JessiePaglabas ko ng room tinanong agad nila ko about sa pinag-usapan namin ni Miss Eliz. Pero ayun sabi ko marami syang tinapos na paperworks kaya wala rin kaming napag-usapan.
Natapos na ang lahat ng klase at uwian na. Di pa ko uuwi dahil kelangan ko ulit makausap si Miss Eliz. Hay parang ayoko na nga sya kausapin, hindi naman kasi kami nag-uusap talaga eh!
Nalungkot si Allyson ng sabihin kong mag-uusap ulit kami ni Miss Eliz. Sabi ni Mich sakin kanina nagseselos daw si Aly mula kanina pa ng mag-usap kami ni Miss Eliz after ng class nya. Tingin ko naman nag-aalala lang sya. Wala pa rin kase ako nababanggit about dito sa nalalaman ni Miss Eliz about samin. Although wala naman talagang kami, pero nakita nya kami nagki-kiss.
Nakauwi na yung karamihan sa Prof, ilan na lang ang nandito sa faculty. Nakita kong palabas na rin yung pinuntahan ko dito kaya di na ko pumasok pa sa loob.
"Let's go!" sabi nya pagdaan sa harapan ko.
Nandito na kami sa basement kung san nakapark yung kotse namin. Nauuna sya maglakad kaya nakikita ko kung pano sya kumembot sa paglakad. Ang sexy! Ang hot!
"Eyes up here De Guzman" uh-oh nakatingin na pala sya sakin. Nagulat tuloy ako. Napakamot tuloy ako sa ulo ko sa pagkakahuli nya sakin. Feeling ko namumula na ko.
Napansin kong napa-smile sya sa reaction ko. Wow ang ganda nya..
"Sakay na!" sabay bukas ng pintuan ng kotse nya.
"B-bakit dyan? May sasakyan din ako" nagtatakang sabi ko sa kanya.
"Di ba may 'pag-uusapan' pa tayo?" ay oo nga pala. Hmm usap ba talaga?
Sumakay nalang ako. Pumunta kami sa isang resto at habang wala pa yung inorder naming pagkain ay nag-umpisa na sya sa pag-uusap.
"So Jessie, ano na ngang plano mo about sa nakita ko kahapon?" bigla na ulit akong kinabahan sa sinabi nya. Pano wala akong maidahilan.
"M-ma'am" yun lang ang lumabas sa bibig ko.
"Iniisip ko nga na humingi na lang kaya ako ng kapalit para manahimik sa nakita ko? What do you think?" Hay bat pa may kapalit? Krimen ba yung ginawa namin?
"Alam ko kase gusto mong masungkit ulit ang Student of the year award this year. So kung magiging madaldal ako, malabong mapasayo yun?" nakataas na kilay na sabi nya. Naiinis ako sa aura nya ngayon. So ganitong klase pala sya ng tao? Bakit nya ko tinatakot?
"Blackmail, huh?" matapang na sabi ko sa kanya habang nakatitig ng derecho sa mga mata nya. Naiinis kase ako!
Tumango lang sya at naka-smile sakin. Naningkit tuloy ang mata ko sa inis. Dumating na yung waiter kaya di ako nakapagsalita agad.
"So anong gusto mo?!" naiinis na tanong ko. Kumakain na sya pero ako ayoko dahil wala na kong gana.
"Ano bang kaya mong gawin?" nakangising tanong nya.
Hindi ako makasagot. Marami naman akong alam gawin no, pero malay ko ba kung ano ang gusto nyang kapalit. Tahimik lang kaming dalawa habang kumakain sya. Nag-iisip naman ako dito. Di ko rin alam kung ano iniisip ko.
"Kung wala naman, pwede na tayong umuwi at bukas papuntahin mo nalang ang parents mo sa School" tumayo na sya at umalis. Ang bilis nya naman kumain. Tumayo na rin ako at babayaran sana yung bill pero bayad na pala.
Hinabol ko sya kung san nakapark yung kotse nya. Hinila ko sya sa braso ng makita kong pasakay na sya sa kotse. Sinara ko ulit yung pinto.
"Ano ba kasing gusto mo?!" tanong ko habang hawak pa rin sya sa braso.
Nakita kong parang nasasaktan sya sa pagkakahawak ko kaya tinanggal ko agad ang kamay ko. Namumula yun braso nya. Di ko naman sinasadya. Pero ayoko mag-sorry,nakakainis sya.
"Wala" maikling sagot nya sabay kibit-balikat. Akmang sasakay na ulit sya ng sasakyan ng isinandal ko sya dito.
Tumungo ako para makapagisip-isip. Hindi ko na mapigilan ang nararamdaman ko. Halong takot, lungkot at kaba.
Ano na lang ang sasabihan nina Mom at Dad pag nalaman nila kung ano ako. Mahal na mahal ko ang parents ko, lalo na si Mom na laging nandyan.
Pano na ko magiging model student pag nalaman ng iba kung ano ang tunay na preference ko.
Habang naiisip ko ang lahat ng to, naramdaman ko na lang ang pagtulo ng luha ko.
"Please wag mo sabihin kina Mama, o kahit kanino. Nagmamakaawa ako sayo. I'll do anything. Please please gagawin ko lahat ng gusto mo.." hinawakan ko sya sa kamay nya para magmakaawa.
Tuloy-tuloy lang ako sa pag-iyak. Natatakot ako.. natatakot ako.. T_T