Chapter 49

13.2K 402 53
                                    


Jessie

Twenty-three years of hiding.

Ang haba na din pala ng panahon na itinatago ko kung ano talaga ko. Buong buhay ko. Pero bakit ba? Para saan? Bakit nga ba?

Kase dahil.. takot ako, duwag, at ayokong mapagsalitaan ng masama ng mga tao sa paligid ko. Ayokong mahusgahan nila.

Alam naman nating lahat na anuman ang batas na pangkarapatan na gawin para sa mga kagaya ko, marami pa rin ang tutol dito.

Takot akong maging mali sa paningin ng parents ko. Takot ako na baka pag nalaman nila, itakwil nila ko at ikahiya.

I always want them to be proud of me. And I want to be that someone to be proud of.

But all this time, I was hiding for nothing. Akala ko ako ang may itinatago. Yun pala, sila na ang may itinatago sakin.

I’ve just found out na matagal nang alam ni Mama ang tungkol sakin. Ang tungkol samin ni Eliz. At itinago nila yon sakin.

I'm feeling betrayed.

Hindi ko alam kung dapat ko bang maramdaman to pagtapos kong malaman yon.

Ako tong kulang na lang pumasok sa loob ng closet sa pagtatago ko. Dahil ayokong ma-disappoint sila sakin, tapos malalaman ko na alam na pala nila.

“Tama ng emote. We’re here to celebrate para sa pagbabalik mo, right?” pagputol ni Trish sa pagkatulala ko.

Nag-nod lang ako bilang tugon.

Nandito ako sa bahay nila Trish kasama ang mga kaibigan namin. Ngayon pa lang ako nakabisita dahil marami pa kong when I came back from states.

“Girls, nandito na rin sila Carol at Jermy,” masayang sabi ni Rina.

I’ve heard na Carol and Jermy end up together pagtapos umamin ni Carol sa kanya dati. Hindi naman daw agad, pero don din napunta nang maging magkaibigan na sila.

We hugged each other nang makita nila agad ako. Kinamusta nila ko at ganon din ako sa kanila.

Nag-set na ng music si Mich para mas sumaya ang celebration daw namin sa pagbabalik ko. Parang totoong welcome party.

Nag-umpisa na ang party at nagsimula na rin kaming uminom. Kwentuhan at kamustahan habang umiinom.

Napapangiti at napapasaya nila ko. Tama ang desisyon kong dito pumunta. Nang sabihin ko sa kanila ang problema ko, agad nilang pinatay ang cellphone ko dahil wala daw kaming ibang gagawin kundi magsaya. Hindi din nila sinabi kay Mama na nandito ako ngayon.

“Hey Girls, may isa pa tayong surprise guest. Guess who?” excited na sabi ni Rina sa lahat.

Napapangiti ako sa kanila, they’re having so much fun, at ganon din ako. Pero hindi pa rin mawala ang mga gumugulo sa isip ko.

Hindi ko alam kung paano haharapin si Mama ngayong alam ko na, na alam nya kung anong tunay na ako. Halong emosyon ang nararamdaman ko.

“Hi,” natigil ako sa pag-iisip nang marinig ang isang pamilyar na boses.

Umangat ako ng tingin at nagtama ang mga mata namin. May iba akong naramdaman ng makita ko sya. Hindi ko na napigil ang ngiting bigla na lang lumitaw sa mga labi ko.

“Jessie..” kasabay nito nakita ko ang labi nyang binanggit ang pangalan ko. Ngumiti sya, pero halata sa mga mata nya na may lungkot na natatago dito. Siguro dahil iniisip nya ang mga nangyari saming dalawa.

“Ally..” bulalas ko. Tumayo ako agad para lapitan at yakapin sya. I missed her. Ni hindi ko man lang sya nakita bago ako umalis ng bansa. Okay na kami non, pero alam ko na masakit pa rin sa kanya yung mga nangyari. At sana ngayon, okay na sya. Dahil gusto kong maging magkaibigan ulit kami gaya ng dati.

Mom's Bestfriend (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon