Eliz
"Sorry Jessie.. sorry babe.."
Nasabi ko na lang sa sarili ko habang nakaupo dito sa loob ng kotse ko at pinapanood ang pag-iyak nya.
Hindi ko na kayang nakikita syang nasasaktan ng ganito, pero hindi ko sya pwedeng iwan. Kelangan ko syang bantayan hanggang sa makauwi sya ng safe.
Sa isang madilim na parte ng park ako nagparada ng kotse ko para hindi nya ko matanaw.
Mahal ko sya..
Mahal na mahal ko si Jessie..
Kung maiintindihan nyo lang sana kung bakit ko ginagawa to.
Di ko na kinayang pigilan pa ang mga luha ko habang nakikita ko kung gano kasakit ang nararamdaman nya sa mga oras na to. At ako, walang ginagawa kundi panoorin sya.
"I'm sorry babe.. I'm so sorry.." paulit-ulit kong turan sa sarili ko habang umiiyak at pinapalo ang manibela ko sa galit.
Kung sana lang naririnig nya ko. Kung sana lang alam nya rin kung anong nararamdaman ko. Masakit din to sakin. Sobrang sakit...
Nagulat ako nang may napansin akong isang babaeng lumapit kay Jessie.
At nakilala ko sya mula sa kinalalagyan ko.
Si Carol.
Nakaramdam ako ng matinding kirot sa puso ko. Selos, sa madaling salita.
Ako dapat ang umaalalay sa oras ng kalungkutan ni Jessie. Ako dapat ang nagpapatahan sa kanya. Ako dapat ang katabi nya.
Pero eto ako..
Eto ako.. na sya pang dahilan nang pag-iyak nya..
Hindi na ko kelangan dito kaya aalis na ko. Sana ingatan sya ni Carol at wag tumulad sa ginawa ko.
***
Jessie
"Jess, nandito na tayo.."
Nagising na lang ako sa tawag na yon mula sa mahimbing na pagkakatulog ko.
Napansin kong nandito na kami sa tapat ng bahay. Naalala ko yung nangyari kanina.
Dumating si Carol nung nasa park ako at umiiyak dahil sa pang-iiwan ni Eliz sakin. Sabi nya nagiikot lang daw sya sa lugar na yon dahil hindi sya makatulog.
Mabuti na nga lang at dumating sya dahil kung hindi, baka nandon pa rin ako sa lugar na yon at umiiyak.
Pinagaan nya ang pakiramdam ko. Minsan talaga may mga bagay na hindi mo kakayanin ng mag-isa ka lang. At kailangan mo ng kaibigang masasandalan.
First time kong maramdaman to.. Kaya ang hirap hirap.. Hindi ko alam kung pano makakamove on..
Maya-maya pa ay nagsimula na ulit pumatak ang luha ko. Naalala ko na naman yung mga binitawang salita ni Eliz kanina.
Hindi nya man lang ako natanong kung kamusta na ba ko.. Hindi nya man lang ako binigyan ng warning na sasaktan nya pala ko.. Bakit ganon sya kalupit sakin..
Nagsimula na naman akong humagulgol dito sa loob ng kotse.
"Jess, tahan na.. Magiging okay din ang lahat.."