Jessie
Nandito na ko sa bahay. Gusto pa kong ihatid ng Eliz na yun pero hindi ako pumayag.
Naiisip ko pa rin yung kiss nya. Nakakarami na sya sakin huh. Pero bat ganun, nagkikiss kami ni Aly pero wala naman sakin. Pag sya, parang may iba. Hindi ko maintindihan kung ano. Basta parang may kuryenteng dumadaloy sa katawan ko at nawiwindang yung sistema ko sa halik nya.
Hay ang dami-dami ko tuloy naiisip. Nagtataka rin ako kung totoo yung sinabi nyang 30 years old na sya. Eh feeling ko nga mas bata pa sya sakin dahil sa itsura nya.
Mag-8pm na rin pala, wala na naman akong oras para magbasa ng mga books na hiniram ko. Saka antok na rin ako. Makatulog na nga.
*****
Nandito na ko sa School at pababa na ng sasakyan. May nakita kong gray na CR-V na nagpark sa tabi ko.
Sasakyan ni Eliz yun. Nakita kong bumaba na sya at lumapit sya sakin. Tinaas nya yung dala nyang paper bag.
"Mag-breakfast muna tayo" nakangiting nyang sabi. Hindi ako sumagot. Ayoko isipin nyang okay na kami talaga.
"I remind you, sabi mo you'll do anything, right?" dagdag nya pa. Eto na naman po yung pananakot nya.
Pilit na tumango ako. Hindi ko alam kung anong gusto talaga ng babaeng to. Kelangan nya ba talaga ko takutin para lang sabayan sya mag-almusal?
Pumunta kami sa School cafeteria. Maaga pa kaya may oras pa naman ako.
*****
Araw-araw naging ganito na yung routine namin. Si Eliz na lage yung kasama ko bago pumasok sa klase, sa lunchbreak at bago ako umuwi.
Sunday ngayon at walang pasok. Mabuti naman dahil matatahimik ang mundo ko kahit isang araw lang.
Tok! Tok! Tok! Tok!
"Honey, gising na po kakain na tayo.." si Mama nasa labas ng pinto.
"Opo Ma, susunod na po ako." sigaw ko kay Mama. Ang sarap pa kasi mahiga eh. Malamig din kasi ang panahon ngayon.
Naginat-inat lang muna ko saka bumangon para mag-ayos. Bumaba na rin ako pagtapos ko.
Naabutan ko sina Mom at Dad na kumakain na. Nakita ako ni Mama kaya tumayo agad sya at inasikaso ang kakainin ko. Umupo na ko. Nagtimpla sya ng hot choco at naglagay ng sandwich sa harap ko na may palamang bacon at cheese. Yummy! Nanginginang ang mga mata ko, favorite ko kase to.
Pagtapos kumain umakyat na ko ulit. Nagbasa lang ako ng libro at gumawa ng mga homeworks ko. Bumaba lang ako kanina para mag-lunch tapos balik ulit ng kwarto.
Ring.. Ring.. Ring..
"Hello, Aly?" sabi ko pagsagot ng phone call.
"Bie, may gagawin ka ba today?" si aly sa kabilang linya.
"Wala naman, bakit?"
"Pwede ako pumunta dyan sa house nyo? Nami-miss na kase kita" nagtatampong sabi nya.
"Sure. Sige intayin na lang kita" saka ko pinatay yung phone.
Nanuod muna ko sa baba habang iniintay si Alyson. Dumating na rin agad sya after 5 minutes.
Pinapasok ko muna sya. May dala syang isang box ng pizza at in-can na soda.
"Bie nasan sila Tita Rei?" tanong nya sakin habang binubuksan nya yung box ng pizza.
"Nasa supermarket, sabi nya pupunta raw mamaya yung mga friends nya. Kaya ayun maghahanda sila ni Dad." sabi ko naman habang kumakain ng pizza.
Tumango-tango lang sya. May mga dala rin pala syang DVDs. Kaya ayun nagmovie marathon kami.
Magkatabi kami sa sofa. Nakasandal ang ulo nya sa balikat ko habang nakayakap sya sakin.
Sweet si Allyson, maganda at sexy pa. Maraming may gusto sa kanya sa School pa lang. Kaso, binabasted nya agad dahil sabi nya ako lang daw gusto nya.
Sabi ko naman i-try nya muna magpaligaw dahil baka nako-confuse lang sya. Pero nagkatampuhan pa kami dahil don. Bat ko daw kase pinipilit eh ayaw nya, kaya hinayaan ko na. Alam naman nyang kaibigan lang tingin ko sa kanya, maghihintay pa rin daw sya.
*****