malaki rin nabawas sa savings ko nang maging alcoholic ako.
Two years na din yong tinayo kong flower shop. Nagresign na kase ako sa pagtuturo dahil hindi ko na rin kinaya na nawala si Jessie non sakin. Pasalamat na rin ako sa mga tao sa paligid ko at hindi nila ko pinabayaan na tuluyang mawala sa sarili.
“Tigilan mo nga ko dyan Jam,” natatawang sabi ko sa kanya. Lagi na lang kaseng naka-babe. Mamaya nyan may maniwala sa kanya.
“Hindi ka na mabiro. Musta ka ba?” sabi nya saka sumenyas sa bartender na bigyan pa sya ng isang shot.
“Medyo pagod lang sa shop kanina,” humingi na rin ako ng isa pang shot sa bartender.
Inikot ni Jam ang swivel chair at parang may hinahanap sa loob ng bar. Palinga-linga sya at biglang tumigil nang parang nakita nya na ang hinahanap nya.
Inikot ko din ang upuan ko at tumingin ako sa direksyon ng tinitingnan nya. Nakita ko don ang busyng-busy na si Lauren. Hm? Parang may naaamoy ako.
“Tingin mo ba magkakagusto din sayo si Lauren kundi sya faithful sa boyfriend nya?” tanong ko sa kanya para masigurado ko kung ano yung napapansin ko ngayon. At mukang effective dahil nasamid syang bigla sa tanong ko.
“Saan mo naman nakuha yan?” takang tanong nya habang bumabawi sa pagkasamid nya.
Nagkibit-balikat lang ako at hinintay syang sagutin ang tanong ko. Halatang ayaw nyang sagutin. Sabi ko na nga may something eh.
“Tingin ko hindi. Hindi ang mga tipo ko ang magugustuhan nya, na easy go lucky,” seryosong sabi nya saka umikot ulit ng upuan at humingi pa ng isang shot.
“Tingin ko nga,” at sabay kaming tinungga ang mga baso namin.
“Wala ka bang balita sa kanya?” tanong nito sakin.
“Sinong kanya?”
“Naku.. arte parang hindi alam, eh lagi naman sya ang pinag-uusapan natin,”
“Oo na. Ganon pa rin. Rei keep sending pictures of her, with the girl,” malungkot na sabi ko sa kanya. We’re talking about Jessie, and that girl with her. Hindi ko kilala yung babae, pero mukang Filipina din naman.
“The same girl?” tanong nya sakin at tumango naman ako. “Until now pinapahirapan ka pa rin ng bestfriend mo,”
“Ewan ko ba, hindi ko na naman sya ginugulo. Mula nang takutin nya ko na kung susundan ko pa sila sa US, kalimutan ko na daw na magkaibigan kami. At ang pinakamasakit sa sinabi nya..” pause ko bago sana ulit magsalita pero sya na ang nagsalita.
“Na kung mahal ka talaga ni Jessie, hihintayin nya ang araw na magkita ulit kayo, no matter what,” pagdudugtong nya na sinundan ng mga tawa namin.
Nakakatawa lang dahil nasaulo nya na talaga yon. Pero masakit, sobrang sakit.. Kase akala ko mahihintay nya ang oras na yon, kaso hindi.
Tumungo ako at hindi na napigilan ang kanina pa nagbabadyang pumatak na luha ko. Yumugyugyog na rin ang mga balikat ko dahil sa paghikbi ko. Pinipigilan kong umiyak pero hindi ko kaya. Natatalo ng nararamdaman ko yung isip ko na nagsasabing tumigil ako sa pag-iyak.