ElizAng liit talaga ng mundo. Hay..sabi ko na nga ba sya yung anak ni Rei. Yung last name nya De Guzman, at may similarities din sila ni Rei. Sus. Sa dami ng matitipuhan ko anak pa nya. Kilala ako ni Rei, at hindi ako sigurado kung papayag ba sya sa gusto ko na makuha si Jessie. Pero tingin ko naman mapapapayag ko rin sya. Hindi rin naman ako papayag na may humadlang samin dalawa. Lalo pa ngayong mas lumalalim ang pagtingin ko sa kanya.
"Jessie.." tawag ko kay Jessie ng makitang parang nawawala sya sa sarili nya.
Nasa unahan ako nagdi-discuss ng mapansin kong parang hindi maganda ang pakiramdam nya. Hanggang sa nakita kong nawalan na sya ng malay. Agad akong tumakbo palapit sa kanya para saluhin sya pero nahuli na ko. Tumama sya sa sahig at nasugatan sa ulo kaya nagpanic ako.
Wala rin si Aly sa tabi nya dahil nagpaalam to na pupunta ng CR. Nakakainis rin ang classmates nyang lalaki na hindi man lang ako tulungan sa pag-akay sa kanya. Pinatawag ko na lang agad yung nurse sa clinic. Sa clinic ko na lang sana sya dadalhin pero nagpumilit si Rei na sa hospital dalhin si Jessie.
Umabsent na lang muna ko at binantayan si Jessie. Gusto ni Rei pumunta dito pero sabi ko ako na ang bahala sa anak nya. Lalo na gusto ko ako ang magbabantay kay Jessie.
Nakatayo lang ako dito sa may gilid ng kama nya. Pinapanood ko lang sya habang natutulog. Napakainosente ng itsura nya. Parang batang musmos na hindi kayang gumawa ng masama. Napapangiti ako sa naiisip ko. Ganto ba talaga kalakas ang appeal nya sakin?
Napansin kong parang nagigising na sya. Nakita nya na ko at bigla syang umupo. Ayun sumakit ang ulo. Pabigla-bigla kase. Tsk tsk.
Inexplain ko sa kanya yung nangyari. Nalungkot ako ng maalala ko na ako ang may kasalanan kung bakit sya nagkasakit. Dahil sa pangbabasa ko sa kanya sa bathroom.
"Nagugutom na ko.." pag-iiba nya sa usapan saka malakas na kumalam ang sikmura nya. Malakas akong tumawa ng marinig yun. Napansin kong nagblush sya at umiwas ng tingin. Ang cute talaga ni Jessie ko.
Pumunta na kami sa canteen para kumain.
"Eliz, di ba may clinic naman sa school?" tanong nya sakin habang kumakain kami.
"Pinangatawanan mo na talaga yang pagtawag mo ng 'Eliz' sakin, huh?" napapataas ang kilay ko sa batang to. Pano ba naging student of the year to, eh walang good manners.
"Hayaan mo na.." sabi nya saka sumubo ulit.
Napapailing na lang tuloy ako. Sabagay, ayoko rin namang tawagin nya kong Tita Eliz 'no. Pano na lang pag naging 'kami' na? Ang panget na endearment nun.
"Pero sa school hindi pwede yan, huh Jessie?" sabi ko at umayon naman sya. Inexplain ko naman sa kanya yun kung bakit dinala ko sya dito sa hospital.
Nagsmile sya sakin pagtapos marinig ang mga sinabi ko. Hindi ko maiwasang di tumitig sa maganda nyang muka. Ayoko ring sayangin ang pagkakataon na to na makita kung gaano kaganda ang mga mata nya habang nakatitig sakin. Pakiramdam ko kami lang dalawa ang nandito. At kung may tao mang mang-aabala sa malagkit naming titigan ay di ko mapapatawad.
"Hi ma'am, baka po gusto nyo itry yung home made candies namin?" narinig kong sabi ng nang-istorbo samin. Agad ko syang binigyan ng masamang tingin. Nakakaasar kase! Tama bang istorbohin kami!?
Umalis din sya agad ng makita ang reaksyon ko sa pang-aabala nya. Muntikan pa syang madapa dahil sa pagmamadali. Hm! Panget na tuloy ang mood ko.
Bumalik na kami sa room nya pagtapos kumain. Tumabi ako sa kanya pagtapos ko buksan yung TV. Parang hindi sya mapakali. Ang likot nya. Pinaglalaruan nya pa pati yung nakakabit sa kamay nya. Hay parang bata. Natigil naman din sya ng sinaway ko na.