Chapter 50

24.8K 577 259
                                    


Jessie

“Jessie..”

Agad akong niyakap ni Mama ng makita nya ko at kasunod nya si Daddy na lumapit sakin. Umiiyak sya kay Daddy nang makita ko sya pagdating ko dito sa bahay.

Hindi na bumaba si Eliz sa sasakyan at totoong hinatid nya lang ako. Hindi na sya nag-abalang pumasok pa ng bahay at nagpakita kay Mama. Pero may sinabi sya bago ako bumaba ng sasakyan.

“Mahal na mahal ka ng Mama mo, takot lang siguro syang mawala ka sa kanya pag may minahal ka na. Natakot syang may maging kaagaw sayo. Alam kong mali ang ginawa nya, pero sana intindihin mo sya. Mas magkakaintindihan kayo kung mag-uusap kayo, kaya dinala kita dito,”

Hindi ako umimik non at bumaba lang nang sasakyan dahil hindi ko din alam kung anong sasabihin ko. Niloko din sya ni Mama kagaya ko. Dalawa kaming mahahalagang tao kay Mama, pero nagawa nya kaming lokohin. Pero ito si Eliz at nagagawa nyang intindihin si Mama. Kaya siguro ako napamahal sa kanya, dahil iba sya.

“I’m so sorry, sweetie. Please, wag mo nang gagawin ang pag-alis ng walang paalam,” umiiyak na sabi ni Mama habang hawak ang magkabilang pisngi ko.

Tumingin ako kay Daddy na parang nagso-sorry dahil nadadamay sya sa hindi namin pagkakaintindihan ni Mama. Tumango naman sya sakin  at buong puso na ngumiti.

“Tingin ko, kelangan ko muna kayong iwan ng Mom mo,” nakangiting sabi ni Daddy saka sya tumapik sa balikat ko at tuluyan na kaming iniwan ni Mama.

Hawak ni Mama ang mga kamay ko habang papunta sa sala at don kami umupo para mag-usap.

Hindi ako umiimik kanina pa, kaya alam ko na alam na ni Mama kung anong ginawa nya at kung bakit ako nagkakaganito.

“Alam kong galit ka sakin dahil sa ginawa ko, I’m so sorry. I’m really really sorry. Nagawa ko yon dahil natakot ako. Natakot ako na maagaw ka sakin, na maagaw ka ni Eliz.. Alam kong mali, sa umpisa pa lang, pero ginawa ko pa rin. But believe me, nagsisisi na ko sa lahat ng ginawa ko, pinagsisihan ko yon. Lalo na nang maisipan mong hindi umuwi at magparamdam. Ayoko na ulit mangyari yon,” umiiyak na sabi nito.

Hindi ko na rin napigilan ang pagtulo ng luha ko. Kagaya nga ng sinabi ni Eliz, natakot si Mama na magkaroon sya ng kaagaw sakin. Pero hindi naman mangyayari yon. Iba ang pagmamahal ko para kay Mama at kay Eliz.

Kung sana lang naging tapat kaming lahat sa isa’t-isa, hindi sana umabot sa ganito ang lahat.

Naiintindihan ko man kung anong dahilan nya sa mga ginawa nya, nasasaktan pa rin ako sa tuwing maiisip ko ang ginawa nya. At alam kong hindi ganon kadali kalimutan ang lahat.

“Sorry din, Ma, naiintindihan kita, pero masakit, masakit ang ginawa mo, ang panloloko mo sakin. Hindi mo kelangan gumawa ng istorya para lang ilayo ako kay Eliz. Niloko mo ko..” saka ako kumalas sa kanya at tumakbo papanik sa kwarto ko.

Sinara ko ang pinto ng kwarto at hinayaan ang sarili ko na bumagsak sa sahig at iiyak lahat ng nararamdaman ko.

***

Kinuha ko ang sasakyan ko kila Trish at mag-isa akong pumunta sa isang bar. Gusto ko munang mapag-isa.

Uminom ako nang uminom hanggang malimutan ang mga problema. Pero naalala ko pa rin ang lahat na parang talo pa ang tama sakin ng mga ininom ko.

Itinigil ko na ang pag-inom hanggang kaya ko pa mag-drive. Ayoko namang madagdagan pa ang problema kung maaksidente pa ko.

Nag-drive ako nang nag-drive nang di ko na alam kung saan ako papunta. Hanggang sa matanaw ko ang isang pamilyar na lugar. Dito yata talaga ako dinala nang lumilipad na isip ko.

Mom's Bestfriend (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon