Chapter 27

19.3K 478 23
                                    


Jessie

Naghihintay lang kami dito sa labas ng room habang kinakausap ni Miss Eliz sila Aly at Diego.

Narinig kong pumihit ang doorknob ng  classroom kaya mabilis akong napalingon dito. Nakita ko si Diego na lumabas don pero hindi nya kasunod si Aly.

“Anong nangyari?” tanong ni Rina kay Diego.

“Suspended ba kayo?” si Mich naman.

Pero dumaan lang sya sa harapan namin at hindi man lang sumagot.

“Anong problema nya?? Para tinatanong lang! hays!” inis na sabi ni Trish.

Ano pa kayang pinag-uusapan nila sa loob? Posible kayang si Aly yung may kasalanan? Sa tagal ko syang nakasama hindi ko pa nakitang gumawa sya ng ganon. Pero pano napunta sa kanya yung papel na yun?

“Bie, tara na” narinig ko na si Aly. Nandito na sya. Hinawakan nya ang kamay ko at hinila ako paalis.

Nagulat ako sa ginawa nya at ganun din sila Rina. Pero wala na kong nagawa dahil hila-hila nya ko. Tuloy-tuloy lang kami sa paglakad at hindi ko na namalayang nasa basement na kami.

Binuksan nya yung pintuan ng sasakyan nya at sumakay kaming dalawa.

“Ano bang nangyari?” concern na tanong ko sa kanya. Halata kase ang pagkainis sa itsura nya.

“Hindi ako pinaniwalaan ng Eliz na yun! Nagexplain ako pero hindi naman sya nakinig sakin! Kelangan pa daw ulit namin pagusapan bukas yung nangyari!” inis na inis na sabi nya sakin.

“Aly, paguusapan naman pala ulit. Hintayin mo na lang yun resulta bukas, magiging maayos din ang lahat.”

“Hindi mo naiintindihan, Bie. Nakita nang buong klase yung nangyari. Pinahiya nya ko sa buong class natin!” naiiyak nang sabi nya.

“Sorry..” tanging nasabi ko saka ko sya hinagod sa likuran nya bilang pag comfort. Sumuksok sya sa leeg ko at naramdaman ko dun ang pagpatak ng luha nya.

Ramdam ko yung sakit na nararamdaman nya. Nasaktan ang pride nya kaya ganon. Ramdam ko sya, pero alam ko namang ginagawa lang ni Eliz ang trabaho nya bilang Prof namin. Isa pa, si Carla ang sumigaw at hindi si Eliz. Oo Eliz ang sabi ko, hirap na ko tawagin syang Miss Eliz! Sigurado magagalit lang si Aly kung babanggitin ko pa yon.

Mahaba pa naman ang bakanteng oras namin dahil maaga nadismissed ang first period. Nandito lang kami sa kotse ni Aly nagpalipas ng oras.

“Bie..”

“Hmm?”

“Pwede bang wag ka nang sasama sa babaeng yon at hayaan mo na lang na iba ang maging T.A nya? please..?”

Tumango lang ako sa kanya. Hindi nya na naman kelangang sabihin yun dahil si Eliz na mismo ang nagsabi non sakin.

***

May Ilang araw na rin ang nakalipas mula nang may nangyaring cheating sa klase. Maayos na lahat at naparusahan na yung mga tunay na may kasalanan. Si Diego at Richie talaga ang nagpapasahan nang papel. Pinaaabot daw ni Richie kay Aly yung papel nang makita nya na may mga sagot yun kaya nagdalawang isip syang iabot yun kay Diego. Yun ang dahilan kung bakit sumigaw ng ganun si Diego sa kanya at narinig naming lahat sa klase.

Inunahan din daw ng kaba nun si Aly kaya hindi agad nakapagsalita ng tanungin sya ni Eliz. Pero mabuti at nakonsensya si Diego at umamin na rin. Nireport sa guidance office ang ginawa nila at 1 week suspended sila. Pinaalam din yun sa mga parents nila ni Richie.

Dalawang beses na rin kami nagkaron ng practice ng volleyball para sa sportsfest ngayon week na ‘to. Nakausap ko si Cha bago yung first practice nin king saan si Jam ang coach. Nandon din kase sya. Kinausap ako ni Cha kung san kaming dalawa lang ang nandon. Inexplain nya sakin yung nangyaring pagkiss ni Jam kay Eliz na nakita ko mismo.

Mom's Bestfriend (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon