Chapter 11

28.7K 614 3
                                    


Jessie

Kring!.. Kring!.. Kring!..

Ugh! Parang saglit palang ako nakakatulog uh! Ang sakit sa ulo.

Nakapikit ko pang pinatay ang alarm clock ko. Nakakatamad pumasok. Pumikit pa ko sandali ng makaramdam ako na may yumakap sakin mula sa likuran ko. Pumihit ako para makita kung sino yun.

“E-eliz!?” gulat na sabi ko ng makita kung sino ang katabi ko at nakayakap sakin.

Nakapikit pa rin sya at hinihila ako palapit sa kanya.

“Matulog muna tayo Jessie.. Masyado pang maaga..” inaantok pang sabi nya.

Mahigpit ng nakayakap sakin ang mga braso nya. Ilang inch na lang ang pagitan ng mga muka namin. At ang katawan namin, magkadikit na kaya sobrang lakas na ng kabog ng dibdib ko.

Pigil hininga ako habang nakatingin sa makinis nyang muka. Nakakahiya namang maamoy nyang may morning breath pa ko.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Naaakit lang akong titigan sya. Gusto kong umiwas pero di ko magawa.

Her smooth skin.. her cute nose.. and her kissable lips..

Napapailing naman ako sa mga naiisip ko. Ano ba to, hay..

Eh bat nga ba ganito yung epekto nya sakin?

Si Aly, we kissed and we hugged, pero hindi bumibilis ng ganto ang heartbeat ko. Hindi kaya..

Tok! Tok! Tok! Tok!

“Jessie, Eliz, Aly, gising na.. May mga pasok pa kayo” sigaw ni Mama sa labas.

Pero ako lang yata ang nakakarinig nun dahil mga walang imik yung mga kasama ko.

Tinapik-tapik ko sa muka si Eliz para gisingin. Hindi naman sya nagpumilit pang matulog at bumangon na rin agad.

Pumunta na rin sya sa banyo kaya si Allyson naman ang ginising ko na nakahiga sa sahig. Alam nya kayang lumipat si Eliz sa tabi ko?

Pagtapos namin mag-ayos ay para kaming mga zombie na pumunta ng dining.

“Nakakatawa ang mga itsura nyo” natatawang sabi ni Mama.

Napatingin naman ako sa kanya ng nagtataka.

“Ma, nasan po sila Tita Julie?” tanong ko bago inumin ang hot choco na gawa ni Mama.

“Umuwi na po honey.. Hindi na sila nakapagpaalam kase medyo late na rin sila sa trabaho” sagot ni Mama.

“Eliz pinapasabi pala ni Julie, uuwi daw sila mamaya ng probinsya. Dadalaw daw sa Lola Mameng, kase may sakit?” dagdag pa nya.

“Oo nga eh, nagkasakit ang Lola. Hindi naman ako makadalaw dahil hindi ako pinayagan mag-leave” sagot naman ni Eliz.

Oo nga pala, magkapatid sila Tita Julie at Eliz. Nasa highschool daw sila ng mag-umpisa ang friendship nila with Mama.

Magkaklase sila Tita Julie, Ayen at saka si Mama. Tuwing may group project sila, dun sila sa house nila Tita Julie gumagawa, kung san nakilala ni Mama si Eliz. Isang makulit na bata na lagi nanggugulo sa mga ginagawa nila.

Ang saya-saya nga nilang pinag-uusapan kagabi yun mga kakulitan ni Eliz dati. Lalo na ng si Mama nahawa na rin ng kakulitan at don nagsimula ang pagiging close nila.

“Bie..” tawag na nakapagpatigil sa pag-iisip ko.

Tumingin ako sa kanya at nakita ko ang nakaready ng isusubo nya saken na pancake. Pero bago ko pa man makain yun ay nahulog na yun sa sahig.

Ugh! Eh pano ba naman may malikot na nakaupo sa kabilang side ko, si Eliz yun.

“Sorry Bie.. Isa pa” nagslice ulit sya ng piraso ng pancake sa tinidor na isusubo sakin.

Ouch!

“Jessie, are you okay?” nag-aalalang sabi ni Mama ng bigla ako mapatayo.

Aray ko, inapakan kase ako ni Eliz sa paa na nakatago sa ilalim ng table. Kaya no wonder hindi nakita yun nila Mama.

Kahit hindi pa sya nakasapatos masakit talaga yun. Hay ang lakas ng trip ng babaeng to! Bakit na naman kaya?

Galit na tumingin ako sa kanya, pero iniwas ko rin agad dahil baka makita ni Mama. Baka isumbong pa ko ng babaeng to!

“Ma okay lang po, magpupunta lang ako sa banyo” palusot ko kaya na umalis na ko agad.

Pagtapos namin kumain umalis na rin kami. Kasama ko si Aly dahil pupunta kami sa kanila para makapagpalit sya ng uniform. Si Eliz naman umalis na rin.

Habang nagmamaneho ako nakahawak lang sa kamay ko si Allyson.

Nang makarating kami sa kanila, umalis na rin agad kami pagtapos nya magbihis at pumasok na sa School.

Medyo late na kami dumating dahil nga dumaan pa kami sa house nila Aly. Buti nakahabol pa kami sa attendance ni Miss Eliz.

Prof namin sya tuwing Monday and Tuesday every 1st subject. Okay naman dahil magaling syang mag-discuss ng lessons nya.

Medyo strict sya na Professor, kahit na minsan nakikipag-biruan sya sa mga estudyante nya. Ayaw nya kase ng pabaya sa pag-aaral.

Gaya ngayon, seryoso syang nagdi-discuss sa harap ng klase. Parang hindi sya yung babaeng humalik sakin dati.. yung babaeng nakita kong nakahubad.. at babaeng nakatabi ko kanina sa pagtulog.

I shook my head. Kung anu-ano na naman ang mga naiisip ko. Yumuko ako sandali at pinakiramdaman ang tibok ng puso ko. Ang lakas at ang bilis, ganito to kapag naiisip ko sya. Pero bakit ba?

“Jessie..” tawag ng isang pamilyar na boses.

Paglingon ko nakita ko ang magagandang pair ng mga mata nya. Dark brown eyes. Parang blurred na lahat ng ibang bagay bukod sa kanya.

Sya lang malinaw sa mga nakikita ko. Pero nagiging malabo na rin ang nakikita ko sa kanya. Bigla ako nakaramdan ng pagbigat sa mga mata ko. At unti-unti nang nagdilim ang paningin ko.

*****

Mom's Bestfriend (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon