“I like you..”
Hindi ako makapaniwala sa sinabing yun ni Eliz. Hindi ako nakareact agad dahil don. At bago pa gumana ang utak ko para maintindihan ang sinabi nya ay agad ko nang naramdaman ang malambot na labi nya sakin.
Malakas na kabog ng dibdib ko na lang ang naririnig ko ng mga oras na yun. Ang sakit nun sa pandinig at nakakabingi sa sobrang lakas.
Habang magkadikit ang mga labi namin ay nanlalaki ang matang nakatitig lang ako sa magandang muka nya. Nakapikit lang ang magagandang pares ng mata nya.
Naramdaman kong unti-unting dumidiin ang halik nya sakin. Napapikit ako dahil sa kiliting dala nun sakin. Nagrespond ako sa masarap na halik na yun. Para yung isang masarap na pagkain na isinusubo na sakin. At wala akong karapatan na tanggihan pa yun.
Namiss ko ang malalambot na labi nya. Naalala ko pa yung unang pagkakataong nahalikan nya ko. Ganito rin kalakas ang kabog ng dibdib ko nun. Nung halikan nya ko sa classroom ng ipinatawag nya ko. Pero iba yung ngayon dahil bukod sa masarap na halik nya ay sinabi nyang gusto nya ko.
Ang sarap ng lasa ng lips nya. Cherry yata yun flavor na gamit nya. Wala kasi akong alam sa mga cosmetics eh. At kung anu-anong klase meron nun. Basta alam ko ang sweet ng lips nya. Mangani-ngani ko na ngang kagatin sa panggigigil. Nagpigil lang ako.
“Eliz..” tawag ko sa kanya sa pagitan ng halik namin. Hindi ko na mapigilang mapamoan. Nagiinit na ko sa sensasyong hatid sakin ng halik namin.
Dahan-dahan kong iginalaw ang kamay ko at hinawakan sya sa waist nya. Hindi ko na kaya. Gusto ko syang mahawakan. Feeling ko sasabog na ko pag pinigilan ko pa ang sarili kong mahawakan sya.
Pinapadausdos ko ang kamay ko pataas sa katawan nya. Muntik ko na sanang mahawakan ang dibdib nya nang —
“Oops..” mabilis nyang nahawakan ang kamay ko. Kumalas na rin sya sa halik namin. Habol hininga kaming dalawa ng maghiwalay kami.
Nakangisi lang syang nakatingin sakin. Napahiya tuloy ako lalo. Naramdaman ko tuloy na nagiinit ang mga pisngi ko at namumula na ko. Ano ba kasing naisipan ko at tinangka kong hawakan yung ano nya? Hay.
Umiwas lang ako ng tingin. Pero mabilis nyang inagapan yun at kinabig ang muka ko paharap sa kanya. Hinawakan nya ko sa muka gamit ang dalawang palad nya. Magkaharap kami at nakatingin lang sa isat-isa. Mukang may gusto syang sabihin. Kinakabahan ako habang hinihintay ang sasabihin nya.
Ngumiti sya sa akin at..
“Kain na tayo?” malambing na tanong nya sakin.
Bago pa ko sumagot ay malakas na kumalam ang sikmura ko.
Kruuurkk...
Mabilis na napahawak ako sa tyan ko.
Hala ano yun?? Nakakainis naman!
Dahil dun ay malakas na tawa lang ang narinig ko mula kay Eliz. Ang lakas mang-asar huh? Eh sino bang dahilan kaya ako nagutom ng ganito?
“Tara nang kumain. Nagwawala na mga alaga mo, Hahàhaha!” hagalpak sya sa tawa.
Inirapan ko lang sya at saka nya ko hinila paalia don para kumain.
**
“Wag ka na ulit lalapit kay Jam. Mali talagang sya pa yun pinakausap ko sayo kanina” sabi ni Eliz habang naghihintay kami ng food na inorder namin. Nandito kami sa isang resto.
“Huh? Bakit naman?” bakit kaya? muka namang mabait si Jam.
“Basta” maikling sagot nya. Saglit natigil ang pag-uusap namin dahil dumatong na yung order namin.
“Muka naman mabait si Jam, at isa pa, grabe.. ang ganda nya no?” sabi ko habang iniimagine ulit ang itsura ni Jam na nakita ko kanina. Hindi ko pa halos masabi kung gano sya kaganda. Para kaseng kulang yun para idescribe sya.
Pagtingin ko kay Eliz, madilim ang itsura nya. Naniningkit ang mga mata nya at parang may hindi nagustuhan sa mga sinabi ko.
“So type mo sya? Ganon?” medyo inis na sabi nya.
Nagulat naman ako sa tanong nya. Bat nya naisip na type ko si Jam?
Uhm teka wait.. pagiisipan ko..
“Uhm..” tumingin ako sa kanya. Biglang kumaba ang dibdib ko ng makitang mahigpit syang nakahawak sa tinidor.
“Uhm h-hindi, syempre hindi” kinakabahang sagot ko.
“Good” sabi nya saka nagsoften ang facial expression nya.